Ep. 26: Scam Surprise

863 34 12
                                    

September 18, 2021





2 DAYS MORE BEFORE SANDRO LEAVE..



Sandro and i had a deal earlier na magkikita kami later para makapag lunch kami together. Of course, sinusulit na nga kasi namin yung mga natitira nyang araw dito sa Baguio. Magkita daw kami sa sinabi nyang specific na restaurant, at 11AM. And sinabi nya na mag suot daw ako ng long gown dress since medyo shala daw yung kakainan and kailangan is formal yung suot. I don't know pero bigla nalang talaga kong na-excite that moment. Kaya agad kong niready yung sarili ko. I've shaved my legs, i've shaved my underarm and i even bought a new pair of pumps. Doon palang obvious na obvious na kung gaano ko ka-excited. Actually, hindi ko rin alam kung bakit. Na-feel ko nalang bigla na may surprise na magaganap mamaya kaya nag prepare talaga ko ng bonggang bongga. Sana naman hindi lumabas yung katangahan ko mamaya diba?





_________________________________________
~SANDRO'S POV~





I invited Janna to lunch with me later. Magandang sorpresa yung hinanda ko for her. Since i think ito na rin yung last chance na masusurprise ko sya dahil bukas is mag qquality time nalang kami together and kinabukasan nun is aalis na ko pa-Ilocos. But here's the twist. Reader's don't judge me, okay? I just want this moment to be memorable for Janna. Kaya this time bago ko sya isurprise, is ipaprank ko muna sya. But i'm pretty sure na magiging worth it din yung inis nya after syang ma-prank 'cuz... Basta! Later you will find out.





_________________________________________





10:30AM





Waaaaahhhhhhhhhh!!!! Late na koooo!!! Anong oras na eh maliligo palang ako. Nag alarm na nga ko para hindi ko makalimutan ewan kobaaaa, hayst! Anyway, tinext ko nga pala si Sandro na medyo malalate kako ako ng konti pero i didn't get a response from him. Pero mas okay na din yun para mas madami pa kong time hihi baka busy pa sya sa pag dedecorate ng ipangsusurpresa nya sakin. Kalma, Sandro. Ako lang 'to, future wife mo. Charot! Eto na naman ako sa imagination fairytales kembarlu ko tapos pag di nangyari, iiyak iyak naman din. 





-TIME SKIP-





Maya maya ay nakaalis na ko ng condo finally after halos 1 hour din na pag aayos. Yes, mga 11:30 na ko naka dating doon. Pero pag dating ko, laking gulat ko na sarado yung restaurant, patay mga ilaw at parang walang katao tao sa loob. Hahahahaha! Si Sandro talaga oh! Ang hilig talaga sa mga surpresa. Hindi pa sya nag rereply sakin simula kanina. Mas naeexcite pa tuloy ako.





Lumipas ang isang oras, hindi padin nag bubukas yung entrance ng restaurant. Hanggang sa may dumaan na isang ale na citizen doon sa Baguio.





"Ay miss, sino ho hinihintay nyo jan?"

Sumagot ako, "Umm.. M-may kadate ho ako eh dito po kasi kami magkikita, hehe." And i gave her my weirdest smile.

She frowned at me, "Huh? Sorry miss ah, pero ang alam ko ay matagal na pinasara 'yang restaurant na yan. Check mo yung address na binigay sayo baka nagkamali ka lang. Sige, mauna na ko ha?" Sagot nya nang hinawakan ako sa balikat at sabay na umalis.





The moment she has passed through me, I immediately checked the address na binigay sakin ni Sandro. Confirmed, ito naman talaga yun. And even yung name ng restaurant is magkatugma talaga. So anong nangyayari?? Tinawagan ko na agad si Sandro since hindi sya sakin sumasagot through text.

"Hello? Janna?" Sagot ni Sandro sa kabilang linya.

"Ang kapal naman ng muka mong paasahin ako, Sandro! May nagawa ba ko sayo? ang alam ko wala ah! Kanina pa ko mukang tanga dito!! Scammer ka naman pala, katulad ka rin pala ng iba."

Ayan lahat ng sinabi ko bago ko sya patayan ng telepono. Ang sakit sakit sa kalooban ko na hindi ko naisip na magagawa saakin ni Sandro yun. Ang ganda ganda pa man din ng suot ko that time. Everything was already prepared!! Pero sinayang nya lahat ng yon!! 

"Ang tigas talaga ng muka mo, Sandro Marcos!! Hindi ko alam kung bakit pa kasi kita naging crush eh!!" Mukmok ko sa sarili ko habang padabog na lumalakad papunta sa parking.

Natigil ang lahat nang may nagsalita sa likod ko, "Really? You like my kuya?" And it was Simon.

Nabigla ako sakanya kaya bigla ko nalang natakpan yung bibig nya gamit kamay ko. "SHHH!! ang daldal mo!"

"S-simon? Gagi sorry!!" Bigla kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig nya.

He chuckled, "Nahh it's fine. Pero totoo ba lahat ng narinig ko?" Tanong nya habang sabay kaming naglalakad papunta sa kotse ko.

I nervously nodded, "Please, wag na wag mong sasabihin sakanya ah?"

"Promise, Janna." Simon answered.

"Pinky swear?" I gave him my pinky finger.

He did it as well, "Pinky swear!"





Nang huminto na ko sa sasakyan ko, nagpaalam na ko sakanya na uuwi na kako ako. Pero sinabi nya na wag daw muna at sundan ko daw kung saan sya pupunta. Dali dali nyang kinuha ang kotse nya na nasa same parking area lang din habang hinihintay ko sya sa loob ng kotse ko. Nag busina sya saakin na nag sisignal para sundan ko na yung kotse nya. Dinala nya ko sa isang 5-star hotel. Nang nag park na kami ni Simon ng kotse namin, sabay na kaming pumasok at dahan dahang kuminang ang mga mata ko sa mala ginto na hotel na ito. Nilibot ko ang paningin ko rito at kinusot ko pa ang mga mata ko kung nananaginip lang ba ko sa mga nakikita ko. Pero hindi, totoo ito lahat. Natigil ang pag mumuni muni ko nang iabot saakin ni Simon ang kamay nya.





"Let's go?" 





Agad kong inabot sakanya ang kamay ko at inalalayan nya na ko papasok ng isang restaurant sa loob ng hotel. Bigla nya kong pinahinto nang makarating kami sa tapat nito. Hindi mo makikita ang nasa loob ng restaurant na iyon kung sa labas mo titignan. Bigla nalang nandilim ang paningin ko, yun pala ay dahan dahan nang tinakpan ni Simon ang mata ko gamit ang blindfold.

Maya maya pa ay inalalayan nya ko papasok rito at wala akong ibang naririnig kung hindi ang pag hinga lang namin ni Simon at ang kumukulo kong sikmura dahil sa gutom. Dahan dahan nyang tinanggal ang blindfold ko at nagsibukasan ang mga ilaw. Tumambal saakin ang isang lalaki sa gitna naka suot ng barong which is alam nyang gwapong gwapo ako sakanya kapag naka barong sya. Wala nang iba kung hindi si Sandro. Nilibot ko ang paningin ko nang makita kong nandoon sina tita Liza, tito Bong, Vinny, our common friends, and even yung mga nasa politics na family nina Sandro. Nakakahiya, lahat sila ay nagpalkpakan nang tanggalin ko ang blindfold ko. Wala kong ka idea idea, blanko yung isipan ko sa mga nangyari. Tulala lang ako ng halos limang minuto pagkatapos tanggalin ni Simon ang blindfold. Tulala pero naka ngiti. Medyo naiinis padin ako kay Sandro not until may binigay sya saaking bouquet of flowers and gift na hindi ko ineexpect. 





Napatanong nalang ako, "Tito.. Tita.. Sandro.. Vinny.. Simon.. Ano pong meron? Hindi po ba't si Sandro po dapat ang sinusurpresa dahil sya po ang aalis?"















TO BE CONTINUED..











































I Wish I Never Woke Up (Sandro Marcos FF)Where stories live. Discover now