Chapter 20

104K 2.8K 2.1K
                                    

His

"Vanessa Athena Martin, Bachelor of Science in Nursing, Magna Cum Laude."

The applause of the people around me makes me more excited and nervous at the same time. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa stage nang tawagin ang pangalan ko.

I am elated because I finally made it, sulit na sulit ang apat na taon ko dahil magtatapos ako ng magna cum laude. But something is still missing-- I am still empty inside, maybe because I am walking alone?

Hindi man lang umuwi si Papa para sa graduation ko kahit ilang beses ko siyang tinawagan, hindi man lang niya naisipang ihatid sa stage o panoorin ang anak niya sa isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay nito.

I hide my disappointment along with my smile, tatlong hakbang pa lang ang nagagawa ko ay bigla naman akong napahinto dahil may dalawang taong naglakad sa magkabila kong gilid.

Napasighap ako sa gulat nang tingnan ko kung sino sila-- kapwa nakatayo sa magkabila kong gilid si Mama Amanda at ang asawa niyang si Tito Blaze.

Mama Amanda sweetly smiled as she grazed my arm. "Would you mind if we walk with you, anak?"

Nanggilid ang mga luha ko pagkasabi niya ng salitang 'anak' dahil ito ang unang beses na may tumawag sa akin nito. Even my father never referred me as his child.

"Sorry, we're a bit late," Tito Blaze gave me a small and warming smile.

I bite my lower lip to suppress myself from crying. I was so stunned to move or speak, namataan ko na lang ang sarili ko na nasa gitna ng mag-asawa at naglalakad patungo sa stage.

Si Mama Amanda ang naglagay sa akin ng medalya. All the emptiness that I'm feeling earlier were replaced by intangible contentment.

"Van, smile!" hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha nang makita ko sa ibaba ng stage si Donna, hawak niya ang DSLR habang kinukuhanan kami ng litrato.

Pagkalabas pa lang sa arena kung saan ginanap ang graduation ay kaagad na akong sinalubong ng buong frat, napatakip ako sa sariling bibig nang bigla nila akong palibutan na para bang isa akong balik bayan.

Agad akong nilapitan ni Donna at tinalon ng nahigpit na yakap. "You made it! You made it!"

"Proud na proud kami ni Marg, sa 'yo!" mahina niyang bulong at halos maiyak ako nang magsimula siyang maluha.

Ang saya sa pakiramdam na may mga taong masaya para sa 'yo tulad na lang ng buong frat lalo na si Donna at alam ko na kahit malayo at wala rito si Marg, ganoon din ang nararamdaman niya para sa 'kin.

Blade chuckled and gently dragged Donna away from me. "Don't make her cry, wifey. She's supposed to enjoy her day."

Lalong humikbi si Donna at tiningala si Blade. "Bakit ba? Super proud lang naman ako sa best friend ko, ah!"

Nilingon ako ni Blade habang hinihimas ang buhok ng nobya. "Congratulations, Van," he tapped my shoulder.

Sumunod na lumapit sa 'kin ang three ids, nagtutulakan pa. "Magna cum laude? Talino! Si Joji kasi magnanakaw."

Umingos si Joji dahil sa sinabi Russ. "Ikaw nga magna cum landi."

Napailing ako at natawa dahil sa pagtatalo ng dalawa, nagsigawan ang mga ito, kawawa tuloy si Bricks na nasa gitna nila.

"Sinalo mo naman lahat ng talino at ganda, ma'am," nakangisi si Evren habang papunta sa harapan ko, nginitian ko na lamang siya.

"Hija, sa bahay tayo mag-celebrate ah?" malaki ang ngiti ni Mama Amanda habang tinutulungan akong ayusin ang tassle ng suot kong graduation cap.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon