CHAPTER 9

43.9K 1.7K 1.7K
                                    

Gail



Panay ang sulyap ko mula sa labas ng bintana para alamin kung paparating na ba si ma'am Maureen. Kaso lumipas na ang tatlongpung minuto ay hindi parin siya dumadating.

Apat na araw ng hindi pumapasok si ma'am sa klase at di ko maiwasang mag-alala. I was starting to think that it has something to do with her breakup with boss Vaughn. Pero sa tingin ko ay hindi 'yon ang dahilan. Nagtanong kasi ako sa student assistant naka-assign sa office niya kahapon kung nasaan siya, at ang sagot ng assistant ay sobrang busy lang daw siya ngayon sa RIBC at baka may posibilidad din na may papalit sa kanya.

I hope it isn't true, nasanay na 'kong si Maureen ang prof namin. Kung kailan pa bumalik 'tong gana ko sa subject niya ay siya naman 'tong hindi sumusulpot.

Tumayo ako at lumabas ng classroom saka tinungo ang balcony. Itinuon ko aking atensyon sa entrance gate at dito hinintay ang pagdating ni Maureen.
But minutes had passed, there's still no signs of Maureen coming. Mukhang hindi na naman siya papasok. I feel sad and heavy hearted. Sana hindi magkakatotoo yung sinabi ng student assistant kahapon na may papalit sa kanya.

I turned around and was about to go back in the classroom when I heard an echoing footstep coming from downstairs. Mabilis ko yung sinilip dahil sa pagaakalang si ma'am, kaso napasimangot ako dahil hindi siya. It was just a random student.

Bumalik ako sa loob ng silid-aralan at padabog na umupo sa armchair. Nagfocus nalang ako sa pagbabasa ng mga coverage para sa final exams.

Moments went by, biglang nagsi-tahimik ang lahat nang may lalaking pumasok. I got confused at the sight of him standing behind the table, sino naman ito?

"Good afternoon everyone." bati ng lalaki sa amin, he looks a bit familiar to me though.

"Good afternoon, sir." sagot naman ng mga kaklase ko. All of them are confused as well.

"My name is Dexter Javier, a columnist and a newscaster in RIBC. I just want to inform all of you all that starting this day, i will be your new professor in Media Ethics and Multimedia Journalism. Miss Maureen Ricci will no longer handle these subjects due to hectic work schedules."

Halo-halo ang naging reaksyon ng lahat. May mga na-disappoint, nag-taka, nag-hinayang, etc. Samantalang ako at si Maggie naman ay parehong nalungkot at nawalan ng gana.

Bakit ngayon pa kung saan malapit na mag-end ang first semester? Tsk! Si ma'am talaga ng ghost, hindi man lang niya kami ininform.

Nagstart ang klase na wala ako sa mood. Tahimik lang ako at pilit na nakikinig sa continuation na discussion. I'm really sad that Maureen is no longer our prof. Ibig sabihin 'non hindi ko na siya palagi makikita.

After the class ended, wala parin ako sa mood. Ganito ang drama ko habang tinatahak ang daan papuntang cafeteria. Daig ko pang broken hearted na babae dahil sa nangyayari.

Malungkot akong umupo sa tabi nila Yen at marahil napansin nila agad 'tong hitsura kong parang pinag-sakluban ng langit at lupa.

"Anyare sayo?" halos sabay na tanong nila sakin.

"Sad girl ang peg ni Gail ngayon kaya hayaan nyo na lang." natatawang sagot ni Maggie.

"Why?" it was Sue who asked.

"Hindi na kasi namin prof si Ate Maui kaya siya nagkaka-ganyan."

Sumilay ang mapanuksong ngiti ni Yen. "Ah kaya naman pala,"

Masama kong tinignan si Maggie. "Hindi ah," deny ko kahit totoo naman.

"Asus tatanggi ka pa dyan. Halata ka masyado, Gail. Ikaw ha, may hidden agenda ka pala sa kapatid ko. Kailan pa nagsimula yan?"

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon