KABANATA CXCI

5.7K 27 2
                                    

"Sige, titigil na ako. Para rin ito sa kaniya. Kailangan niyang maturuan ng leksyon para hindi na mapasok siya malaking gulo sa hinaharap." Sagot ni Tristan.

Hindi na siya pinansin ni Darryl. Ngumiti ito at nagsend kay Pearl ng isang text.

Sa mga sandaling ito, ipinukpok na ng auctioneer ang kaniyang gavel habang sumisigaw ng. "Ninety million para sa babaeng naroroon! Going once, going twice, going-"

"One hundred million," kalmadong pinutol ni Pearl ang pagsasalita ng auctioneer habang itinataas ang kaniyang kamay.

Napapigil hinga rito ang mga tao sa paligid. Isang daang milyon para sa isang pares ng mga high heels? Nahihibang na ba siya? Ganito ba talaga kahibang ang lahat ng babae?

Napalunok ang lahat kay Pearl. Punong puno ng biyaya at rangya ang kaniyang ganda habang nakasuot ng professional business attire na kumuha sa pansin ng ilang mga kalalakihan. Mayroon ngang kasabihan na"A good horse deserves a good saddle" --kaya natural lang para sa isang magandang babae na gaya ni Pearl na magkaroon ng Worship of Crystal!

Kahit na naging kalmado si Pearl sa mata ng lahat, nanginginig naman ang kaniyang dibdib sa sobrang pagkasabik.

Nakatanggap siya ng instructions mula kay Darryl na magbid para sa Worship of Crystal nang last minute. Kahit na alam niyang hindi para sa kaniya ang mga iyon, ang pagbibid para sa presidente ay masyado pa ring nakakasabik.

Hindi sigurado si Pearl kung para kanino ang Worship of Crystal na ito, pero nang matapos ang auction, napagdesisyonan niyang isuot at kumuha ng ilang mga litrato nito. Sobra sobra na ang bagay na ito para sa kaniya.

"One hundred million, going once, going twice, going thrice, SOLD na ito kay Ms. Hahn!" Hindi na maitago nga auctioneer ang kaniyang pagkasabik.

Agad na dumagundong sa palakpakan ang buong auction hall nang marinig ito.

Napakagat na lang sa kaniyang labi ang nadidismayang si Yvonne. Mukhang hindi na siya talaga magkakaroon ng  Worship of Crystal.

Ang susunod na item na iaauction ay isang maliit at napakagandang box na gawa sa kahoy. Agad na nagulat ang lahat nang buksan ng auctioneer ang box.

Isang kulay itim na Elixir ang makikitang nakalagay sa loob nito.

Sa isang high-ended auction na gaya nito, maituturing nang kakaiba ang pag aauction sa mga Elixir pill.

"Everyone, alam kong marami sa mga kasama natin ngayon ay mga cultivators. Kaya ipinapakita ko sa inyo ngayon ang highlight ng auction na ito!" Sabi ng auctioneer.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita at sinabing. "Ang Elixir pill na ito ay tinatawag bilang Godly Pill. Nakatutulong ito sa mga cultivator na makalampas sa bottleneck ng kanilang  mga pagsasanay. Kung nastuck na kayo sa level five ng master domain, o sa level five ng master General na domain, makakatulong ang Godly Pill na ito na makatawid kayo sa susunod na level! Masyadong pambihira at mahiwaga ang pill na ito."

Agad na nagbulungan sa sobrang sabik ang nga tao sa paligid. Alam ng lahat na masyadong mahirap ang pagiging isang Cultivator. Marami sa kanila ang nastuck sa isang level buong buhay nila dahil hindi na nila nagawa pang umangat ng kahit na kaunti rito. Kaya siguradong hindi lang pambihira at mahiwaga ang Godly Pill na ito. Wala na rin itong katumbas na halaga para sa iba.

Nasabik din dito ng husto si Dax. Dalawang taon na ang nakalilipas mula noong marating niya ang level five ng Master domain at nastuck na rito hanggang ngayon. Ayon sa kaniyang lolo, nagawa ng ilang tao na mastuck sa level five ng master domain at hindi na nagawa pang makatawid sa susunod nitong level habang buhay. Pero kung susuwertehin, maaari kang makatawid sa susunod na level sa loob ng tatlong taon. Pero sa kasamaang palad walang nangyayaring improvement sa karamihan ng mga ito.

Ang tanging rason kung bakit nagpunta si Dax sa auction na ito ay para sa Godly Pill na ito.

"Godly Pill?" Agad na naningkit ang mata rito ni Darryl. Agad siyang napasimangot nang makita ito.

Pamilyar si Darryl sa paggawa ng mga pills, at mayroon pa siyang ilang piraso ng Godly Pill na natitira sa kaniya. Pero mukhang naiiba ang pill na nakadisplay sa auction kaysa sa pill na kaniyang ginagawa, kinukulang din ang pill na ito sa spiritual aura na makikita sa mga ginagawa niyang pill.

Sa ganitong klase ng eksklusibong auction, impossibleng maging peke ang mga bagay na ilalatag dito. Pero nagsuspetsa si Darryl na baka masyado nang matagal itinago ang Godly Pill na ito Kaya kaunti na lang ang maibibigay nitong epekto sa sinumang iinom nito.

Nang maisip ito ni Darryl, nakuha niya ang manual ng infinite Elixir malapit sa isang sinaunang libingan. Naniniwala siya na hindi na ganoon karami ang mga taong gumagawa ng mga pills. Kaya maaaring matagal na mula noong ginawa ang pills na ito na itinago ng ilang siglo bago idinisplay sa auction na ito. Kaya natural lang na matagal nang nawala ang bisa nito.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now