. . . ⇢ 79 ˎˊ˗

128 10 0
                                    

silence.

nakaupo lang sila heeseung at julie sa iisang sofa pero dahil mahaba 'yon ay nasa magsing-dulo lang sila nakaupo dahilan para magkaroon ng malaking space between them.

yes, nakapasok si heeseung. to his surprise, pinapasok na siya kaagad ni julie sa loob matapos nito kumatok ng tatlong beses sa pintuan kaya naman hindi niya na kinailangan pang mag-trespassing.

ayon nga lang, matapos non ay binalot na sila ng nakakabinging katahimikan.

gusto magsalita ni heeseung pero naalala niyang nagpunta lang pala siya dito para makita si julie. isa pa, halata naman sa dalaga na ayaw pa nitong makipag-usap o mag-open sa totoong nangyari. at kahit gustong-gusto na ni heeseung malaman ang totoo, nanatili pa rin siyang tahimik.

maghihintay siya, maghihintay siya kung kailan sasabihin ni julie ang lahat.

napasulyap si heeseung kay julie at wala sa sariling napangiti. sa totoo lang, hindi naman talaga ganun kalaki ang space sa pagitan nila ngayon dahil kung tutuusin mas malayo sila sa isa't-isa noon na halos hindi na matanaw ni heeseung si julie.

pero ngayon, kitang-kita niya na ang dalaga at malapit na ito sa kanya. unlike dati na patago niya lang tinititigan si julie mula sa malayo. at kung pwede nga lang yakapin ni heeseung si julie ay kanina niya pa 'yon ginawa.

pero hindi pwede.

alam niyang hindi magugustuhan ni julie kung gagawin niya 'yon.

"uhm.. kumusta na kayo ng boyfriend mo?" paninimula ni heeseung.

"boyfriend?" tanong ni julie, bakas sa kanya ang pagtataka pero agad ding bumalik sa kanyang isipan si damon.

right, hindi niya pala alam ang ginawa ni sunghoon oppa sa lalaking 'yon. isip ni julie.

napatingin si julie kay heeseung nang bigla itong awkward na tumawa. "haha, kalimutan mo na nga lang 'yon."

sinasaktan mo lang sarili mo heeseung. isip naman ni heeseung.

hindi na sumagot si julie dahil sa totoo lang, hindi niya rin naman alam kung anong isasagot niya don. hindi na rin nagsalita pa si heeseung kaya muli siyang binalot ng katahimikan.

sinundan niya ng tingin si julie nang nakita niya itong tumayo at tumalikod sa kanya para maglakad papunta sa kung saan. nagsalita pa ito na ikinagitla ni heeseung.

"hindi ka pa ba aalis?"

"h-ha?"

"malapit na gumabi, umuwi ka na."

hindi agad nakasagot si heeseung nang sabihin 'yon ni julie pero unti-unti din siyang napangiti. "concern na yarn?"

sinubukan ni heeseung magbiro pero agad din siyang natigilan nang harapin siya ni julie at maglakad palapit sa kanya. well, hindi naman ganun kalapit, may 1 meter pa rin sa pagitan nilang dalawa.

nakasalubong ang mga kilay ni julie at nakayukom ang magkabilang kamao nito, mukhang naiinis yata. nagtataka tuloy si heeseung kung anong nagawa niya para mainis si julie ng ganito pero may napansin din siyang kakaiba kay julie.

namumula ang dulo ng tainga niya..

dahil doon ay unti-unting napangiti si heeseung. na-realize niyang hindi naiinis o nagagalit ang dalaga dahil nahihiya ito, nahihiya na kinikilig sa sinabi niya kanina lang.

"w-why are you smiling?"

hinarap ni heeseung si julie ng diretso sa mga mata nito. nakipagtitigan lang din si julie sa kanya pero hindi rin nagtagal 'yon dahil si julie din ang unang umiwas ng tingin at may balak pa yatang tumakbo, mabuti na lang nahuli kaagad ni heeseung ang braso niya.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon