2: West Star High School

28K 1.1K 439
                                    

| West Star High School |

LUNA'S P. O. V

Katatapos ko lang paliguan at pakainin ng almusal si Cedric dahil ihahatid ko na siya kay Ate Jo para makapasok na ako.

"Ate, I'll be a good boy," nakangiting sabi niya sa akin.

"I know, baby."

Kumatok ako sa pinto at ilang minuto lang ay pinagbuksan na ako ni Ate Jo. Nagtatali siya ng buhok niya. "Sorry kung natagalan, Luna. Pinakakain ko pa kasi Violet, e."

"Ayos lang po, Ate. Iiwan ko muna po si Ced sa inyo," sabi ko saka ako yumuko para magtapat ang mukha namin ni Ced. "Papasok muna si Ate, ha?" Hinalikan ko siya sa noo at ako naman sa pisngi. "Sige, ate. Goodluck!"

Humarap na siya sa pinto at nakita agad si Violet na may kutsara sa bibig.

"Vio!" sigaw ni Ced na halatang may crush este sabik lang.

"Ikaw na naman?" masungit na tanong ni Violet. May pagkamaldita rin kasi ito kaya nahihirapan sa kaniya makipagkaibigan si Ced. Kahit sinusungitan siya nito, hindi naaalis sa labi ni Ced ang ngiti.

Mabuti na lang talaga at hindi siya kagaya ko na pinaglihi sa sama ng loob.

"Vio!" sigaw ni Ate Jo kaya natatawang tinapik ko siya. "Ayos lang ate. Ganiyan talaga. Actually, ganiyan din ako dati."

"Hindi ba hanggang ngayon?" natatawang tanog niya saka tinapik ang balikat ko. "Pasok kana at baka malate ka pa. Unang araw mo pa naman doon. Ako na ang bahala kay Ced."

Ngumiti ako. "Thank you, Ate."

Sinilip ko muna si Ced na kumakaway pa sa akin saka ako umalis at naglakad.

Habang naglalakad, iniisip ko kung anong itsura ng Dark section. Madilim kaya 'yung room?

Ilang minuto lang ay makarating na ako sa school. May napakalaki itong gate at sa loob pagpasok ko ay may sumalubong sa akin na fountain sa gitna. Napanganga na lang ako sa laki saka inilibot ang tingin sa kabuuan ng paaralan. Biege color ang walls ng paaralan kaya napaka-elegante kung titingnan.

Halatang 'di ko afford ang tuition kung 'di ako scholar.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nakiramdam sa paligid. Malakas ang feeling ko na kanina pa may nakatingin sa akin.

"Hey, are you new here?"

See?

Nagmulat ako ng mga mata ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at isa itong lalaki na mukhang tanga pero gwapo.

"Yes. Why are you following me, huh? Are you hitting on me? Sorry but I don't have intere-"

Napanguso siya. "Assuming nito."

Aba't gago 'to ha!

Inayos niya ang kwelyo ng uniporme niya habang ang mga mata ay nakatingin sa malayo. "Sinusundan kita kasi delikado ka. Mukhang transferee ka and I bet you belong to Dark section, under Deth."

Tumaas ang isang kilay ko. "Death? As in kamatayan?"

Nilingon niya ako at mahinang natawa. "No, he's Dark Helios Gutierrez, the Supreme Student Government President. D-E-T-H ang spelling at tawag lang sa kaniya 'yun ng mga estudyante rito."

"Weird."

Mahina siyang natawa sa sinabi ko kaya kumunot ang noo ko. "Why are you laughing?"

"Ikaw lang kasi nagsabi na weird ang pangalan niya. Some students here found his name intimidating."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon