. . . ⇢ 81 ˎˊ˗

215 13 15
                                    

matapos ang lahat ng 'yon, nanatili pa rin sila ni-ki at hera sa rooftop. malapit na mag ala-una pero tila hindi na nila namalayan ang oras. basta sa mga oras na 'to, magkahawak kamay silang pinapanood ang kagandahan ng kalangitan.

"hindi ka pa ba inaantok?"

natawa si hera sa sinabi ni ni-ki. "bakit? gusto mo na ba 'kong matigok?"

sa sagot ni hera ay napanguso lang si ni-ki. "ewan ko sa'yo, ang pangit ng sagot mo."

"joke lang, ang serious mo naman masyado."

"hindi magandang biro 'yon."

si hera naman ang napanguso dahil halata sa boses ni ni-ki ang pagkairita. talagang hindi niya nagustuhan ang biro niya kanina. aba sorry naman daw, sinabi lang naman 'yon ni hera para rhyme. inaantok, matigok, oh di'ba rhyme?

"okay lang na magpahinga ka na pero 'wag mo naman sana madaliin, gusto pa kita makasama." dagdag pa ni ni-ki.

"okay po, sorry na."

ni-ki just smiled softly as he caresses hera's hair. matapos non ay wala na namang nagsalita sa kanila. pero hindi rin nagtagal ay muling nagsalita si hera habang hinihila ang darili ni ni-ki.

"nishimura senpai~"

literal na nanlaki ang mga mata ni ni-ki nang marinig niya 'yon mula kay hera. matagal na rin kasi nung huli siyang tinawag ni hera sa pangalang 'yan at wala pa ring nagbago, masarap pa rin sa pandinig dahil sa hera ang bumabanggit.

nabalik sa sarili si ni-ki nang muling hilain ni hera ang darili niya. "bakit?"

malapad na ngumiti si hera. "sayaw tayo?"

"pero-"

"sasabihin mo hindi ko kaya? mahina na ang katawan ko? oh come on, pagbigyan mo na 'ko. ang tagal na rin nung huli tayong sumayaw ng magkasama kaya pleaseeeee?"

hindi nakakibo si ni-ki. hindi siya sure kung magandang ideya na sumayaw sila ni hera ng nasa ganitong kalagayan ang dalaga. ni-halos hindi na nga maigalaw ni hera ang mga binti niya kaya paano siya makakasayaw?

napabuntong hininga si ni-ki. "ganito na lang, ako na lang ang sasayaw para sa'yo. kumanta ka na lang kasi hindi ko dala phone ko, wala tayong papatugtugin."

muling napanguso si hera. gusto niya talagang sumayaw silang dalawa ni ni-ki pero naiintindihan naman niyang ginagawa ni ni-ki 'to para sa kanya. kahit kasi si hera ay hindi sure kung makakasayaw siya kaya tumango na lang siya sa gusto ni ni-ki.

napangiti naman si ni-ki at tumayo sa harapan ni hera. sinenyasan niya si hera na ipaalam sa kanya kung kailan siya magsisimula kumanta para makasabay siya sa daloy ng musika. tumango lang si hera at nang makaisip na siya ng kakantahin niya ay sumenyas siya ng isa, dalawa, tatlo.

at sa paninimula ng kanyang musika, nagsimula din si ni-ki na idaloy ang kanyang katawan sa pagkanta ni hera.

"ni-ki, do you know how much i feel for you?
you make my heart skip a beat or two.
oh my love you made me love you like a fool.
so tell me what do i do?"

nakatingin lang sila sa isa't-isa, nakangiti habang kumakanta at sumasayaw. sinadya din ni hera palitan ang lyrics para kay ni-ki.

"to know what's inside your mind,
everytime you look into my eyes i melt inside."

matapos kantahin ni hera ang linyang 'yon, unti-unti niyang ipinikit ang mga mata niya habang si ni-ki ay nanatiling nasa kanya ang tingin.

"oh darling dance with me now.
under the stars, under the bright night sky.
if it's my last day on earth then love me now.
baby i'll do everything to make you smile.
i know you love me like i love you now."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon