14. Slaves

563 82 9
                                    

Farrah

"Oy Prinsesa Farrah!" Pag-bati ni Julia.

"Nasaan si pinuno?" Tanong ko sa mga taong naririto ngayon at tinuro naman nila kung nasaan ang aking tinutukoy.

"A-Ano meron?" Pag-tataka ni Julia habang nakasunod sa'kin.

"Sumama ka sa'kin para marinig mo." Sabi ko at pumasok sa simbahan kung saan naroroon si pinuno.

"Kai." Nilapitan ko s'ya habang siya'y nag-dadasal. Itinaas n'ya ang tingin n'ya patungo sa'kin, "Magandang umaga kamahalan." Pag-bati n'ya at marahan pang iniyuko ang ulo.

May benda ang kamay at ang kaliwang mata n'ya, "Patawad dahil wala akong nagawa sa bayan, pinuno." Lumuhod ako.

Marahan n'yang tinapik ang ulo ko, "Kamahalan, maayos lamang ang lahat at wala namang nasaktan—"

"Kung ganoon ano 'yang nasa mukha't kamay mo?" Pagtataka ko. 'Wag ka nang mag-sinungaling, Kai.

"Nag-mula sa kwarto ko ang apoy at sinubukan kong iligtas si Sasha ngunit huli na ako." Sabi n'ya. Sasha died? Parang sa anime nga lang. :<

"Alam ko kung gaano m—"

"A-Ayos lang Pinuno. Kaya ako naparito dahil sa prinsesa na si Penelope." Pag-putol ko sa usapan.

"Ang prinsesa ng kanluran? Ano ang meron?" Pag-tataka n'ya.

"May isang batang nakasaksi sa kanya na pumunta s'ya ng bayan kinaumagahan at mukhang sinadya n'ya ang pag-sunog sa bayan." Sabi ko.

"Sabi ko na may hinala talaga ako sa prinsesa na yun." Sabi ni Julia sa likuran ko. Umayos ako ng tayo, "Mukhang naging kasalanan ko rin dahil sa pag-papahiya ko sa kanya kagabi." Sabi ko.

Umiling ang pinuno, "Wala kang kasalanan kamahalan."

Sumang-ayon si Julia, "Desurb." Sabi n'ya. Deserve talaga 'yan may pag-ka-conyo lang s'ya.

"P-Pinuno, narito ang mga tauhan ng silangan." May isang lalaki na pumasok sa simbahan at ibinalita yun.

"Mukhang narito ang mamamatay-tao na prinsipe." Sarkastikong saad ni Julia.

Tumayo ang pinuno, "Dito ka nalang pinuno dahil mukhang delikado sa labas." Sabi ko.

"Wag kang mag-alala, hindi mananakit ang prinsipe kung wala tayong ginagawang masama." Ani n'ya.

Lumabas kami ng simbahan at sinalubong ang mga naka-kabayong mga kawal mula sa silangan. Bumaba ang isa at tinanggal ang...

Basta yung bagay na nakalagay sa ulo nila. 'Yung helmet pero sa sina-unang panahon, basta yun. Pfft.. wag ka matawa self.

"Yo, kamahalan." Pabalang na bati ni Liam. Mukhang timang na gwapo.

"Anong ginagawa mo rito?" Iritang tanong ko. Tinaasan ko pa ng kanang kilay para alam n'yang hindi ko alam na naparito s'ya.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Tanong n'ya pabalik. Aba-aba lumalaban na.

"Julia, pigilan mo 'ko nanggigigil ako." Bulong ko. Marahang tumawa si Julia, "Kalma girl, gwapo naman." Sabi n'ya.

"Mahal na prinsipe, ano ang ipinunta mo rito?" Tanong ni Pinuno.

"Babawiin ko ang prinsesa." Sagot n'ya. Nag-lakad si Julia papunta sa harap ko, "Anong babawiin? Hindi mo naman s'ya pagmamay-ari?" Iritang tanong ni Julia.

"Tapos?" Sarkastikong tanong ni Liam. Nag-lakad s'ya papunta sa'kin at hinila ang kamay ko, "Pag-hindi mo 'ko binitiwan mapuputol 'ya—"

Naputol ang aking sasabihin nang hawakan din ni Kai ang kabilang kamay ko, "Pati ba naman ikaw pinuno?" Usal ko. Wow, ito na talaga ang mga drama sa palabas.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon