Kabanata 60

1.7M 39.4K 16.4K
                                    

Thank you so much for reading till the last chapter.

----------------------------------------------------------------------

Kabanata 60

Ang Nagmamahal Sa Akin

Pagkalabas ko ng kwarto ni Arielle ay nakita ko kaagad si daddy na patungo roon. He looked bothered by something. Ngunit nang tumama ang kanyang paningin sa akin ay naibalik siya nito sa sandaling iyon.

Bumaling siya sa bag ko at tumigil sa harapan ko. Humugot ako ng malalim na hininga at nag angat ng tingin sa kanya.

"Uuwi po muna ako ng Cebu," panimula ko. "Doon muna ako, maghahanap ng trabaho o di kaya ay mangingibang bansa. I might go with Adrian... sa Thailand."

Umigting ang panga ni daddy sa desisyon ko. Isang reaksyon na hindi ko inasahan. I thought he'd congratulate me for having the best decision.

"Hindi ka ba maghahanap ng trabaho sa Manila, instead? And besides, I thought you're with a hotel chain right now? Mag reresign ka ba?"

"Naka leave po ako. Ipapasa ko ang resignation letter ko sa boss ko pagkadating ko kaagad sa Cebu through email. My boss is Brandon Rockwell, dad."

Parang naliwanagan siya sa sinabi ko. It won't change a thing now, I know. Humugot muli ako ng malalim na hininga.

"You're leaving Brandon." It was a statement, not a question.

Tumango parin ako ganunpaman. "Not because you told me to, dad. But because, maybe you're right, he cares for Arielle and Arielle needs him. Ayaw ko na po ng gulo. From the very start, ayaw ko ng gulo. Ang gusto ko lamang ay katotohanan."

Pumikit ng mariin si daddy.

Ilang sandaling nanatiling tahimik kaming dalawa. Hinintay ko ang sasabihin niyang natagalan sa pagdating kaya tumikhim ako at magpapaalam na sana ngunit nagulat ako nang humagulhol siya at niyakap niya ako ng napakahigpit.

Matangkad si daddy at katamtaman ang laki ng pangangatawan. Sa sobrang higpit ng yakap niya ay halos hindi na ako makahinga. Dagdagan pa ng pagbabara ng aking lalamunan dahil sa nagbabadyang mga luha.

"I am so sorry, anak," nanginginig ang kanyang boses habang inuugoy niya ako sa kanyang yakap.

Hinaplos ko ang kanyang likod. Naiiyak ako ngunit ayaw nang tumulo ng mga pagod kong luha. I love my daddy so much. Mahirap magpatawad, mahirap tumanggap, lalo na dahil ang taong pinakamamahal mo ang nagkasala sayo. But I guess, love can never be lost. Whatever happens, it will always be there.

"I know. I know you're so mad at me. Alam ko na marami akong pagkakamali at pagkukulang sayo. I've been so stupid thinking that I can make it up to Arielle by doing things... I'm sorry I've been selfish."

Umiling ako. Binitiwan niya ako at hinarap. Basang basa ang kanyang pisngi sa luhang dumaloy.

"Alam kong marami akong kasalanan sa inyong dalawa ng mommy mo. I'm just very desperate, Avon. I don't know what to do. With my daughter so lost and so scared of everything, I feel so guilty for not being able to fight with her. Alam ko na noon na nabuntis ko si Emilia pero sa sobrang takot ko ay hindi ko hinarap. Hindi ko alam na ganon ang sinapit ng anak ko sa pamilya niya. And because of that, I felt so guilty. I want to give her everything. Everything, Avon. Like what I've given you."

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon