Episode 1 : She who lost twice

147 12 7
                                    


Episode 1 : She who lost twice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 1 : She who lost twice

Astra






No'ng bata pa ako madalas na kinukwento sa akin ng mga magulang namin kung ilang beses nila akong dinala sa albularyo dahil daw sa mga naging sakit ko dati. Paulit-ulit nilang sinasabi sa akin na mahina ang resistensya ko, pero ilang beses nila akong dinala sa albularyo para alamin kung may lamang-lupa ba akong naka-away o kung may kapre ba na nagka-interes sa akin.

Natawa ako no'ng sinabi sa akin ni papa na ilang beses nakipag-away si mama sa mga albularyo nang sabihin nila na may diwata raw na nagkagusto sa akin at hindi ako hahayaang gumaling kung hindi nila ako isusuko.

In the end pinagamot nila ako sa ospital dahil ayaw maniwala ni mama sa sinabi ng albularyo. Nakakatawa lang isipin na in the first place wala namang tiwala sila mama sa mga albularyo pero doon pa rin nila ako dinala. Ang excuse nila, malayo pa raw kasi sa bahay namin ang mismong ospital at mahal ang pamasahe papunta sa sentro ng bayan kung nasaan ang pagamutan kaya wala silang nagawa kundi ipatingin muna ako sa albularyo.

Naaalala ko pa na si papa ang pinagalitan ni mama noong nilagnat ako. Ang sabi ni mama baka raw nausog niya ako kaya nilawayan ako ni papa noon. Pero noong hindi pa rin gumaling, dinala ako sa albularyo. At dahil nga naka-away ni mama ang lahat ng albularyo sa amin, hindi na kami tinanggap ng mga albularyo kaya napilitan kaming magpunta sa bayan.

Bata pa noon si Elrond, samantalang anim na taong gulang ako nang una kaming makapasok sa ospital.

Naalala ko pa noon na ilang linggo akong nanatili sa ospital dahil sa lagnat ko. Ang sabi ng mga doctor baka raw may nakain akong masama kaya kinailangan nila akong pasadahan ng ilang tests hanggang sa tuluyan akong gumaling.

Sa tagal ng pamamalagi ko sa ospital, ilang beses na akong nakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng mga magulang ko o ng mga nurse. Hindi ako natatakot noon dahil akala ko espesyal ako. Mayroong time na nakipaglaro ako sa isang batang lalaki kaya naligaw ako sa ibang ward. Galit na galit si papa no'n sa mga nurse dahil hindi raw ako napansin na umalis ng kwarto ko.

Si mama naman tinanong kung bakit at paano ako napunta sa ibang ward.

"Kalaro ko po si Dorry," sagot ko noon.

Tinanong nila ako kung sino si Dorry, pero ang pagkaka-alala ko noon, nasa likuran ko lang siya. Hindi alam nila mama at papa na may iba pa akong nakalaro na mga hindi tao sa ospital. Matapos ang ilang araw, tuluyan na akong na-discharge at hindi ko na tuluyan pang nakita 'yung mga nakilala kong hindi tao sa ospital.

Simula no'n dinala ko na hanggang sa pagtanda ang mga imaheng naaalala ko sa isip ko. Nakakapagtaka na kahit may sakit ako sa memorya, naaalala ko pa rin ang mga pangyayari na 'yon.

Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon