two
K A E A N N
Hanggang ngayon ay naloloka pa rin ako dahil sa nalaman kong news kanina. I mean, oo. Masaya ako! May kuya na ako, kahit hindi ko kadugo. Pero kasi, parang ang awkward lang. Parang ang tanda na nung inaddopt.
Pero kasi ganito yan eh.
/Flashback
"KAE ANN!" Sigaw ni Mommy mula sa kwarto niya kaya agad naman akong nagpunta dun.
"Yes MoㅡOh My Gosh! MOMMY!" Sigaw ko ng makita na puro dugo na ang damit niya sa pangibaba.
"YAYA! YAYA! Si Mommy! Si Mommy!" Sigaw ko. Tarantang taranta na ako. Paano yung baby!?
Oo, ayaw kong maging panganay pero sino ba naman aayaw sa baby diba? Blessing yun!
Isinugod namin si Mommy sa ospital at tinawagan ko si Daddy. Agad naman siyang sumunod sa ospita after nun.
Pagkalabas ng doctor ay agad lumapit si Daddy sa kanya.
"How's my wife and our baby, Doc?"
"I'm sorry. But the baby's gone. Masyadong mahina ang kapit ng bata." Sabi ng Doctor.
And for the second time, nawalan nanaman sila ng anak.
end/
Yes. Mom had a miscarriage nito lang. Weeks ago? And because of that she was so depressed. Tatanggapin ko pa sana kung bata yung i-aadopt para kapalit nung nawala, bakit kapalit pa ni Kuya Patrick? I mean, 16 years old!? WOW!
Ngayong na-realize ko na lahat 'yan, parang hindi ko na ma feel ang pagkakaroon ng oppa. Bakit ganun?
Dapat maging masaya ako diba?
-
Saturday night, nasa kwarto lang ako. Nags'spazz. Syempre gawain ng fangirl with matching patugtog pa ng Love Equation ng VIXX tapos sumasayaw sayaw pa. Oh, hindi ko ipinagpapalit si Luhan sa kagwapuhan ni Beansㅡeste Hongbin pala! Loyal kaya ako!
"Ate!" Sigaw ni Nicole. .
Kung yung isa 'kong kapatid naman ay feeling ice prince sa isang wattpad story, itong si Nicole naman ay feeling Mafia Princess. Napakabrutal! Ang hilig manakit! Spoiled! Gusto niya lahat ng sasabihin masusunod, kapag hindi nangyari yun, patay ka! Magtago ka na at baka mamaya matagpuan na lang 'yang katawan mong nagyeyelo na. Pero syempre, joke lang yun. 13 years old papatay!? Seryoso!?
Masyado lang talaga siyang brutal at may pagkabad girl (pero hindi naman rebelde) kaya tinatawag ko siyang Mafia Princess.
"Yes, Mafia Princess? Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Sabi ko pagkapasok niya ng kwarto. Pero dahil sa Mafia Princess nga itong kapatid ko ay nabato pa ako ng tsinelas niya. Sapul sa mukha! Oh diba? Grabeng makapanakit! Feeling gangster! Akala mo mas matanda pa sa kin!
"Tawag ka ni Mama." Sabi niya at tumalikod na.
"Walang po?" Habol kong tanong habang naglalakad siya at ako'y nakasilip lang mula sa pinto.
Aba! Ang feeling Mafia Princess kong kapatid ay itinaas lang ang kanyang kamay. Akala ko magmi-middle finger sa kin eh! Try lang niya! Susupalpalin niya kamay niya! Nakuuu! Tsk! Ayan! Kae Ann! Nahahawa ka na sa kabrutalan ng kapatid ko! Ayokong pumatay! No way!
Papasok na sana ako ng kwarto ng maalala kong pinapatawag ako ni Mother. Ano ba yan? Kailan pa naging makakalimutin si Kae Ann? Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kwarto ni mommy.
YOU ARE READING
[!!] No Way Oppa! (ON-HOLD!)
Teen FictionIsang babaeng nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niyang magkaroon ng kuya. Masaya, oo. Pero paano kung malaman mong ang kuya'ng pinapangarap mo ay nagkagusto sayo? Sasaya ka pa ba? O Maiinlove ka rin sa kanya? [!!] ON - HOLD
![[!!] No Way Oppa! (ON-HOLD!)](https://img.wattpad.com/cover/22903220-64-k924744.jpg)