. . . ⇢ 84 ˎˊ˗

113 10 3
                                    

nakatitig lang si charlotte sa katabi niya, nakangiti ito na para bang walang pagtatalo na nangyari sa kanila kanina. dala nito ang maleta niya na ikinabuntong hininga lang ni charlotte saka hinarap ang binata.

"sunghoon—"

"i told you, sasama ako sa'yo pabalik sa canada."

hindi agad nakasagot si charlotte at nakipagtitigan lang kay sunghoon pero siya din ang unang umiwas ng tingin saka humakbang palayo sa binata na nakatitig lang sa kanya.

hindi na alam ni charlotte ang gagawin niya kay sunghoon. ilang beses niya na itong kinausap at pinakiusapan pero hindi pa rin ito nakikinig. gusto lang ni charlotte intindihin siya ni sunghoon pero dahil sa selos kay chris, tila hindi na siya iniintindi ni sunghoon.

totoo ang sinasabi niyang kaibigan niya lang si chris kaya wala dapat ikatakot si sunghoon dahil sigurado si charlotte na siya lang ang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda at wala nang iba pa.

babalik siya ngayon sa canada hindi dahil sa chris na 'yon kundi para ipagpatuloy ang pag-aaral niya don dahil isa 'yon sa kagustuhan ng mga magulang niya at hindi siya pwedeng sumuway, for the sake of their relationship.

pero hindi rin niya masisi si sunghoon dahil akala nito may nagbago sa kanya at iniisip nito na dahil 'yon kay chris- which is hindi totoo. pero siguro nga may nagbago dahil alam ni charlotte na nagkukulang na siya ng oras sa kanilang dalawa ni sunghoon.

but what she can do? nothing.

"cupcake.."

hirap na napalunok si charlotte matapos marinig 'yon kay sunghoon. hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang naging emotional. siguro dahil madalas na silang hindi magkaintindihan ni sunghoon at palaging nagtatalo?

dahan-dahan napayuko si charlotte at tahimik na napahikbi. gusto niya pang tumagal dito kasama ang mga kaibigan niya. gusto niya pang maihatid si hera sa libing nito. gusto niya pang makasama si sunghoon habang hawak-hawak ang kamay nito, masayang nag-uusap at nagtatawanan.

pero dahil kailangan na siya ng parents niya sa canada, wala siyang choice kundi ang umuwi agad.

lumakas ang paghikbi ni charlotte nang maramdaman niya na lang ang sarili na nakakulong sa mainit na bisig ni sunghoon. kaagad niya itong niyakap pabalik at sinubsob ang mukha sa dibdib ng binata.

"i-i'm sorry.."

"can't you stay here? please, at least just a week. after that i will let you go home to canada, hindi na 'ko sasama."

"i can't.."

"i will talk to them—"

kaagad humiwalay si charlotte mula kay sunghoon saka nag-angat ng tingin dito, dahan-dahang umiiling. "p-please, don't."

sunghoon didn't answer. he just stared at her, trying to read her mind and there he realized that there's something wrong. naiisip ni sunghoon na may problema na naman si charlotte at ang parents niya base sa inaakto nito ngayon.

hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga saka inilapit ang mukha dito, ngayon ay nagkatingin na sila sa mga mata ng isa't-isa. kailangan malaman ni sunghoon kung anong problema, kailangan niyang tulungan si charlotte.

"tell me.. what's wrong?"

"h-ha?"

"may gusto na naman bang ipagawa sa'yo ang parents mo na labag sa loob mo?"

umiwas ng tingin si charlotte.

i knew it.

"w-wala, we're fine.."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon