KABANATA CLXXXIX

6.1K 26 0
                                    

Napasigaw si Kingston habang tinitingnan nang matalim si Tristan. Agad naman itong naintindihan ni Tristan na agad sumunod kay Yvonne, "Oh, tingnan ninyo. Hindi ba't iyon ang pabigat na manugang ng mga Lyndon?" Habang nagsasalita, nilagay ni Tristan ang kaniyang kamay sa baiwang ni Yvonne. "Bakit mo siya binabati, Yvonne? Isa lang siyang pabigat na manugang ng mga Lyndon!"

Nagpapadyak sa kaniyang paa si Yvonne nang bigla siyang lapitan ni Tristan. "Ano ang ginagawa mo? Darryl, huwag mo sanang masamain ito."

Ngumiti si Tristan at nagtanong ng, "Ano naman kung iba ang isipin niya sa bagay na ito?"

"Dude, kilala mo ba ako?" Titig ni Tristan kay Darryl. "Ako nga pala si Tristan Zink. Involved ang pamilya naming sa jewelry industry. Limang branches din ng 'Zink Jewelry' ang itinayo naming sa Donghai City. Nga pala, gusto ko si Yvonne kaya lumayo layo ka sa kaniya!"

Hindi na kataka taka kung bakit naging ganito kayabang si Tristan, involve kasi siya industiya ng mga alahas.

Tumawa lang dito si Darryl na para bang walang pakialam sa kaniyang mga sinabi.

Kasabay nito ang pagpasok ng mga tao sa hall dahil sa nalalapit na pagsisimila ng auction.

"Nakakatawa dahil nagagawa ng isang pabigat na manugang na magpunta sa isang lugar na kagaya nito." Nanlolokong sinabi ni Tristan. "Isa ba ito sa mga lugar na abot ng budget mo?"

"Mayroong isang rule na nagsasabing hindi dapat ako naparirito kung wala akong pera hindi ba?" Tawa ni Darryl. Naintindihan niyang manliligaw ni Yvonne ang lalaking ito kaya natural lang na ipagmalaki niya ang kaniyang yaman sa harap ng kaniyang natitipuhang babae. At natural lang din na ituring niya si Darryl bilang kaniyang kalaban.

"Haha! Tama ka nga riyan. Pero pupuwede pa rin naman itong puntahan ng mahihirap diyan sa tabi tabi." Tawa ni Tristan habang tinititigan si Darryl sa mata. "Maaaring nakikita mo na ito sa akin pero isa akong mapagbigyan na tao. Kaya okay lang sakin kung pahihiramin kita ng kaunti kong pera para mabili ang bagay na magustuhan mo sa auction mamaya since kaibigan ka naman ni Yvonne."

"Talaga? Napakabait mo naman kung ganoon," ngiti ni Darryl.

"Huwag ka nang mahiya.* Sagot ni Tristan. "Alam ko namang kinakapos po ang mga kagaya mo. Habang kaming mayayaman ay hindi nagkukulang sa kahit na ano. Kaya bakit di mo kaya ako tawaging Daddy at si Yvonne bilang Mommy? Bibigyan kita ng dalawang milyong dolyar sa sandaling sabihin mo ito. Ano sa tingin mo?"

Ngumiti naman dito si Darryl. Hindi naman nakapagpigil sa kaniyang sarili si Dax na nakatayo sa kaniyang tabi. "Ano bang problema mo?" Nagagalit nitong sinabi.

Kilala sa pagiging mainitin ang ulo ni Dax, lalo na ngayong mayroong isang tao na nangmamaliit sa kinakapatid niyang si Darryl. Hindi na niya mapigilan ang kaniyang sarili, gustong gusto na niyang turuan ng leksyon si Tristan.

"Tsk. Tsk. Tsk. Mayroon din palang mga katulong ang isang pabigat na manugang na kagaya mo?" Ngiti ni Tristan. Hindi siya natatakot dahil hindi niya kilala kung sino si Dax Sanders. Naisip niya na kasing walang kuwenta lang ni Darryl ang mga taong nakakasundo niya.

Matapis itong maisip, inabante ni Tristan ang kaniyang ulo papunta kay Dax.

"Sige, subukan mo akong suntukin. Suntukin mo ako rito; sa parting ito ng aking ulo!" Turo ni Tristan sa kaniyang sarili. "Sa sandaling kantiin mo ako, siguruhin mo nang ihahanda mo ang iyong sarili na makulong habang buhay, ikaw---"

Smack!

Agad na nagpakawala ng suntok si Dax sa kaniyang ulo.

"Buwisit!"
Nang
Napasigaw si Tristan habang nagbubukol ang kaniyang ulo.

"Mag-iingat ka!" Sigaw ni Tristan, "Sa sandaling matapos ang auction na ito, hinding hindi ako aalis dito nang hindi kayo nakabulagta sa sahig!"

Sa sobrang lakas halos mawalan na ng malay si Tristan sa pinakawalang suntok ni Dax.

"Tama na, Tristan! Tigilan mo na ang mga kalokohan mo!" Dito na biglang sumabat si Yvonne habang naglalakad gamit ang kaniyang heels papasok sa hall.

"Sandali lang Yvonne!" Sigaw ni Tristan.

Napakalaki ng hall na ito, may laking katumbas ng apat na basketball court. Pero halos mapuno parin ito ng mga bisitang kabilang sa itaas na bahagi ng lipunan.

Umupo si Pearl sa harapan bilang kinatawan ng Platinum Corporation. Napagdesisyonan naman ni Darryl ba huwag umupo sa tabi nito, at sa halip ay pumili na lang ng ibang upuan kasama ni Dax at nang asawa nito.

Naglakad si Yvonne palapit at nagtanong ng. "Maaari ba ba akong umupo rito?" Bulong niya.

Mayroong dalawang rason kung bakit niya napiling umupo rito. Una ay para humingi ng advise sa mga iaauction na antique. At ikalawa ay dahil sa pagkamiss niya rito.

"Yvonne, mas maganda ang view sa mga upuan sa harap. Dapat na ba tayong pumunta roon?" Mabilis siyang sinundan ni Tristan habang tinitingnan si Darryl sa gilid ng kaniyang paningin.

Ano bang meron sa basurang manugang na ito? Ano bang mayroon kay Darryl para ibaba ng ganito ni Yvonne ang kaniyang pride at sumunod sa kaniya na parang isang estudyante?

"Hindi na kailangan. Uupo ako rito." Sagot ng hindi natutuwang si Yvonne.

Wala nang nagawa si Tristan kundi umupo sa kaniyang tabi.

Napuno ang mga upuan ng halos isang libong mga bisita. Isa nga talaga itong grand auction.

Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang auction. Nagsimula ito sa pag aauction ng mga ordinaryong alahas at mga antique na nagkaroon lang ng starting bid na ilang libong dolyar. Bilang isang tagapagmana ng pamilya Young na bihasa sa mga antique, walang kahit na anong interes sa mga ito si Yvonne dahil ilang beses na niyang nakita ang mga ito.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now