Chapter 03

85.5K 3.3K 2K
                                    

Chapter 03

"Hi," sabi niya habang naka-tingin pa rin kami sa isa't-isa. Sure na sure ako na nanlalaki iyong mga mata ko dahil sa pagka-bigla. Bakit siya nandito?! Parttime priest din ba siya bukod sa pagiging law student niya? Pwede ba 'yon? My god! Ang dami ko ng problema, dumagdag pa 'to!

Ni hindi ako naka-galaw sa kinaluluhuran ko nung lumabas siya sa confession box. He was wearing a light brown chino pants, white polo shirt na naka-tuck in, at saka iyong boat shoes ata ang tawag. Mukha talaga siyang ex-sacristan sa pagkaka-suklay ng buhok niya. Mabuti na lang wala siyang kwintas na crucifix dahil iyon ang kukumpleto sa attire niya talaga.

Para akong si Sadako na dahan-dahan lumingon sa kanya dahil nasa tagiliran ko na siya.

"I—"

"Pari ka ba?" I asked because I needed to know! Kung pari siya, hindi ba may oath siya or something na bawal niyang ipagkalat iyong mga sinabi ko? Kasi feel ko inilabas ko kanina lahat ng kasamaan na ginawa ko rito sa law school—lalo na iyong pangta-trashtalk ko kay Cha at kay Iñigo!

"No," he replied.

"Bakit ka nandoon?"

"May pinagtataguan ako," sabi niya.

"Bakit hindi ka na lang sa CR nagtago?!"

Napa-tawa siya. Mas kumunot lang ang noo ko. Shet. So, hindi siya pari. Hindi naman siguro siya epal na tao para ipagkalat iyong mga narinig niya?

"Ano... iyong narinig mo?" I asked.

"Everything," he replied.

"Everything?" I asked, a little scared.

He nodded in a way na parang gusto niya akong bwisitin. "Don't worry—your secret is safe with me," sabi niya na may ngiti. My god. Narinig niya kung paano ko inistalk si Rhys. Kung paano ako nambash kay Cha kanina nung nag-usap sila sa library. Kung paano ko inaway si Iñigo dahil sabi niya maganda si Cha. Gusto ko na lang mamatay sa kahihiyan.

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako nang malalim. Dahan-dahan akong tumayo. Medyo sumakit iyong tuhod ko dahil sa pagkaka-luhod. And then I looked at him.

"Samuel," pagsabi ko sa pangalan niya.

"Yes?" he replied na parang nang-aasar.

"So... narinig mo talaga lahat," I said, wanting to confirm one more time dahil baka naman partially deaf siya at may chance na hindi niya narinig talaga masyado? Kasi paano ako maglalakad sa hallway ng SCA kung alam ko na may isang tao na narinig lahat ng innermost thoughts and feelings ko? Sige nga? Paano?

Hindi siya sumagot pero naka-tingin lang siya sa akin.

Tapos biglang nag three o'clock prayer.

Pota ang awkward. Naka-tingin lang kami sa isa't-isa habang mayroong dasal na naririnig mula sa audio system ng buong school. Habang may dasal, nag-iisip na ako kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Like magpapa-lusot ba ako? Sasabihin ko ba na 'it's a prank!' Kaso paano? Halata masyado! 'Di naman bobo 'tong nasa harapan ko.

"Chismoso ka ba?" I asked nung matapos na iyong dasal.

"Why?" he asked.

"Since narinig mo na—"

"About how you stalked Rhys?"

I groaned. "Bakit ka kasi nandito?! Dapat nagsabi ka na nung narinig mo pa lang na sinabi ko na 'Lord, forgive me for I have sinned!'" sabi ko sa kanya. "Di mo man lang ba na-realize na hindi ka naman si Father kaya bakit ako mangungumpisal sa 'yo?"

Hate The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon