SIH 21

223 35 6
                                    

Gabb's Pov

"I look great when im with you Skribikin" sabi naman ni ella sa akin nang maihatid ko siya sa may upuan, napatingin ako sa paligid kasabay nun ay narealized ko na bakit puro naka black ang lahat at tanging kami lang ni ella ang naka gold na suot.

"Happy Birthday ulit ella?! I gotta go back to my seat na" pagpapaalam ko sa kanya , ayokong umasa sa narinig ko sapagkat ikakasal na siya sa iba.

"Wait can we talk after this celebration? If okay lang naman sayo gabb but if not its also okay" sabi niya sa akin habang nakatingin lang ng diretso , gusto ko siyang yakapin ngayon sapagkat sobrang namiss ko siya pero hindi pwede.

"Yeah sure , may sasabihin din naman ako sayo ella , sige see you later i guess?!" Aniya ko saka naglakad na pabalik sa aming upuan , pagdating ko ay sari saring mga mata ang nakatingin sa akin.

"What?! Anong meron dyan sa mga tingin niyo? May ginawa ba akong masama at para akong kriminal sa nga tinginan niyo?!" Tanong ko sa kanila saka naupo na at tinanaw lang sa malayuan si ellla , she's so pretty right now at hindi na maalis ang tingin ko sa sobrang ganda niya ngayon.

Mas lalo siyang gumanda at tumangkad na din , maraming ng nagbago pero yung ngiti niya, masasabi kong parehong pareho pa din noon.

"Wala naman gabbo hahaha , parang kakaiba lang kasi yung ngiti mo dun nung makasayaw mo si ella , hmp bagay kayong dalawa?!" Aniya naman ni ate dana , nang aasar na naman siya as usual pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Im just happy na makita siya ngayon, she looks great and I don't think i deserved her ate dana , my past till now? I can say that im still the Skribikin that she knows , she's like an angel in the story while me? Im just the supporting character na dumating sa buhay niya upang gambalain yung tahimik niyang mundo" malungkot na sabi ko at umiwas na ng tingin sa kanila , nakayuko na ako sapagkat ramdam ko yung sakit.

"You know gabb? You're not the same person in the past , look at yourself now? You've changed a lot that's because pinili mong magbago for yourself at para maipakita mo din sa kanya na kaya mo , kinaya mong magbago dahil sa kanya , hindi mo na confirm yung feelings mo last 2 years ago pero ngayon na nandito na siyang muli, baka it's time na para hindi ka maging duwag, go for it gabb! Hindi pa huli ang lahat para doon" seryosong sabi niya sa akin saka hinawakan ang aking kamay , napatingin din sa akin sila gia at jaydee na ngayon ay parang naaawa sa akin.

"Ate dana , ikakasal na siya sa iba and im just scared na aminin at sabihin sa harap niya mismo na mahal ko parin siya , masasaktan na naman ako this time ate dana at alam kong deserve ko yun , madaming nag suffer sa akin at may lifetime trauma so this is nothing for me kasi kahit anong sakit ang maramdaman ko? I know i deserved it!" Medyo emotional kong sabi sa kanila , i deserve it talaga simula nung bata palang hanggang sa paglaki ko ay madami akong nasaktan.

Yung ginawa ni coleen sa akin na pamamahiya last 2 years ago? Hindi matutumbasan ng sakit na naramdaman ko nun yung sakit na nararamdaman niya noong bata palang siya hanggang ngayon.

"Hindi ka ba napapagod gabb? Napatawad ka na nila pero hanggang kailan mo papatawarin yung sarili mo? Hindi habang buhay ay kailangan mo mag suffer sa mga bagay na ginawa mo noon? Ang mahalaga ay nag reflect kana at hindi mo na ginawa pa ang mga yun" napaiwas ako ng tingin kay ate dana dahil doon, masaya ang tugtugan dito at pinipigilan ko talagang hindi maiyak ngayon.

Hindi na ako umimik at kinuha ko nalang yung wine glass at nagsalin ng wine doon tsaka ininom ng diretso , hindi naman nakakalasing ito sa akin kaya tuloy lang ako sa pag inom , sinasabayan nalang ako ni jaydee at gia.

Napapaisip din ako ngayon, nadamay din sila sa galit ni coleen , pinaglaruan din sila ni frances at lyza na dapat ay hindi naman na kasali sa alitan namin noon.

A few minutes later at mukhang matatapos na yung events , tapos na din kaming kumain at nakamasid pa din ako kay ella ngayon na madaming nagpapa picture na mga lalaki sa kanya.

Nakangiti lang siya habang kausap yung mga iyon , ang ganda niya lalo kapag nakangiti ng ganyan.

"Gabb at Dana? Come with us mga anak? Pupunta tayo sa loob ng bahay para batiin ang mga Amat, sapagkat uuwi na din tayo" sabi naman ni daddy , napatayo na si ate dana habang ako naman ay nag dadalawang isip pa kung tatayo.

"Sunod nalang ako dad!" Sabi ko kay daddy , nagulat kasi ako ng makita ko ngayon dito si coleen? Siya ba talaga tong nakikita ko ngayon?

"Bilisan mo gabb ah? At may pag uusapan pa tayo sa loob" sabi naman ni daddy at tumango nalang ako naglakad na sila papuntang loob habang ako naman ay nagpaalam din muna kila jaydee at gia na masayang nag iinuman lang , single feels yarn?

Tumango nalang sila ay ako naman ay nagsimula ng maglakad sa kinaroroonan ng hinihinala kong si coleen.

"Coleen ikaw ba yan?" Aniya ko nang makalapit ako ng kaunti , lumingon naman ito sa akin at tsaka nanlaki din ang kanyang mga mata ng makita ako.

"G-gabb?" Nauutal na sabi niya sa akin , napangiti naman ako sa kanya , malaki din ang pinagbago niya ngayon ah? Mas lalo siyang gumanda.

"Oo ako nga , i didn't expect na makikita kita dito ngayon coleen , kamusta kana?" nahihiyang sambit ko sa kanya ,halata naman ang pagkailang niya sa akin ngayon , okay naman na kami pero syempre ako nga dapat ang mailang sa aming dalawa.

"Oo ako din! Biglaan lang din kasi ang pag imbita ng family ni ella sa amin , okay lang ako gabb! Eto ikakasal na din kagaya ni ella" sabi niya sa akin , pati pala siya alam na ikakasal na si ella.

"Masaya ako para sayo coleen! Congratulations sa inyong dalawa ng mapapangasawa mo! Sana ingatan ka niya at mahalin ng totoo" sabi ko sa kanya , nginitian niya lang naman ako , yung ngiti na matagal ko nang hindi nakikita.

Sobrang sarap lang sa feeling ko ngayon kasi medyo okay yung muli naming pagkikita ni coleen.

"Siya nga pala , mauna na ako coleen at baka hinahanap na din ako nila daddy sa loob, it was nice to meet you coleen! Have a great day!' huling sabi ko sa kanya , tumango nalang siya and then tumalikod na ako para maglakad papuntang loob nang bigla siyang magsalitang muli.

"Masaya din ako gabb sa inyong dalawa!" Sabi niya na hindi ko naman naintindihan , nagdiretso diretso lang ako sa paglalakad papuntang looban , nakita ko na sila daddy at sila ate dana na masayang nakikipag kwentuhan lang sa parents ni ella.

Kabadong kabado ako ngayon na harapin sila dahil sa nagawa ko sa past , sana maging okay yung atmosphere.










Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now