Chapter Ninety: The Boy Whose Curse Is Her

2.3K 254 185
                                    

-chapter eighty-nine-

KAIRO

I also didn't know when did I become the ruthless player everyone adored and feared.

"Kai, tawag ka nina Mommy. Did you get into a fight again?"

I took my eyes off the game I was playing to stare at Kuya Kaiser. He's leaning by the doorway with his arms crossed. Mula sa suit na suot-suot niya, siguradong kakagaling niya lang mula sa trabaho.

"They bullied Eura." sagot ko at bumalik sa laro.

Eura can be loud and annoying as fuck, but her bullies didn't have any reason to push her off the stairs today. Kahit na napaka-ingay niya, mayroon naman siyang good values. She helps those in need and never hesitates on sharing what's hers.

Kuya sighed. "Don't worry. Hindi ka naman nila papagalitan. I think they just want to tell you that there are more peaceful ways than starting a fight."

"Tch." iniwas ko ang tingin. "Sinapak ko lang naman kaisa 'yon. Hina nga no'n."

"Buti nanalo ka." Kuya grinned. "Sisipain ka sana namin kung talo."

I rolled my eyes, silently laughing in my mind. When he invited me again for dinner, doon na ako huminto sa paglalaro at sumunod sa kaniya. However, Kuya lied about the 'not-angry' part dahil nasermonan ako ng isang oras nila Mommy. Hindi naman nila ako masyadong mapagalitan dahil iniyakan na pala sila ni Eura. Thankfully, the girl is not only loud but has good acting skills.

"Ano, Kai, pinalo ka ba sa pwet?" natatawang tanong ni Louise pagkatapos ng klase namin. "Masakit ba? Masakit?"

I glared at her. "E kung paluin kita sa pwet para malaman mo-"

"Kinky." Fern cut off, judging me with her eyes. "You like Louise?"

Parang naeskandalo naman kaming dalawa ni Louise sa sinabi niya. Fern is quiet but she doesn't really have a low voice. Parang inanounce tuloy niya sa hallway na gusto ko si Louise. Na sobrang nakakasuka lang kahit isipin. Magka-ugali lang rin sila ni Eura, kahit na mas malala ang isa. I don't prefer those girls as my partner.

"Oi, p're, totoo? Crush mo si Louise?"

I inwardly sighed when I heard Dierk Van's voice. Sinasabi na nga bang makikita ko siya dahil hallway nila 'to. Buti na lang at 'di niya kasama ang supladong kaibigan. Siguro ay nagkukulong naman sa library ang Salvallon na 'yon.

"Nah." umiling ako't tinuro ang basketball uniform na suot niya. "Basket kayo?"

"Yep. Break namin eh. Sama ka?"

"Ey, Dierran! Bakit kami ayaw mo tanungin? May favoritism ka, ha." singit ni Eura na akala mo kaibigan ang lahat, e nakuha na ni Dierran ang title na 'yon. "Hindi kita ipapakilala sa kaibigan ko."

She even had the guts to threaten him.

"Haha, okay lang, hindi din ako interesado." diretsong sagot ni Dierran. "Ah, Eura, baka ikaw ang gusto ni Kairo? Usap-usapan kasi sa section namin kung sino ang type mo, Kai."

People have the weirdest interests. Sa dami ng topic na pwedeng tanungin sa mundo, bakit kaya ang gustong babae ko pa? And it's not like I actually like anyone. Sure, I get physically attracted to some people, but I don't like them enough to want to date them.

Hindi ko nga alam kung anong nakita ni Kuya sa pandak na 'yon. Hindi naman siya cute.

At talagang tinanong iyon ni Dierran na parang favorite color ko lang. The nice smile this guy have while asking direct questions really makes me wonder.

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon