CHAPTER 8

43.3K 1.6K 1.5K
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars



Maureen


It's a very busy day for me in RIBC. I was in the middle of reading annual reports when Helaena and Theia barged into my office. Umangat ang isang kilay ko at pareho silang binigyan ng nagtatanong na tingin.

"What?"

Helaena sat down wearing an enthusiastic smug. Theia on the other hand doesn't seem to like the idea of being here. Padabog itong umupo sa visitors chair at nag-iwas ng tingin. Mukhang napipilitan lang itong sumama kay Helaena ngayon.

"Anong ginagawa nyo dito?" takang tanong ko sa dalawa.

"We are here to invite you. Magkakaroon kasi ng grand opening ang H&T cosmetics sa Boracay branch. And since you're our biggest investor, mas maganda kung kasama ka namin sa event na yan." excited na sagot ni Helaena.

"Sure, I'll be there. Kailan ba ang grand opening?"

"This week, on sunday. Sabay na tayong tatlo bumiyahe. Okay lang ba sayo?"

"No thank you." it was Theia who answered. "I'll take a different flight. Ayokong makasabay ang isa dyan."

I glared at Theia, giving her an I don't give a fuck look. "What makes you think na gusto rin kitang makasabay sa biyahe? Girl you aren't special."

"Same to you bitch, you aren't special either." ganti ni Theia saka ulit nag-iwas ng tingin.

"Ignore her." ani Helaena. "Hapon ng linggo ang grand opening ng bagong branch, so therefore saturday morning pa lang nanduon na tayo."

Saglit kong sinulyapan ang kalendaryo para tignan kung bakante ba ako sa sabado. Nang makitang okay naman ay tumango ako. "Noted, bakante ako sa araw na yan."

"Good, sa airport na lang tayo magkita around 9 am."

Tumango lang ako bilang sagot.

"Anyways kumusta na kayo ng fiancé mo, are you two back together?" pag-iiba ni Helaena sa topic.

I sighed, inwardly, before shaking my head. "I was serious when i told her that we are over."

"Ouch that's sad. Tungkol pa rin ba sa picture na sinend nung ka fling niya ang rason ng breakup nyo?"

"Nope, it's not about that anymore. We already talked about it through phone. Nag-explain na siya sa totoong nangyayari at napatawad ko na siya."

"So kung ganon.......anong rason?"

Nagkibit balikat ako at bored na tinignan ang white-gold engagement ring sa gilid ng table.

"I'm tired, Helaena. Nawalan na ako ng gana sa relasyon namin. I invested all my love, time and attention but it seems like it's not good enough for her. Wala namang nagbago eh, wala pa rin siyang oras at panahon sa akin. I feel like I'm just wasting all my efforts for nothing. One sided yung samahan namin all these years. Ako lang yung nag-aadjust, ako lagi yung umiintindi, ako na halos lahat. Nakakasawa na."

Helaena glanced at Theia. "Any advice? You've been in this situation before."

"Paki-alam ko ba sa lovelife ng babaeng yan?"

"Wala din akong paki-alam sayo, Theia." ganti ko rin saka ito inirapan.

"Did you tell Vaughn about that?" tanong ni Helaena.

"Yeah, and as expected wala siyang komento. Sabi niya lang, 'If that's your decision then i respect it'. Ganon lang kadali para sa kanya yun, she didn't even bother to ask how i felt."

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon