CHAPTER 3

17.5K 831 339
                                    

Puppy

MAMAYANG hapon na ang alis ng dalawang señorito papuntang Maynila, tapos bukas daw ay maaga pa ang tulak nila pabalik ng Amerika. Hindi pa raw nila alam kung kailan sila babalik dito. Kaya heto ako ngayon, nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim. Lagi na lang akong nadarapa. Ngunit heto, bumabangon pa rin.

Heto ako! Bigong-bigo na naman! Walang masasabihan, walang malalapitan. Sana may luha pa akong mailuluha, at nang mabawasan ang aking kalungkutan. Heto ako—

"Aray!"

Napangiwi ako nang biglang may bumatok sa akin. Paglingon ko sa likod ay si Nanay pala. Naibaba ko ang skimmer net na hawak ko. Ginamit ko kasi itong microphone habang kumakanta sa tapat ng pool.

"Kaya naman pala ang tagal mong matapos ang ginagawa mo dahil nagko-concert ka pa. Kanina pa kita tinatawag sa loob."

"Masakit 'yon, Nay, ah!" Napanguso ako.

"Kasi kanina pa ako nagsasalita rito hindi mo ako naririnig. Ang sabi ko, pagkatapos mong linisin ang mga dahon sa pool, binyagan mo ang mga bulaklak sa hardin para matuwa naman sa 'yo ang Tiyang Sol mo."

"Opo, Nay. Pero hindi pa ba natutuwa sa akin si Tiyang? Ang sipag-sipag ko kaya, puwede ko na nga siyang palitan sa trabaho niya."

"Magtigil ka, Divina. Puro ka kalokohan. Bilisan mo na diyan nang makakain na tayo ng agahan," sabi ni Nanay sabay talikod sa akin.

"Opo!"

Napasimangot ako. Si Nanay talaga panira ng moment. Gusto ko lang namang ipagluksa ang puso kong bigo. Paano kasi hindi ko na makikita si Señorito Gaston kapag umalis na sila mamaya. Tiyak excited na 'yon bumalik sa Amerika kasi magkikita na ulit sila ng girlfriend niya. Tapos kapag nagkita na sila siyempre magyayakapan sila tapos magki-kiss sila, tapos torrid pa.

"Aaah! Sana all!"

Pabagsak kong ibinalik ang panlinis sa lalagyan saka nagtungo sa garden. May gazebo sa gitna no'n pero laging mga guwardiya lang ang nakikita kong tumatambay roon palagi.

Hinila ko ang hose saka nagsimulang binyagan ang mga halaman. Buti pa sila sagana ang buhay. Regular pa ang dilig. Kaya siguro ang gaganda ng bulaklak ng American rose. Pati na rin ng mga orchids na iba-iba ang kulay.

Dahil sa lawak ng hardin ay natagalan akong makatapos. Hindi naman halatang hindi mahilig sa bulaklak ang may-ari ng mansyon na ito. Siguro mahilig sa halaman ang Mommy nina Señorito.

Dahil walang tao sa gazebo ay pumitas ako ng isang daisy saka pumunta roon. Nag-cross sitting position ako saka sumandal sa haligi. Hindi naman siguro magagalit si Tiyang Sol, isa lang naman ang kinuha ko.

"Daisy, may gusto kaya sa akin si Señorito Gaston kahit kahit konti?" tanong ko sa bulalak.

Bumuntonghininga ako. Malalaman natin. Tinanggal ko ang isang petal nito. "He loves me." Tinanggal ko ulit ang isa pa. "He loves me not."

Ipinagpatuloy ko ang pagtatanggal sa petals. Pero habang papalapit na silang maubos ay bigla akong kinakabahan kaya napatigil ako saglit.

Bakit ba ako umaasa? Eh, ang sabi ni Timothy wala raw akong panama sa girlfriend ng kuya niya.

"Wala namang masama kung susubukan ko, 'di ba?" kausap ko sa natitirang petals. Kahit natatakot ako sa magiging kalalabasan ay itinuloy ko pa rin. Sabi kasi sa napapanood ko sa TV legit daw itong paraan para malaman mo kung mahal ka ng taong mahal mo.

"He loves me."

"He loves me not."

"He loves me."

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon