SIH 22

261 35 7
                                    

Gabb's Pov

Halos gustuhin ko nalang siguro maging estatwa ngayon sa sobrang kabado ko , hindi ko maigalaw yung mukha ko para makangiti kila tito at tita na ngayon ay nakatingin lang sa akin.

Si ate dana naman ay natatawa lang sa may gilid , pinagtitripan na naman ako ng baliw na to , pasalamat siya at kasama niya ngayon si ate jem kasi kung hindi ay babawian ko siya ng matindi.

"Mas lalo kang gumwapo Gabrielle ah? Kamusta kana? Balita ko sa daddy mo ay kasama ka sa deanlister this semester ah? Congratulations!" Masayang bati ni tita sa akin, yung tingin naman ni tito ay parang ibabaon na ako sa lupa.

Nakailang lunok muna ako bago ako nakapagsalita o tumugon sa sinabi ni tita sa akin.

"A-ah T-thank y-you po!" Nauutal na sabi ko , nabulunan naman ng tuluyan si ate dana dahil sakto nung nagsalita ako ay uminom siya ng wine na inabot nung waitress.

"Oh gosh okay ka lang ba babe?" Nag aalalang tanong ni ate jem kay ate dana , pigil na pigil naman sa pagtawang muli si ate dana.

Ayan kinarma ka tuloy, tatawanan mo pa ako ah , ikaw kaya humarap sa isang malaking tao na kagaya ni tito tapos may atraso pa ako in the past baka hindi lang maging ganito yung maging reaksyon mo ngayon.

"Bakit ka nauutal Gabrielle? Kabado ka pa rin ba? Sa nangyari sa past?" Mas dumoble kaba ko ngayon dahil sa sinabi ni tito , napatingin naman ako kila dad at mom.

Tingin ko nagmumukha akong tuta na nangangailangan ng tulong ng isang magulang ngayon , damn gusto ko nalang ilubog yung sarili ko sa may swimming pool nila dito sa sobrang hiya at kaba ko.

"Dad---" mahinang sabi ni ella ngunit natigilan siya sa pagsasalita nang biglang tumawa yung daddy niya pati si dad.

"Hahahaha grabe hindi ka padin nagbabago talaga Gabrielle! Mabilis ka pa din talagang matakot! Kagayang kagaya mo talaga yung daddy mo nung kapanahunan namin , ganyan din ang ginagawa niya pag kinakabahan or natatakot , nakadiretso ang tindig ng katawan pero halatang kinakabahan dahil sa panginginig ng katawan" natatawang sabi ni tito napatingin naman ako kay daddy na tawang tawa din ngayon ,so pinagtitripan nila ako? Tama ba tong nasa isip ko?

"Syempre pare?! Kanino pa ba magmamana yang anak ko? Edi sa akin?" Pagmamayabang naman ni daddy natigilan naman siya nang magsalita si mommy.

"Kapilyuhan lang ang namana ni Gabrielle sayo hon hahaha" nagsitawanan sila ngayon dito pero ako lang ang hindi makangiti , naninigas yung katawan ko sa sobrang kaba eh.

"Nasabi niyo na ba kay Gabrielle ang magaganap pare? Mukhang hindi pa ano?!" Tanong naman ni tito , napailing naman sila daddy , anong meron? Anong ganap na hindi ko pa nalalaman? Eto ba yun?

"Dad? Ako na po ang bahala? Hmp excuse ko lang po si Gabrielle tito at tita? May pag uusapan din po kami" sabi naman ni ella , tumango lang sila sa kanya , si ate dana naman ay tinusok tusok yung gilid ko sabay sabing...

"Go for it gabbo!" Bulong niya na hindi ko naman naintindihan , naglakad nalang ako at sinundan si ella na naglalakad patungong hagdan , baka papuntang room niya ganun.

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now