Chapter 19

94.2K 2.7K 1.9K
                                    

Unlabeled confession

Nagbihis ako ng simpleng itim na racerback at maong shorts bago lumabas ng unit dala ang paborito kong libro ni Mark Manson na The art of not giving a fuck...

Paglabas ng unit namin ay naabutan ko kaagad si Blare na hinihintay ako sa labas pero hindi ko nagustuhan ang nakikita kong may kausap siyang babae, nakasuot ito ng purple na bikini at hinahaplos pa ang braso niya.

Si Blare naman ay nakangiti pa at masayang nakikipagtawanan sa babae, hindi nga yata niya napansin na nakalabas na ako.

Sinipat ko nang mapanuring tingin ang babae at kusang umangat ang kilay ko dahil siya ang babaeng nalunod na sinagip ko kahapon.

I don't want to cloud my judgement based on my emotions but I think they're flirting-- at least, that's what it looks like to me.

Pasimple akong umismid at isinuot ang shades bago ko sila nilagpasan at nagpanggap na hindi ko sila nakita, noong nasa Maynila kami ay si Valerie ang pinagseselosan ko hanggang dito ba naman ay mayroon pa rin.

"Wait for me! kanina pa kita hinihintay," ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay hinabol na ako ni Blare at sumabay na naman sa 'kin pero hindi ko na lang siya pinansin, kunwari ay wala akong narinig.

"I didn't notice that you came out," paano ay busy ka sa pakikipagharutan sa babaeng kasama mo.

Ipiniling ko ang ulo, ano ba naman ang mga iniisip ko. It's unnecessary for me to think this way because I don't have the rights to be jealous.

Kinausap niya ako nang kinausap hanggang sa makarating kami sa dalampasigan pero hindi ko na lang siya binigyan ng atensyon, kahit na hindi ko alam kung ano ang mayroon kami-- puwede naman siguro akong makaramdam ng tampo kahit konti dahil pinaramdam at pinakita niya sa 'kin na mahalaga ako tapos ngayon ay maabutan ko siyang humaharot sa iba.

Panay ang sulyap sa akin ni Blare nang mapansin na deadma lang ako sa kahit na anong sabihin niya. Nakakunot na ang makapal niyang kilay at mukhang naiinis na pero hinabaan niya ang pasensya at sumusunod pa rin sa 'kin.

Umupo ako sa recliner malapit sa dagat at tahimik na nagbasa roon pero hindi ako makapag-concentrate dahil may pabalik-balik sa harapan ko.

Ibinaba ko ang libro at tinitigan si Blare na tumatakbo na animo ay nagja-jogging pero pabalik-balik lang naman sa tapat ko.

"Ano'ng ginagawa mo?" he's still jogging in place.

"Jogging," mahina niyang sagot at tiningnan pa ako na para bang sinasabing, 'obvious ba?'

Nagpatuloy siya sa ginagawa kaya napailing na lang ako at muling tumayo para lumayo sa kanya.

Sino ba naman kasi ang makakapagbasa ng maayos kung may guwapo, matangkad, makinis, may anim na abs at berdeng mga mata ang nakahubad na tumatakbo pabalik-balik sa harapan mo?

Mabuti na lang at tinawag ako ni Donna na ngayon ay nakabihis na ng summer dress, pumunta na lang ako sa kinaroroonan niya at iniwan si Blare na nakamasid pa rin sa 'kin.

Nagpunta kaming tatlo sa sandbar, si Margaux ay parang halaman na nadiligan na naman dahil sa aura niya pero hindi ko na lang binati dahil baka mahiya pa.

Shake lang naman ang iniinom naming tatlo habang pinapakita ni Donna ang mga kuha sa DSLR niya. Tawang-tawa ako sa pictures ng three ids, puwede na silang memes.

"Pwedeng cover sa book 'to oh!" ani Donna nang makita ang picture ni Margaux at Blake kung saan nakasuot ng pulang bikini si Margaux habang nakahubad naman si Blake, kapwa sila naglalakad sa buhanginan na magkahawak ang mga kamay.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon