Chapter 124

1.3K 101 11
                                    


Tikom ang aking bibig habang pinapakinggan ko ang paliwanag ng nagpakilalang Gelnius, ang isa sa mga diyos ng mundong-ilalim. Base sa kanilang paliwanag, ang bato ng Ynyth ay tawag sa mana stone na hawak ng Pamilyang Stodge. Pero dahil may gustong kumuha n'on, dinadaan nila sa pagbabanta ang pamilya ng bisconde para maangkin ito. May dahilan pala kung bakit nais makuha ang naturang mana stone---dahil may kakayahan itong bumuhay ng isang tao mula sa pagkamatay, hindi lang tao, kahit anong nilalang pa. Pero ang tanong, sino naman ang magtatangka na umangkin dito? Kanino gagamitin ang bato ng Ynyth? Ano ang layunin ng nagpadala ng liham na pagbabanta sa kahabag-habag na pamilya ni Bisconde Stodge?

Seryoso akong nakatingin kay Gelnius na sige pa rin ang pagpapaliwanag niya. Hindi lang sa kaniya, pati na din ang mga pati sa mga iba pang diyos at diyosa na kasama niya. Tahimik lang din ito nakikinig sa usapan dito sa opisina ni Vencel. Dahil malawak naman ang silid, malawak pa ang espasyo upang magkasya kami.

Bigla akong tumayo. Napangiwi ako dahil tumigil sila sa pag-uusap at nakatuon sa akin ang kanilang tingin. Tumayo lang ako, eh. Bakit tumingin na sila sa akin? Wala naman akong balak sabihin.

"Anong magiging opinyon mo sa suliranin na 'to, Rini?" kaswal ni Vencel na ganoon pa rin ang posisyon niya sa pag-upo. Bigla pa siya nagpasuprise recitation, naku naman.

Dumapo ang tingin ko sa mababang mesa. "Dahil sa papalapit na ang pyesta sa Corbin, naisip siguro ni Bisconde Stodge na 'yon din ang araw na lulusob ang mga nagpadala sa kaniya ng liham na pagbabanta, papa." kaswal kong sagot. Huminga ako ng malalim. "Kukunin nila po ang pagkakataon na 'yon upang looban po nila ang tahanan ng mga Stodge. Dahil malaking selebrasyon po 'yon, alam nilang wala ang myembro ng pamilya doon dahil magiging abala ang mga 'to. Subalit, kung may maiiwan man, tiyak na hindi sila magdadalawang-isip na paslangin ang sinuman ang makakahuli sa kaniya o nila."

Nanlaki ang mga mata ni Gelnius, pati ang mga kasamahan niya. Ganoon din ang reaksyon ni Bisconde Stodge. Sina Vencel, Emperador Shan pati ang mga prinsipe ay tumango bilang pagsang-ayon sa aking opinyon. Alam kong alam nila kung ano ang nais ipahiwatig at magiging posibilildad na gawin ng suspek.

"P-papaslangin?" hindi makapaniwalang sambit ng bisconde.

"Sinong makasalanan na tao ang nais magpahuli, hindi ba?" biglang sabi ni Otis. "Tulad ng sinabi ni Prinsesa Rini, kung ako ang kriminal at nahuli ako sa akto na ninakaw ang pinakainiingatan na bagay, hinding hindi ako magdadalawang-isip na paslangin ang nakasaksi."

Ako naman ang tumango.

"Kung ako ang tatanungin, tatanggapin namin ang imbistasyon na para sa paparating na pyesta sa Corbin bilang mga bisita. Kaming mga prinsipe at prinsesa na tagapagmana ay dadalo bilang mga bisita, habang ang iba sa mga kasamahan namin, ay magbabalatkayo bilang mga bisita din ngunit palhim din magmamanman sa paligid habang nasa araw ng pyesta." dagdag ni Otis, hinimas din niya ang kaniyang baba. "Mas maganda rin kung ang iba sa amin ay magbabantay sa silid kung nasaan ang bato ng Ynyth, ang iba din ay magbabantay sa pamiya ng bisconde, sa ganoon ay hindi mabibigyan ng pagkakataon ang salarin na makalapit sa kanila."

"Sang-ayon ako sa naisip na taktika ni Prinsipe Otis," sambit ni Vencel. "Ang mahalaga ay parehong nasa ligtas ang mga pinupunterya ng mga salarin."

"Rini?" rinig ko ang nag-aalalang tawag sa akin ni Otis. "May problema ba? Masama ba 'yong pakiramdam?"

Tila nanumbalik ang aking ulirat. Agad ako tumingin sa kanila. "Ayos lang ako. Sadyang malalim lang ang iniisip ko..."

"Anong naiisip mo, aking bunso?"

"Iniisip ko lang po kung bakit pinupunterya nila ang bato ng Ynyth... Hindi po maalis sa isip ko kung kanino po nila gagamitin ang naturang bato na 'yon. Base din sa paliwanag ni Bisconde Stodge, isa daw po itong sangkap upang mabuhay muli ang isang tao o isang nilalang." bumaling ako sa direksyon nina Gelnius. "Ang sabi ninyo sa akin, sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, magagawa kong buhayin ang inyong Panginoon na si Lorah. Sapat lang ba talaga ang kapangyarihan ko ang kinakailangan ninyo upang mabuhay siya muli?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon