KABANATA 39

1.8K 169 28
                                    

Senda's P.O.V.

"Senda, kumusta ka na?"

Magkakasabay na wika ng mga kapatid ko habang naglilikom ako ng mga binilad kong kape.

"Kayo pala. Mabuti naman ako, kayo?"

"Mabuti rin naman." Sagot ni Thea. "Ewan ko lang sa dalawang ito." Inginuso nito si Hera at Dalia.

"Bakit naman? May problema ba kayo?"

"Wala na ngayon dahil nakita ka na namin." Sagot ni Dalia. "Nag-alala lang kami sa 'yo dahil noong nagpunta kami rito nitong huli, hindi ka namin mahanap."

"Akala namin kung ano na ang nangyari sa 'yo." Pagsingit ni Hera.

"Binantayan ka namin ng dalawang araw matapos 'yung nangyaring kalamidad rito," si Dalia ulit, "pero hindi ka naman dumating. Kaya pasensya ka na nang dahil sa labis naming pag-aalala, sinabi na namin kay Ama na nawawala ka."

Ipinakita ko muna sa kanila ang aking malamlam na reaksyon bago ko muling itinuon ang pansin ko sa paglilikom ko. Batid ko naman kasing hindi rin naman iyon mag-aalala dahil hindi naman ito nag-alala sa akin ni minsan. "Hindi niyo na sana ginawa 'yun."

"Pasensya ka na, Senda." Sagot ni Dalia, "nagbakasakali lamang naman kaming matutulungan niya kami."

Nilingon kong muli ang mga ito, "eh natulungan ba niya kayo?"

Sa pagtitinginan lamang ng tatlo ay hindi na nila kailangan sagutin ang tanong ko. "Huwag niyo nang uulitin 'yun, kahit ano pa mang mangyari sa akin. Kahit na mamatay pa ako."

"Hindi, Senda. Ang totoo, tinulungan niya kami. Pati na ang iba nating mga kapatid." Sabi ni Thea, "ang kaso..."

Huminto muna ako sa ginagawa ko, "ang kaso?"

"Hindi ka rin nila mahanap." Pagpapatuloy ni Thea, "ang sabi ni Ama, malakas daw ang kutob niya na nagtungo ka sa isang lugar na hindi basta-basta napapasok ng kapangyarihan ng mga engkanto."

Naptawa ako, "hindi napapasok ng mga engkanto? Tulad ng bakuran kong hitik sa asin?" biro ko. "Marami namang lugar ang hindi napapasok ng mga purong engkanto, 'di ba?"

"Senda," pagsingit ni Dalia, "kahit naman hindi kami nakakapasok basta-basta dito sa bakuran mo, naaabot pa rin naman ng kapagyarihan naming makadama kung nariyan ka sa loob ng bahay mo o wala. Hindi tulad dito sa bakuran mo ang tinutukoy namin, ang tinutukoy namin ay isang lugar na kahit 'yung kapangyarihan naming malaman ang lukasyon ng aming hinahanap ay hindi basta-basta nakakapasok. Apatnapu lamang sa buong mundo ang may gano'ng klaseng lugar, at dalawa sa apatnapung iyon ay narito sa Ophir."

"Ophir? Anong Ophir? At anong ibig niyong sabihin?"

"Ophir. Ang Pilipinas." Sagot ni Thea.

"Ang sabi ni Ama, dalawang isla lamang daw dito sa Pilipinas ang may gayung katangian." Ani Dalia, "Ang isa ay 'yung nasa Y'Ami na tinatawag ng mga enkantong Paraeiah at ang isa naman ay narito sa Mimaropa na tinatawag ng mga engkantong Edenus."

"At dahil napakalayo naman ng Paraeiah rito, ang sabi ni Ama, baka napadpad ka raw sa Edenus. Nagtungo ka ba sa isang isla, ha, Senda?" tanong ni Thea

Bigla kong naalala ang panaginip ko; o panaginip ko nga ba 'yung nagtungo ako sa isang islang may nakakubling isang napalaking kastilyo. Isa rin nga itong malaparaisong lugar ngunit pinamumugaran naman ng mga nakatatakot na nilalang, at napapalibutan din ng karagatang may mga siyokoy?

"A-ano ba 'yung Edenus?" tanong ko.

Muling nagkatinginan ang tatlo, bago nagsalita si Hera, "ang Edenus ay isang malaparaisong isla na pag-aari ng..."

"Ng?"

"Hari ng Kadiliman dito sa lupa." Pagpapatuloy ni Hera.

Namilog ang mga mata ko, "si Satanas?"

Tinapik muna ni Thea si Hera bago nito sinabi sa akin, "'hay naku, 'wag mo ngang pansinin 'yung sinabi ni Hera. Ang ibig niya talagang sabihin ay Hari ng mga mababangis na Aswang at itim na mga Maligno at Engkanto."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Napangiwi ako, naaalala ko na naman kasi ang panaginip ko.

"A-ano bang hitsura ng Edenus?" tanong ko sa tatlo, sa pagbabakasakaling maipagkukupara ko ang paglalarawan nila sa islang pinuntahan ko sa panaginip ko.

"Hindi rin namin alam, Senda." Sagot ni Thea, "wala naman kasing nakakapunta roon sa mga puting engkanto. Ngunit ayon sa matatandang diwata, napakaganda raw ng lugar na 'yun bagaman pinamumugaran ito ng sari-saring mga nakatatakot na nilalang tulad ng mga Aswang, Maligno at itim na Engkanto dahil doon din nga nakatira ang hari nilang si Lucio."

Napakaganda nga noong isla sa panaginip ko, ngunit hindi ko naman ito maikumpara sa Edenus na tinutukoy ng mga kapatid ko.

"Hoy Senda!" Biglang pagtawag ng isang pamilyar na boses. Si Mylene ito. Pumapasok na ito sa akin tarangkahan. "Sinong kausap mo riyan?"

Pasimple kong tiningnan ang mga kapatid kong tila mga alitaptap na lumilipad lipad sa palibot ko. Gayun lang naman talaga ang sukat ng mga Lambana kapag narito sa mundo ng mga tao. Tila mga insekto, mas malaki pa ang mga paru-paru.

"H-ha? W-wala, 'yung sarili ko lang." Palusot ko rito.

"Ah," natawa ito, "akala ko 'yang mga alitaptap ang kausap mo."

"Napadaan ka."

"Ah, oo. Heto." May iniabot itong supot. Kinuha ko naman ito agad at sinilip. "Dinala ko lang itong bestida at sandlayas na isusuot mo bukas para maisukat mo muna. Isukat mo muna, dali. Para kung kailangan nating i-adjust ang haba o ano pa man, magagawa ko na ngayong gabi."

"Naku naman, Mylene. Mukhang, seryoso ka talagang isama ako sa sayawang 'yun ha?

"Oo naman. Sasadyain ba kita rito kung hindi. Sige na, pasok ka na ro'n, isukat mo na. Hihintayin na lang kita rito sa labas."

***

"Maaari ba kaming sumama riyan sa sayawan na 'yan, Senda?" tanong ni Hera nang makaalis na si Mylene. Kasyang-kasya naman ang bestida nito sa akin kung kaya iniwan na lamang nito ito sa upang maisuot ko bukas.

"Hindi ko alam." Sagot ko naman dito, "pero sa palagay ko ay magiging napakaingay roon. Kaya baka hindi niyo magustuhan. Kung ako nga eh, napipilitan lang din talaga ako dahil sa bago kong kaibigang si Mylene. Ayoko rin ng maingay, kaya nga hindi ako tumagal sa siyudad dahil doon."

"Ang sabihin mo," pagsingit ni Thea, "mas nanalaytay sa ugat mo ang pagiging engkanto. Mas gusto mo rin ang katahimikan at malayo sa kaguluhan at ingay ng mundo."

"Siguro nga."

"Huwag mo sanang mamasamain, Senda," si Dalia naman, "hindi ko alam kung gaano mo kakilala ang bago mong kaibigan, pero malakas ang kutob ko na magdudulot lamang ito sa 'yo ng kapahamakan"

"Si Mylene?" tanong ko kay Dalia na may halong pagkagulat, "bakit naman. Eh ang bait-bait ng niya sa akin. Siya ang tumulong sa akin para maiibenta ko 'yung mga nabuwal na puno sa aking bakuran. Siya rin ang nagpakilala sa akin sa mga taong nagpasuno sa akin sa bayan. At siya rin ang nagpahiram sa akin ng damit para sa--"

"Hindi 'yun ang tinutukoy ko, Senda." Pagputol ni Dalia sa aking pagsasalita, "hindi ang pagkatao ng kaibigan mo ang sinasabi ko kundi 'yung pakikipagkaibigan mo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kinukutban ako na siya ang magiging dahilan kung bakit mapapahamak ka, pero alam mo namang sa aming tatlo rito, ako ang may pinakamalakas na kapangyarihan makadama ng panganib. Mag-iingat ka, Senda, pakiusap."

"Huwag kang mag-alala, Dalia. Mag-iingat ako."

[ITUTULOY]

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon