. . . ⇢ 82 ˎˊ˗

124 12 5
                                    

ni-ki's pov,

"ni-ki.."

"condolence.."

"please, stay strong.."

hindi ako sumagot at nanatiling nasa unahan ang tingin. naramdaman ko ang pagtapik nila sa'king balikat pero nanatili lang akong tahimik at hindi sila tinapunan ng tingin hanggang sa hindi ko na maramdaman ang presensya nila.

doon ako unti-unting napayuko at napabuntong hininga. nararamdaman ko na naman ang papalapit na pagtulo ng likido mula sa mga mata ko at kahit anong pigil ko dito ay tuluyan pa rin itong tumulo.

"alam mong hindi matutuwa si hera kung pati sa lamay niya umiiyak ka pa rin."

kaagad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko nang marinig ko ang boses na 'yon. bahagya akong nagulat nang ipatong niya ang kanyang palad sa ibabaw ng ulo ko, unti-unti akong nag-angat ng tingin.

"tito.."

"nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon, hijo. nagmahal din ako, minahal niya 'ko at nangako kami na anuman ang mangyari ay patuloy pa rin kaming uuwi sa isa't-isa." kwento niya.

"pero ano bang aasahan natin sa buhay? no matter how many times we fight for each other, if destiny itself finds a way to separate us then we can do nothing. we couldn't fight anymore kaya noong mga araw na 'yon, we just accepted our fate and set each other free."

napakurap ako. "siya ba si.."

tumango lang siya at malungkot na natawa. "yes, she is hera's mom and she left me too. ngayon, ang reyna at prinsesa ko ay pareho ng wala sa tabi ko. sucks, right?"

hindi ko alam kung ano ang mararamdaman matapos niyang sabihin 'yon. halatang anytime ay pwede na siyang mag-breakdown pero makikita mo rin na sinusubukan niya talagang lakasan ang loob niya matapos ang mga nangyari.

pinanood ko lang kung paano tumakas ang mga luha mula sa mga mata niya pero agad niya din pinunasan 'yon at pilit na ngumiti sa'kin saka ako tinapik-tapik sa balikat.

"alam kong masakit pero kailangan nating ipagpatuloy ang buhay natin kahit wala na sila at alam kong 'yon din ang gusto ni hera para sa'yo."

hindi ako nakasagot at pinanood lang siya na umalis sa harapan ko pero bago pa man siya makalayo ay muli pa siyang humarap sa'kin at binato ang isang papel na nakatupi na nasambot ko kaagad.

napakunot ang noo ko at bago pa man makapagsalita para sana itanong kung ano ito ay nawala na si tito kaya nagtataka man ay binuksan ko na lang 'yon. para sa'kin naman 'to, tama?

"dear nishimura.. senpai.."

napatakip ako sa bibig ko matapos mabasa ang unang linya, pinipigilan ang sarili na mapahikbi ng malakas. so para sa'kin nga 'to? at mukhang galing sa kanya.. pero bakit hindi niya na lang binigay sa'kin noon pa?

gusto mo ba 'kong umiyak ulit?

nanginginig ang kamay ko habang hawak ang letter na hindi ko pa sinisimulan basahin matapos mabasa ang unang linya. pakiramdam ko kasi hindi ko kakayanin at muli na naman akong iiyak na parang bata.

nevertheless, naglakad ako papasok sa loob ng cubicle at doon umupo. muling tinitigan ang letter at bago ipagpatuloy ang pagbabasa ay ipinikit ko muna ang mga mata ko saka nagpakawala ng mabigat na hininga.

huling habilin mula sa'yo?

malungkot akong natawa saka dahan-dahang iminulat ang mga mata at sinimulang basahin ang sulat.

dear nishimura senpai,

helloooooooooo, this is your loka-lokang hera HAHAHHA! to be honest, ayokong magdrama pa at gusto ko na lang bago ako mawala sa mundong 'to makita ko tayong magkasamang dalawa at masaya gAAAAAHHHHH NABABASA NA YUNG PAPEL HUHU PASENSYA NA KUNG MAY STAIN KASE NAMAN YUNG LUHA KO HINDI MAPIGIIIIL! >.<

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon