Chapter 15

30 6 1
                                    


Rizanne Mian

“Ba’t ang tahimik mo, girl?”

Napatingin naman ako kay Solana na parang batang nakatingin sa akin, pinagmamasdan ako na para bang sobrang weirdo kong tao.

Nasa pisngi nito ang dalawang kamay niya at pilit hinuhuli ang mga tingin ko.

“Ha? Tahimik naman ako lagi, a,” saad ko at umiwas ulit ng tingin.

Pinanlakihan niya ako ng mata bago umirap. “Sino niloloko mo? Ilang buwan pa tayong magkaibigan pero kilala na kita, no. Oo, tahimik ka lagi, pero iba iyong panamahimik mo. Parang may something. . .”

Umiling naman ako nang umiling. “A, pinagsasabi mo r’yan? Alam mo, Solana, kung ano-ano iniisip mo,” I faked laugh and open my books, pretending to read.

We don’t have teachers yet, that’s why all of us have chances to chit chat with our sit mates.

Wala sila Jhersy dahil pumunta sila sa canteen para bumili ng pagkain kasama sila Shazzy at Rotianelle, nagugutom daw sila. Himala nga at kasama ko ngayon si Solana, nakakagulat na hindi siya kasama bumili dahil sa aming lahat ay siya lagi ang gutom.

Ilang araw na ring ang lumipas simula n’ong nag-arcade kami. Nag-enjoy naman ako kahit papaano dahil kasama ko naman si Andrew n’on at panandalian kong nakalimutan ang mga sinabi ni Amirah n’ong mga araw na iyon.

“Nagbasa ka pa talaga, baliktad naman iyong libro,” gulat naman akong kay Solana dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. Kinuha nito ang libro na hawak ko at binaliktad.

Napahiya naman ako, binalik ko na lang sa bag ko ang libro dahil wala rin naman akong naintindihan dahil nga baliktad ito at isa pa lumilipad ang utak ko kung saan.

I’ve been thinking about my family for the past few days. Something’s strange about them, they’re hiding something from me that they don’t want me to know. As always they have a lot of secrets that I don’t know. Unfair!

Natapos ang buong araw na wala ako sa sarili. Kausapin ko kaya sila? Ang alam ko ay nasa shop si Papa, si Ate Rianna naman ay paniguradong nasa school nila siya, kaya alam kong si Mama lang ang nasa bahay.

Napabuntong hininga na lang ako at hiniga ang sarili sa kama. Ilang minuto siguro akong nakatulala sa ceiling namin. Kakausapin ko sila o hindi?

“Argh!” frustrated kong sigaw at sinabunutan na ang sarili.

Kung titignan ay para akong baliw sa ngayon pero wala akong pakialam d’on. Masyado na akong naguguluhan.

Baliw na kung baliw pero paano nila natatago ang ganitong bagay sa akin?

***

“W-wait, magba-banyo na muna ako,” paalam ko sa kanila ng makaramdam ako ng pagka-ihi.

Ihing-ihi na ako, lalabas na yata sa pantog ko ang ihi ko!

Tumango lang sila kaya hindi ko na hinintay ang sagot nila at agad na akong tumayo at nag-tungo sa banyo.

“Hindi ba’t si Rizzane ang anak ni Tita Rufa?” rinig kong sambit ng kung sino sa labas.

“Of course, but she is my Mama too.” Inis na sigaw ni . . . Rotianelle?

I was about to flush the toilet when I heard those familiar voices. What’s their talking about?

“Are you sure na iisang mama kayo?”

“Oo,”

“So, magkapatid kayo?”

“No, she is not my sister! As in, Never!” ayan na lang ang huli kong narinig mula sa bibig n’ya bago ko narinig ang pagsara ng pintuan sa banyo.

Lumabas ako ng cubicle at hindi makapaniwalang tinignan ang aking sarili sa salamin.

Along The Uneven Road (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon