5: Recklessness

22.8K 1K 367
                                    

| Recklessness |

LUNA'S P. O. V

NANG makarating ako sa klase, rinig ko ang bulungan sa hallway na may pinagbibintangan daw na nagnakaw at ang itinuturong magnanakaw? Si Leo Zennor Trinidad na kaklase ko.

Nang makarating ako sa likod ng school, kumpul-kumpulan ang ilan at narinig ko pa ang bulungan nina Stella at Eunice.

"He's stupid so he deserves it," nang-iinsultong sabi ni Stella na ikinailing pa niya. "That pest."

Sino'ng pest?

"Why magnanakaw pa kasi? Is he poor?" maarteng tanong ni Eunice.

Akala ko ba "there's something good in them" sabi ni Chaos? Eh bakit grabe kung maka-judge itong dalawa?

Wala na ngang dulot, lakas pa kung makapagsalita. Kaya maraming hindi naunlad, e.

Matalim na tinitigan sila ni Leo dahilan para mapaalis ang dalawang gaga. Nagtama ang mga mata namin pero agad din naman siyang nag-iwas ng tingin.

Tse!

"Luna, mukhang wala kang tulog, ha?" Bungad sa akin ni Chaos.

At itong lintik na gunggong na'to parang walang kaproble-problema samantalang ang kaklase namin ay napagbibintangan na at laman na ng usapan sa buong school. Kahit hindi nalang siya umaktong bilang president, kahit kaklase na lang.

Sa inis ko, malakas ko siyang binatukan.

"What's that for, Luna?" tanong niya na kumakamot na sa ulo at nagtataka ang mukha.

"May problema 'yung kaklase natin tapos ngingiti-ngiti ka riyan," naiirita kong sabi saka hinagis ang bag ko sa upuan.

Pabagsak siyang naupo sa upuan niya at umiling. "Gumawa siya ng kagaguhan, e. Kaya ayan ang napala niya."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Kahapon, bago umuwi na aabangan niya sa labas ng school 'yung babaeng gusto niya sa Section A. Binalaan ko na siya dahil malaki ang galit sa amin ng mga 'yon. Well, maliban na lang pala sa aming apat ni Deth. Hindi siya nakinig at itinuloy 'yon. Tapos kanina pagpasok ni Deth, winagwag niya ang gamit ni Leo para siguro tapusin ang bulung-bulungan kaya lang nakita namin sa bag ni Leo 'yong wallet tapos nang dalhin ito ni Deth kay Grace, nakumpirma ito na kaniya nga pero sa wala ng lamang pera."

Mahina akong natawa. "Ang bulok naman ng plano niya."

"H-huh?"

Naupo ako sa upuan ko at hinila ang monoblock saka itinapat sa akin at ipinatong ang mga paa ko. "Napanood ko na 'yan sa drama. Wala bang something unique? Section A ba talaga ang nagplano niyan? Matalino na siya sa lagay na 'yan, ha?"

"What do you mean?"

Hindi na ako sumagot pa.

Tutal nasa worst section naman na ako, paninindigan ko nalang 'to.

Nakapagklase kami ng dalawang subject at pinagsulat pa kami ng lahat ng lesson. Yeah, sulat lang at lahat ay nagsulat. Bakit? Dahil andiyan si Deth.

Ang hindi magsulat, hahatulan ng kamatayan. Parang ganun ang lumalabas.

The rest remaining hours ay vacant na. Vacant dahil ang mga susunod na teacher ay hindi na pumapasok sa section namin. Mabuti na lang at umalis sina Deth at Chaos kaya makakalaya ako ngayon.

Lumabas ako at nagtungo sa second floor kung nasaan ang room ng Section A para hanapin 'yong babae na nagngangalang Grace Vera. Mabuti na lang at narinig ko ang usapan nina ni Deth at Chaos kanina at gusto nilang bayaran na lang ang nawalang pera mamayang uwian. Duh! Parang inamin na rin nilang nagnakaw si Leo. Mga utak gunggong talaga!

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon