Simula

777 35 5
                                    

SIMULA

Simple lang naman ang buhay ko eh. I am a typical young daughter of a Filipino-Chinese family na wala namang ibang ginusto kundi magkaroon ng isang sikat na libro mula sa mga weird kong panaginip, hindi siya clear pero nagagawan ko naman ng paraan. Pero mukhang impossible yata talaga yun gaya ngayon sumasabay sa init araw ang init ng ulo ng editor ko kanina niya pa ako pinagagalitan dito.

"Ano naman ba itong mga sinulat mo Selene?"

Galit na tanong niya matapos basahin ang buong manuscript ko. Tanging pagtungo lamang ang nagawa ko upang makaiwas sa kanya kasi siguradong gigisahin na talaga niya ako kapag naglakas loob pa ako. Kapag kasi galit ang isang ito ay nag tatransform siya sa isang alam nyo yun member ng avenger at itago na lang natin sa pangalang the Hulk.

Oo yung favorite avenger character ng kapatid ko. Kahit bakla itong si Au ay pwedeng pwede siyang maging si the Hulk.

Pero kahit na ganun mahal ko yang vaklang yan siya lang kaya ang nagtitiis na editor sa akin. At kahit na parang lagi siyang sumasabog na bulkan ayos lang sa akin kahit na nakakasakit na siya ng damdamin minsan.

"Bakit ang pangit na namanng kinalabasan ha? Kinausap na kita di ba? I pointed out kung ano ang kailangan mong ayusin kaya bakit ito ganito? Aish paano ka ba magkakaroon ng isang libro kung puro ka ganyan?"

Kita nyo na sunod sunod na ang tanong, galit na galit eh. Yumuko na lamang ako upang magpa-awa at baka mababawasan nito ang init ng ulo niya. Masyado siyang highblood grabe, masakit mang aminin pero oo na tanggap kong pangit ang sinulat ko. "Pasensya na po talaga Miss Au aayusin ko na lang po"

"Hindi ayusin mo muna ang sarili mo saka ka bumalik sa akin para dyan" He sigh at medyo kumalma siya, bumaba na yata ng konti ang blood pressure. "Iha baka kailangan mo na talagang kumunsulta sa psychiatrist ha nakakaapekto sa pagsusulat mo yang mga panaginip mo na yan eh"

Tama sya mukhang kailangan ko nga psychiatrist. "Saka ka na bumalik dito kapag okay ka na at alam mo na kung ano yang mga napapanaginipan mo okay?"

Napakamot na lamang ako sa aking batok nang dahil doon. Baka nga mga isang araw lalapit na nga ako sa isang psychiatrist para dito sa mga panaginip na ito, para kasing totoong totoo at parang napagdaan ko na siya kahit mukhang napaka imposible. Kasi halos kasing edad ko lamang ang babaeng iyon sa panaginip ko.

Ganito kasi yung mga napapanaginipan ko eh. There is this certain noble girl, from the late Chinese era who loves to be in a war battlefield, tapos ewan ko kung ano ang nangyari kasi hindi ko matandaan ang sumunod na mga nangyari pero somehow she died mysteriously when she was pregnant leaving her husband alone in agony tapos basta di ko na maipaliwanag napaka weird.

"Bumalik ka dito in three months okay magpatingin ka sa doctor, para ka kasing babaeng nabuhay sa sinaunang dinastiya ng China eh"

"Three months? Pwede namang three weeks lang eh promise magaling na ako after three weeks"

"Naku wag ako Selene, kailangan mong magpagaling baka kung ano na yang sakit mong yan kaya wag ka na mag reklamo"

He said before leaving me, nakakairita sya pero I'll take his advice na magpunta sa psychiatrist baka nga kung ano na ang sakit ko eh. I left his office at magpasya ng umuwi na lamang ako upang makapag pahinga at ma-relax ang sarili hapon na rin pero ang init init parin ng panahon sa Pilipinas. Bukas I will schedule an appointment with a trusted psychiatrist yung walang masyadong makakaalam na na pupunta ako doon mahirap alam nyo naman ang tao hindi ba napakabilis sumagap ng balita.

At sa bawat version iba iba ang na dagdag. Baka mamaya ma chismis pa ako na may anak na baliw ang papa ko malas yun sa negosyo alam nyo na.

"Hay Lord bakit nyo ba ako binigyan ng ganitong problema? Mabait naman po ako, medyo pilya at makasarili nga lang kung minsan pero why? Why do I feel like I don't own my own body and I feel like I am not really who I think I am?"

His Royal Mistress (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon