thirty three

138 14 0
                                    

" anak , hindi kapa ba lalabas dyan ? aalis na tayo ! " tawag ng mom niya sa kanya .. nakailang ulit na ito sa pagtawag pero hindi pa rin lumalabas si luna

" kayo nalang ma , ayokong sumama " mahina niyang sagot

" ethan was the one who convinced us to bring you , anak .. kaya wag ka nang mag inarte dyan . ayaw mo bang makita si ethan ? and oh , riki had arrived kanina so magkikita na kayo ng bestfriend mo " sabi pa nito .. " really ?? bestfriend ? saan nanggaling yun ?" bulong lang ni luna sa sarili .. wala naman siyang maalalang sinabi niyang best friend sila ni riki

after five minutes , lumabas na din si luna .. nakabihis na at maayos na din ang itsura . si riki lang talaga ang dahilan para sumama siya pero parang ayaw niya din kasi naiinis pa siya dito at isa pa , nahihiya siya .

" lalabas ka din pala , pinahirapan mo pa ako " sabi nito bago maunang maglakad pababa ng hagdan . kanina pa naghihintay sa labas ang dad ni luna ..

--

nandito na sila ngayon sa labas ng bahay nila riki at hindi maipaliwanag ni luna ang nararamdaman niya . halatang nate-tense siya kaya napansin ito ng mom niya.

" anak , okay ka lang ba ? may masakit ba sayo ? bakit ka namumutla ?"

" ahh wala ma , masyado lang maginaw dito sa labas .. tara , pasok na tayo " pag aya nito kahit na ayaw gumalaw kusa ng mga paa niya . para bang nakapako lang ito sa kinatatayuan niya ngayon .

" anak , sabi mo maginaw .. halika na sa loob " sabi ng mom niya nang mapansing hindi nakasunod si luna .

sakto namang nagbukas ang pinto at iniluwa si ethan . nakangisi ito sa kanya na para bang tinutukso siya .

" luna ! tatayo kalang ba dyan ? naghihintay na yung future mo sa loob " sabi ni ethan , at tinutukoy si riki .. halatang gusto ni ethan na magkatuluyan silang dalawa .. kasi bakit naman hindi , diba ?

" ewan ko sayo kuya . basta huwag kang maingay mamaya ah ? sinasabi ko sayo , kapag nadulas yang dila mo mamaya , lagot ka sakin " pagbabanta ni luna kaya tumawa si ethan at hinila siya papasok ng bahay .

nakita naman ni riki na hawak hawak ni ethan ang pulsuhan ni luna kaya kumunot ang noo niya . si luna naman ay nagtataka kung bakit may babaeng katabi si riki , na sa palagay niya ay kasing edad lang nila . napatingin din siya kay riki at ganun din ang lalaki . umiwas din agad ang dalawa ng tingin dahil naiilang silang dalawa . dati hindi naman sila ganoon . talagang may nagbago .

naunang maupo si ethan sa dating pwesto niya at si luna naman ay nag aalangang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni riki .

" luna , maupo kana para makaumpisa na tayong kumain " sabi ng dad nina riki kaya wala siyang nagawa kundi umupo sa tabi ng kababata .

si ara naman ay nakatingin lang kay luna simula noong pumasok ito sa bahay nila riki . hindi kasi pinakilala sa kanya kaya naguguluhan siya ngayon .

si riki naman ay tahimik lang sa tabi ni luna at nag iisip kung babatiin ba niya ito na parang walang nangyari o hahayaan nalang muna siya . bigla namang tumikhim ang dad nila riki kaya napatingin ang lahat sa kanya .

" ahh bago ko makalimutan , this is ara , daughter of a close friend from Japan . magbabakasyon siya dito and I expect you guys to be friends . don't worry , she knows our language " sabi nito at nakatingin kay luna . kilala naman kasi ng dalawang anak niya si ara kaya si luna ang sinasabihan niya ngayon .

" okay po tito " sabi lang ni luna at tumingin kay ara bago ngumiti . napatingin din siya kay riki na ngayon ay nakatingin din sa kanya .. napaiwas na lamang siya ng tingin nang magtama ang mga mata nila .

heeseung chuckled when he noticed the visible blush on luna's face .. riki even have those too and it's quite entertaining for him .

naramdaman naman ni luna na may sumipa sa paa niya kaya napatingin siya kay ethan .

" ano ?! " she mouthed kaya tumawa ng mahina si ethan at napansin ito ni riki kaya nagtaka siya kung bakit ito tumatawa at nakitang kumukunot ang noo ni luna sa kanya .

" so , you're this close now , huh " in riki's mind while in deep jealousy .. hindi niya maiwasang magselos lalo pa at nakikita niyang ganun nalang ang gestures ng dalawa .. kasi sa pagkakatanda niya ay , halos hindi pansinin noon ni ethan si luna but now , parang may nag iba .

did his brother catched feelings for luna while he's gone ? pero bakit hindi ito nasabi sa kanya ni ethan ? diba hindi niya ito gusto ? bakit sila ganito ka close ?

puno ng tanong ang nasa isip ni riki .. hanggang sa matapos ang dinner ay naguguluhan pa din siya at hindi makakain ng maayos .

si ara naman ay nahalatang nag iba ang mood ni riki simula nang makarating sila sa bahay nito . hindi niya alam kung bakit pero parang naghihinala na siya na si luna ang dahilan nito .

-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon