Chapter 04

90.3K 3.5K 2.4K
                                    

Chapter 04

Hindi ko alam kung bakit bothered ako na nagwalkout 'yung Samuel na 'yon. 'Di naman kami friends. 'Di ko rin naman siya crush—I mean, gwapo siya... but hindi ko type iyong may 'banal' vibes. Kasi alam mo 'yon? Kapag nagkaboyfriend na ako finally, marami akong masamang balak. Medyo mahirap lang siguro kapag gagawan mo ng masamang bagay iyong tao na banal iyong vibes.

Medyo late akong nakarating sa school dahil na-late ako ng gising. Pagdating ko sa library ay puno na. Grabe naman! 10AM pa lang naman! 'Di naman ganito dati. Dahil ba finals season na kaya ganito? Lumabas na lang ako roon at naghanap ng ibang pwedeng pwestuhan sa school. Mainit na kasi kaya tinatamad na akong lumabas pa at maglakad. I was wearing a white long-sleeved na polo na naka-fold sa braso ko.

I was just walking around hanggang sa mapa-hinto ako roon sa mga benches sa labas ng chapel. Inilagay ko roon iyong mga libro ko kasi baka maagawan na naman ako. Pumunta ako sa cafeteria tapos ay bumili muna ako ng pagkain doon saka nagbreakfast. Pagbalik ko sa may chapel, napa-hinto ako nung makita ko na may naka-upo sa other end nung bench.

I took a deep breath.

Nung maglakad ako papunta roon ay hindi napansin ni Samuel na nandoon ako. He was probably too immersed in whatever he was reading... at dahil natural na chismosa ako ay nakita ko na cases iyong mga binabasa niya. In fairness sa kanya, naka-full text siya. I could never dahil tamad akong magbasa ng full text.

Dahil mukhang hindi niya naman ako papansinin ay nagdecide ako na mag-aral na lang din. Ayoko lang ioverthink na naman iyong ginawa niyang pagwo-walkout. Madaming ganap sa buhay ko at ayoko na iyong idagdag pa.

I was currently deciding kung gagamit ba ako ng memaid o kung maglilibro ba ako nung mapa-tingin ako sa gilid ko. Naka-tingin din siya sa akin.

"Nauna ako rito," defensive na sabi ko kasi baka isipin niya e sinusundan ko siya! Next time talaga lalagyan ko na ng gamit iyong buong bench! Oo, malandi ako, pero 'di ko talaga kaya na katabi ko iyong crush ko. 'Di ako makapagconcentrate sa pag-aaral! Aba e hindi naman pwede na pangalan nila isagot ko sa recit dahil talagang tuluyan na akong makikickout.

"Okay," he replied tapos ay bumalik na siya sa pagbabasa niya. I rolled my eyes. Ano ba'ng problema nito? "Saw that," he said.

"Saw what?"

"You rolling your eyes."

"Galit ka ba?" I asked. "Kasi bigla kang nagwalkout nung isang gabi," I said because I just really didn't want to overthink it... Saka ano ba kasi iyong kasalanan ko if ever? Siya nga 'tong nakinig sa confession ko, e!

"Sinabihan mo akong sinungaling."

Kumunot ang noo ko. "What?"

"I already told you—hindi ko sinabi kay Rhys," he said. "I don't appreciate being called a liar."

My lips parted. "So... galit ka nga?"

"No."

"Ano? Nag-iinarte ka lang?" tanong ko tapos ay tumingin siya sa akin tapos ay seryoso iyong mukha niya. I pressed my lips together. Ang seryoso naman ng isang 'to! "Okay, okay," sabi ko. "I'm sorry sa sinabi ko. I was just... worried na baka sabihin mo kay Rhys."

"But I already told you that your secret's safe with me."

I shrugged. "Kahit na."

"I won't tell him," he replied. "Besides, I don't think we would've even cared."

"Kasi hindi niya ako type?" tanong ko tapos medyo na-conscious ako kasi tinignan niya ako from waist to my face. Agad tuloy akong napa-isip kung ano ba ang itsura ko! Nag-ayos naman ako bago pumunta sa school! Feel ko kasi talaga ay dito ko makikilala ang tunay na pag-ibig kaya kailangan ay maayos ang itsura ko palagi. Hirap pa naman na mukha akong pulubi na naliligaw dito sa SCA.

Hate The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon