Chapter 25

685 13 7
                                    

A/N: Hi guys! Ipopost ko na yung bago kong story. It's a Regine-Ariel fan fiction. Hopefully mabasa and magustuhan nyo rin. Sorry kung nalelate ang pagupdate ko but still, thanks for reading this story!

Sinundo ni Matthew ang kanyang mag ina eksaktong alas sais ng gabi dahil ayaw nyang malate sila sa pagpunta sa bahay nila Amelya at Rodolpo. Inihahanda nya na ang kanyang sarili sa lahat ng maaaring mangyari ngayong gabi. Lahat ng pride na mayroon sya ay handa nyang lunukin matanggap lamang sya muli ng mga magulang ni Gabby.

Pagpasok nya ng bahay ay nakita nyang nag aayos pa ang kanyang mag ina. Pagkakita sa kanya ni Gabby ay nilapitan nya ito agad at hinalikan sa labi.

"Baba, five more minutes. I promise tapos na ko." Sabi sa kanya ni Gabby. Umupo na lamang ito sa sofa at naghintay hanggang sa matapos ang dalawa. Pagkatapos mag make up ni Gabby ay umupo ito sa tabi ng kanyang nobyo. Ipinatong nya ang kanyang ulo sa balikat ni Matthew at agad naman inakbayan ng lalaki ang kanyang nobya.

"Baba kinakabahan ka na ba?" Tanong ni Gabby kay Matthew.

"Sus. Ako, kakabahan?" Natatawang sagot ni Matthew. Ngumiti si Gabby at niyakap ng mahigpit ang kanyang nobyo.

"Baba kinakabahan nga ako." Natatawang sabi ulit ni Matthew na ikinatawa naman ni Gabby.

"Katharine's going to be there anyway. Sisigawan nya na lang ulit si mom." Sagot sa kanya ni Gabby.

"I don't think that's a good idea."

"It's better her than me. Paborito naman sya e. For sure mom will forgive her in a week." Sagot sa kanya ni Gabby.

"Let's go guys!" Sigaw ni Katharine. Tumayo ang dalawa at naglakad palabas ng bahay nang magkahawak ang mga kamay.

-----

Pagdating ng tatlo sa bahay nila Amelya at Rodolpo ay nanatili silang nakatayo lamang sa labas ng pintuan. Walang gustong pumindot ng door bell dahil lahat sila ay kinakabahan sa maaaring mangyari. Naglakas na ng loob si Katharine at pinindot nya ang doorbell. Mabilis na binuksan ito ni Amelya.

"Come in. Hi Matthew." Sabi ni Amelya. May ngiti sa kanyang labi ngunit halatang plastik na ngiti ito. Tiningnan nya mula ulo hanggang paa ang lalaki. Hindi na lamang nag react si Matthew, dumiretso ito sa sala at nakitang naghihintay si Rodolpo sa pagdating ng tatlo. Tumayo ito upang yakapin at halikan ang kanyang anak. Lumapit din si Katharine upang bumeso sa kanyang lolo.

"Matthew." Sabi ni Rodolpo. Lumapit si Matthew sa lalaki at kinamayan ito ngunit niyakap sya ni Rodolpo at tinapik sa likod. Ang ginawang ito ng kanyang ama ang tunay na nagpangiti kay Gabby. Nakatayo lamang si Amelya habang pinapanuod ang kanyang anak. Nakita nito na iba nga ang mga ngiti ni Gabby. Halatang masaya sya ngunit sa isip ni Amelya, tama nga ba na maging masaya ang anak sa piling ng lalaking hindi nya pinagkakatiwalaan?

"Matthew, I heard you're staying here for good?" Tanong ni Amelya sa lalaki.

Ngumiti si Matthew at tumango ito sa ina ni Gabby. Halatang nag iisip pa ito ng sasabihin dahil hindi nya inaalis ang kanyang tingin kay Matthew.

"How about your life in the States? Didn't you have a girlfriend there that you left?" Tanong muli ni Amelya. Tinakpan ni Gabby ang kanyang mukha at huminga ng malalim. Hindi nya alam kung saan dadalhin ng kanyang ina ang kanilang usapan.

"No. Dad didn't leave anyone in the States, grandma. So grandpa, I heard you have been spending a lot of time in the club? Sama mo naman ako, I wanna learn how to golf." Nakangiting sabi ni Katharine. Pinipilit nyang tanggalin ang pagkabaling ng kanyang lola kay Matthew. Alam na alam nya na nagpipigil na si Gabby kaya't sya na ang gumawa ng paraan para mabago ang usapan.

"I don't think you'd last a day in the club, Katharine. Ang mommy mo pinipilit ko sumama sakin, bata pa sya nun but she never enjoyed. She was a sweet kid, she'd tell me she had fun but I knew right away that she was lying." Nakangiting sagot ni Rodolpo. Tumingin sya sa kanyang anak at kinindatan ito. Sinuklian sya ng matamis na ngiti ni Gabby.

"Dad you know I enjoy every second with you. Nangako ka sakin ng breakfast pero hanggang ngayon busy ka pa rin. Kelan na mangyayari yun?"

"Breakfast? Am I not invited?" Pagsingit ni Amelya. Walang sumagot sa kanya. Tiningnan nya si Gabby at naghintay ng sagot dito.

"Sure. You could tag along." Sagot ni Gabby. Halatang pilit ang mga ngiti nito kapag kausap nya ang kanyang ina.

Tiningnan ni Gabby si Matthew habang kumakain ito. Halatang hindi kumportable ang kanyang nobyo sa mga nangyayari ngunit pinipilit nito na makisama sa lahat ng tao sa lamesa. Nag uusap si Gabby at Rodolpo tungkol sa kanilang business nang may narinig silang door bell. Tumayo si Amelya at binuksan ang pinto. Pagbalik nito ay kasama nya na si Peter. Napaka laki ng gulat sa mukha nila Gabby, Katharine, Rodolpo at pati ni rin si Matthew. Tumayo si Gabby at tiningnan ng napakasama ang kanyang ina.

"Mom! I told you to stop meddling!" Sigaw ni Gabby sa kanyang ina. Hindi nya na napigilan ang kanyang sarili na ilabas ang itinatagong galit sa kanyang ina.

"Gabby, I had no idea he was going to be here!" Sagot ni Amelya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig nya ang pagsigaw ng kanyang anak.

"She didn't know I was coming over. It's Friday night, I know you were going to be here." Sagot ni Peter.

"What do you want?" Maikling tanong ni Gabby. Hindi nya matingnan si Matthew dahil hindi nya alam kung anong mukha ang ihaharap nya sa kanyang nobyo.

"Gabby, we need to talk. It wasn't just you in the relationship. It was the two of us. You can't just decide that it's over." Nagmamakaawang sabi ni Peter. Naawa si Gabby dito ngunit nanaig ang inis nya dahil sa biglaang pagpapakita nito sa bahay ng kanyang magulang.

"What do you wanna talk about? There's nothing left to talk about!" Sigaw ni Gabby.

"Us!" Sagot ni Peter.

"There is no 'us.' There's you and there's me. It's over. It was over last week and it's over now. It's over!" Sagot ni Gabby. Nilapitan sya ni Peter at hinawakan ang kanyang kamay. Tinanggal ito kaagad ni Gabby at lumayo sa lalaki ngunit mapilit si Peter. Pinilit nyang yakapin si Gabby kaya't nagpumiglas ito sa mga yakap ni Peter. Itinulak nya palayo ang dating nobyo at sinampal ito.

"Umalis ka na Peter." Sigaw ni Gabby. Hinili ni Peter ang mga kamay ng babae kaya't napatayo si Rodolpo at lumapit kay Peter. Akmang sasapakin ng kanyang ama ang dating nobyo ngunit pinigilan ito ni Gabby.

"Get out of my house!" Sigaw ni Rodolpo. Nanatiling nakatayo lamang si Peter. Tiningnan nya si Gabby ngunit nang makita nya na hindi man lamang sya magawang titigan ng babae ay nagpasya na syang lumabas ng bahay at umalis.

Ibinaling ni Rodolpo ang kanyang tingin kay Amelya. Masama ang mga titig nito sa kanyang asawa.

"Ikaw, ilang beses ka ng sinabihan na huwag ka ng manghihipasok sa relasyon ng anak mo! She's a grown woman! Stop meddling!" Napakalakas na sigaw ni Rodolpo kay Amelya.

"I told you!! I didn't ask him to go here!" Sigaw na sagot naman ni Amelya. Nakatayo lamang si Gabby sa gitna ng kanyang mga magulang habang nagaaway ang dalawa. Hinalikan ni Gabby ang kanyang ama upang magpaalam at nilapitan nya si Matthew at hinawakan ang kanyang kamay upang ayain na itong umuwi. Tumayo rin si Katharine at hinalikan ang kanyang lolo't lola. Bago makalabas ng bahay ang tatlo ay hinabol ni Amelya ang kanyang anak.

"Gabby, you need to believe me. I did not ask him to go here! Kung gusto ko kayong magkausap, hindi ko iimbitahin dito si Matthew. I don't want you to hate me more than you already have because of something I didn't do!" Sabi ni Amelya sa kanyang anak. Nakatingin si Gabby dito at unti unting namuo ang kanyang ngiti. Natuwa ito na nakikita nyang kahit papaano ay may pakialam ang kanyang ina sa kanyang nararamdaman. Hinalikan nya si Amelya sa pisngi at nagpaalam.

"I believe you mom. I'll see you next Friday night." Sagot ni Gabby sa kanyang anak. Hindi mapigilan ni Amelya na yakapin ang kanyang anak. Hindi sya pinigilan ni Gabby. Naramdaman pa nga ni Amelya ang paghigpit ng hawak ni Gabby sa kanyang likod. Tiningnan ni Amelya si Matthew ngunit hindi nya pa rin ito nginitian. Tuluyan ng lumabas ang tatlo. Naka akbay si Matthew kay Gabby at si Gabby naman nakahawak sa kamay ni Katharine.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon