KABANATA CXCVI

5.3K 23 1
                                    

Tapos na tayo!

Umiikot ang ulo ni Zack. Hindi na ito nagtangkang tingnan ang batang babae.

Ten percent? Walang kwenta. Mayayare ang Roger's nito.

Biglang may nagsalita. "Napaka komplikado nito, wala ring mangyayari kung dadalhin siya sa ospital, sa tingin ko ay wala pang ten percent ang tiyansa."

Napangiwi si Shelly. Sino ba ang may lakas ng loob na magsalita ng ganoon? Soya lang ang nag iisang doctor dito kaya dapat siyang pakinggan. Mas mabuti nang dalhin sa ospital ang matanda kaysa mamatay dito.

Lumingon siya upang makita kung sino ang nagsalita.

Darryl?

Bigla itong nahiya. Hindi siya nakapag make-up ngayong araw. Mula noong huli nilang pagkikita ay pinagkakatiwalaan niya ito dahil napakalma siya ni Darryl. Siguradong may magandang rason ang lalaki kaya't ayaw nitong ipadala sa ospital ang matanda.

Napatingin ang lahat sa gulat. Sino tong tao na ito? Sikat na siya sa medical world? Sinabi niya rin na hindi mabisa at delikado ang pill at totoo nga!

"Sino ka?" Tanong ng batang babae. Nakatitig ang babae kay Darryl. "Dahil ayaw mong ipadala ang lolo ko sa ospital, mayroon ka bang mas magandang solusyon?"

Natatawang nilapitan ni Darryl ang matanda. Nag obserba ito at sinabing. "Tama si Doctor Shelly, may blockage sa utak ngunit medyo espesyal ag kondisyon ng lolo mo."

"Useless ang surgery dahil ang inepektibong Godly Pill ay may lason parin. Ang lason ay nakakaepekto sa daloy ng dugo, isa pa hindi rin ito kayang madetect ng hospital equipment."

"Hindi pa nagtatagal ang pill sa katawan ng lolo mo at hindi pa tuluyang kumalat sa organs. Maglagay kayo ng pressure sa Spirit acupoint at Transporter acupoint upang mapigilan ang pagdaloy ng lason. At gamitin ninyo ang Cultivator's internal energy upang mailabas ang lason sa loob ng katawan." Detalyadong pahayag ni Darryl.

Nagbulungan ang mga tao. Alam ba talaga ng pabigat na manugang na ito ang pinagsasasabi Niya? Napredict naman niya na hindi epektibo ang pill ngunit kung siya ay totoong magaling, bakit siya ay isang pabigat na manugang?

Nilapitan ni Tristan si Darryl at sinabing. "Sayo mismo nanggaling na walang magagawa ang high-tech medical equipment at ikaw lang ang makakapagsalba sa kanila? Nako, kung ganoon ay isa ka palang nagmimilagrong manggagamot. Dapat nang magsara ang mga ospital at lumapit nalang sayo upang magpagamot."

Hindi nagreact ang batang babae sa payo ni Darryl kahit na naintindihan nito ang mga sinabi ni Darryl, hindi pa rin niya kayang mag take risk. Nag aalala siyang tumingin kay Darryl at sinabing. "Mag memessed up ang daloy ng dugo at enerhiya kapag sabay kong nilagyan ng pressure ang Spirit acupoint at Transporter acupoint."

Mahinang napatawa si Darryl. "Alam ko, kaya kailangan mo ang akong pagkatiwalaan." Alam ni Darryl ang kaniyang mga sinasabi dahil hindi lamang nakalagay ang steps sa infinite Elixir manual kung paano magproduce ng iba't ibang Elixirs, nakalagay rin dito ang mga antidotes para sa mga naingest na maling Elixirs.

May mga hindi talagang magandang nangyayari kapag nainom ang inepektibong Godly Pill. Nakasulat sa manual kung paano magamot ang isang tao kung sakaling ito ay mangyari. Hindi naman lalapitan ni Darryl ang batang babae kung hindi niya alam ang gagawin dahil buhay Ang nakataya rito.

Nagbuntong hininga ang batang babae at sinabing. "Aalisin ko lang muna ang mga kalat sa lamesa-kapag may masamang mangyari sa lolo ko, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo at ng buong pamilya mo na nabuhay pa kayo."

"... Bakit mahilig magbigay ng threats ang magandang babae na ito? Hindi siya puwedeng maging mahinahon?"

"Nasasayo yan, kung gusto mo dalhin mo nalang ang lolo mo sa ospital." Natatawang sabi ni Darryl.

"Bloody hell, ginagawan kita ng pabor at tinutulungan ang Lolo mo, pero binibigyan mo ako ng threats" sa isip nito.

"Ikaw....." Galit na sabi ng batang e.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now