Chapter 36 - Girlfriend

16 5 4
                                    

Zyra's POV

*Flashback*

"I can take all the embarrassment in the world, Zyra. I don't give a damn. I don't regret what I did. As long as it's not you he is kissing and hugging! I'm fucking, fine with it!"

I didn't know what to say. Nagseselos ba siya? May gusto ba siya sa akin?

"Sorry Fafa. Kasi naman humarang ka, e." Jacky's words cut my thoughts.

"Damn it. Don't fvcking come near me! Don't talk to me! Gusto mong basagin ko ang mukha mo?" He threatened Jacky.

Mas lalong sumiksik sa likod ko si Jacky. "No. Sorry. Hindi ko sinasadya. Kasi naman, e." Mukhang takot na takot si bakla.

Efren grimaced. "That suitors of yours---"

"Bestfriend." I corrected him.

"Whatever. I don't want to see his face again. I might kill him." Nanlilisik ang mga matang sabi niya.

"Pasensya na." sabi ko. Kasalanan naman talaga ni Jacky, e.

Humarap ako kay Jacky.  "Bakit ka ba kasi tumatakbo? Anong problema mo?"

Bigla naman siyang umirit. "E, kasi sister, may dalawang chaka dolls na humahabol sa akin."

"Huh? The who?"

"Remember that crazy Monay?

I nodded. Siya iyong patay na patay kay Jacky. "What about her?"

"Well, she has a friend. Kasing baliw rin niya. They were running after me."

"Sino'ng friend?" I frowned.

"Narnella yata 'yung name," sabi niya na diring-diri.

Hindi naman magkamayaw si Jacky. Parang any moment ay mahihimatay siya. "Sister, kaderder talaga! They hugged me in public. Mga etchoserang froglet. Naloka ang beauty ko sa kanila dzai!"

Humagalpak naman ako ng tawa. So iyon pala, tumatakas siya sa mga admirer niya. Well, I couldn't blame them, hot and gorgeous naman kasi best friend ko. Kaya nga lang, bading talaga siya, mga sisterettes. Wala tayong magagawa doon.

"You're gay?! Sigaw ni Efren na mukhang gulat na gulat. Nakalimutan kong nandito pa nga pala siya.

Sabay kaming napatingin ni Jacky sa kan'ya.

Napakamot sa batok si Jacky. "Hehe," at nagpeace sign pa si bakla.

"And...you, you... Damn!" Naihilamos ni Efren ang kamay niya sa mukha niya.  "Pweh!" Bigla siyang dumura sabay punas sa bibig gamit ang panyo niya.

Napahagikgik kami ni Jacky.

"Fvck! This is disgusting," sabay iling na sabi ni Efren.

"Hoy umayos ka ha! Walang AIDS or sakit na nakakahawa ang bestfriend ko!"

Etchoserong ito! Akala mo naman hindi tao ang bestfriend ko. So what's wrong being gay, ha? Nakakabawas na ba iyon sa pagkatao niya? Hindi na ba siya ituturing na tao kasi gay siya? Iyan ang problema sa lipunan, e. Masyadong judgemental. Masyado tayong kinukulong sa mga  ideyolohiyang bagay gaya ng gan'yan.

Imbes na mainis ay biglang tumawa si Efren. Pero halata mong pigil ang galit sa pagtawa niya.

Nagulat naman kami ni Jacky.

"This is pathetic. I thought you guys were..." He paused. "I'm so stupid. Damn, this is stupid." Sabi niya na parang hindi makapaniwala.

*End of Flashback*

Hindi ko naman napigilang mapangiti nang may maalala ako.

Napagkamalan niya kaming may relasyong ni Jacky.

Well, mabuti na rin iyong nalaman niya ang totoo kaysa paulit-ulit siya sa kakatanong sa akin tungkol kay Jacky.

I smiled. Baliw talaga siya.

"Hey, crazy."

I blinked. Huh?

"Don't stare at me," he said cooly, and he smirked.

"What are you saying?!" I shouted.

Antipatiko!

Natigilan ako bigla.

Uh-oh. Nasa library nga pala kami. Napalakas yata ang ang pagkakasabi ko.

May lumapit sa aming matandang babae.

"Miss, this is not the proper place for you to shout. If you two have some lover's quarrel, do it outside," sabay tingin sa amin ng seryoso.

"Sorry po," I said in a small voice.

Napayuko naman ako dala nang matinding kahihiyan.

I heard Efren chuckled. "Sorry, Ma'am. My girlfriend has a tendency to shout, especially when she's blushing." He gave me a lopsided smile.

What did he say?

Girlfriend?

Kill me now.

I HATE LOVE (ONGOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora