Chapter 15

1.4K 79 100
                                    

Chapter 15

"At dahil duly elected class president na ako, idinedeklara ko ngayon ang Martial Law sa loob ng classroom!" matapang na anunsyo ni Eden pagkatapos pumunta ng kaka-elect lang na class officers.

Kasali ako sa mga bagong officers. Kaso ako 'yong napag-trip-an sa muse. Ang escort naman namin na si Easton, sakto lang. Guwapo naman siya at matangkad, hindi ko lang sigurado kung may iaambag. 

"Ampota, anong Martial Law? Sa loob ng classroom? Sino naman nagsabing puwede kang magpatupad niyan dito?" tanong ng isa naming kaklase.

"Wala." Tumawa si Eden na nasa gitna naming nakapila rito sa harap. "Pero wala ring nakasaad sa ating school handbook na bawal akong magpatupad ng batas dito sa loob ng room. 'Di ba, Sir?"

Tumatawa lang sa gilid ang adviser namin. Nakahalukipkip siya at nakaupo roon sa armchair ng isa naming kaklase. Binigay niya ang oras ngayon sa pag-elect ng officers kaya hindi na kami magkaklase pa.

"That's correct, Miss President."

"See?" Ngumisi lalo si Eden. "Don't you all worry, classmates. Ang purpose naman ng Martial Law rito sa room ay para maging disiplinado ang lahat. Hindi tayo magpapatayan."

Nagtaas ako ng kamay at humarap sa kanya. 

"Ay, ay, 'yong mic po nasaan? Magsasalita ang muse," sambit ni Eden habang natatawa. "Sige po. Anong atin?"

"Alam naman siguro natin na kung sa bansa ipatutupad ang Martial Law, idinadaan pa 'yan sa kongreso. Hindi naman kasi basta-basta ang paggawa ng batas lalo na kung wala namang sapat na dahilan para ipatupad iyon. Pero since nasa room lang naman tayo, mas mainam siguro kung pagbotohan na lang din natin kung sino ang may gustong ipatupad 'yang batas na gusto mo, President," suhestiyon ko.

Nagtaas ang katabi kong si East. "I second the motion."

"Third," ani Raghnall na siyang Vice-President.

"Oo, tama! Magbotohan tayo!"

Napatingin ako kay Axasiel na napapikit pagkatapos ibigay ulit sa kanya ni Eden ang whiteboard marker. Siya kasi ang sekretarya at halata naman sa kanya na ayaw niyang nagsusulat lagi lalo na sa board.

"Huwag nang isulat. The majority wins automatically," he said to her. 

Pinangunahan ng presidente at bise presidente ang pagbobotohan at pagbilang. Kabilang naman kaming mga officer sa boboto kaya nagtaas ako ng kamay sa mga pabor doon sa Martial Law.

Lihim akong ngumisi. Gusto ko naman talaga ang Martial Law rito sa room kung sakali pero kailangang patas at tama ang pagpapatupad nito para sa lahat. If its main purpose is peace and order and for the class to be disciplined, why not? It's not as if we'd assassinate those who would disobey orders from the class officers. 

Tumingin sa direksyon ko si Ral pagkatapos magbilang. "Twenty. Twenty-one, including me," anunsiyo niya. "Majority wins. We're only 37 in the class."

"Oh? Okay na ba, Miss Zafe?" si Eden na nakatingin sa akin.

"Ayos na..." Ngumiti ako. 

"Sir, okay na po ba?"

Tumango ang guro namin at sinenyasan si Eden na magpatuloy para sa sasabihin pa nito.

"Okay, since—"

"Pangit talaga kapag babae ang presidente. Feeling boss," sabi ng isang kaklase naming lalaki. 

"Pasensiya na, Uson. Nasa demokratikong bansa at paaralan naman tayo kaya hinayaan ang mga kaklase natin na iluklok ang magiging presidente. At ano po ang pangit sa pagkakaroon ng babaeng class president? Please explain it in ten sentences using english language with sources to support your claims."

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon