CHAPTER 2

18.5K 852 472
                                    

Tattooed

"HOY, Payatot! Nakita mo ba kung nasaan ang kuya mo?" tanong ko kay Timothy pagkababa ko ng hagdan. Nakaupo kasi siya sa sofa, mukhang may hinihintay.

"Divina, bakit ganyan ang tawag mo kay Timothy Hugh? Mas matanda siya sa 'yo nang apat na taon!"

Napangiwi ako nang biglang sumulpot si Tiyang Sol sa likod ko. Naka-cast pa rin ang kaliwang kamay niya pero okay na siya. Hindi nga lang siya makapagtrabaho dahil limitado pa ang galaw niya.

Nginisihan ako ni Timothy sabay tapat ng daliri niya sa leeg na parang sinasabi niyang you're dead, Divina.

"Sorry, Tiyang."

"Huwag ka sa akin manghingi ng sorry. Dapat kay Timothy. Wala tayo sa Iloilo para umasta ka nang ganyan, lalo na sa harapan ng mga amo natin."

Napanguso ako. Si Tiyang talaga masyadong seryoso. Hindi yata siya aware na close kami nitong amo niya.

"Pasensya na po, Señorito Timothy." Ngumiti ako nang pilit. At dahil nakatalikod si Timothy sa direksyon ni Tiyang Sol ay hindi niya nakita ang nakangiting aso na amo niya.

"That was nothing, Nay Sol. Besides, Divina and I are already friends."

Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Nay Sol bago ito nagpaalam na umalis. Pero binilinan niya pa akong umayos daw ako. Napakamot na lang ako sa batok.

"Tulungan mo mamaya si Inday sa paglilinis ng swimming pool," pahabol na bilin ni Tiyang bago siya tumungo sa kusina.

Nasa sala kasi kami. Kanina ko pa hinahanap si Señorito Gaston pero hindi ko siya mahagilap. Ayaw ko naman kumatok doon sa kuwarto niya at baka magtaka siya.

"So, tell me, bakit mo hinahanap si Kuya?" nakangising tanong ni Timothy sabay pamulsa.

"Hindi naman ako ang naghahanap, 'no. Pinapatanong lang ni Manang Inday," alibi ko. Pero hindi yata umobra dahil lalo lang lumapad ang ngisi ni Timothy.

Napalabi ako sabay upo sa sofa. Niyakap ko ang isang throw pillow. "You know what, you don't have to deny it. You're too obvious. Hinahanap mo si Kuya kasi gusto mo siyang makita," pang-aasar niya sabay ngisi sa harapan ko.

"Isa pang pang-aasar mo, hindi kita tutulungan kay Zia Lynn."

Nawala ang ngisi niya dahil sa sinabi ko, kaya ako naman ang napangisi. Ayos din 'yong best friend ko, ah. Parang daga ang pangalan, puwedeng panakot kay Señorito Timothy.

"You're too serious, I'm just trying to help," katwiran niya.

Umismid ako. Uuwi na kasi kami sa weekend. Siyempre gusto ko man lang maka-close si Señorito Gaston bago kami umuwi sa Iloilo. Isa pa gusto kong sulitin ang bawat oras na makita siya kasi babalik na sila sa Amerika, malabo ko na siyang makita.

"Hindi naman nakakatulong ang pang-aasar mo. Payatot ka talaga!"

Napasimangot siya. "Makapayatot ka naman sa 'kin. Baka pagbalik ko dito after two years hindi mo na ako makikilala. Baka nga magka-crush ka pa sa 'kin, e."

"Hala! Ang yabang nito. Excuse me, walang makakapalit kay Señorito Gaston sa puso ko, 'no. He is the standard, kaya manigas ka! Baka pati nga best friend ko hindi magkakagusto sa 'yo."

"So, inaamin mo nga na may crush ka kay Kuya?"

Nanlaki ang mata ko at agad na napatakip ng bibig. Humalakhak si payatot.

"If I were you, huwag ka nang umasa. You're not Kuya's type. Kasi maliban sa nene ka pa lang, flat ka pa."

Napaawang ako. Binato ko siya ng throw pillow, pero nasalo niya lang iyon. Napatingin tuloy ako sa dibdib ko. Itatabi ko talaga ang ibang perang binigay niya sa akin para pambili ko ng push up bra.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon