6: Punishment

22.1K 991 252
                                    

| Punishment |

LUNA'S P. O. V

Kapapasok ko lang at wala akong nadatnan na chismisan tungkol sa nangyaring pagbibintang ni Grace kay Leo dahilan para magtaka ako. So, hindi pa rin nagkakaroon ng meeting ang council tungkol dito? Kasi kung meron, paniguradong gumagawa na ito ng ingay ngayon.

Umikot na ako sa likod ng building at walang pinagbago sa gulo at ang malala may naririnig pa akong hiyawan at sigawan sa loob ng room.

"Kay Rance ako!"

"100 kay Gav!"

"200 for Gav!"

"Rance! 150!"

"250 kay Rance!"

"Akin na mga taya niyo!"

Kani-kaniyang cheer at pustahan ang naririnig ko. Maraming nakaharang sa pinto kaya hindi ako makapasok. Nilapitan ko si Chaos na nakahamba lang sa pintuan at parang walang pake sa nangyayari sa loob dahil nakatingin lang siya sa mga ito. Hinila ko ang dulong parte ng uniform niya dahilan para mapalingon siya sa akin.

"Ganap?" tanong ko.

"Rumble 'yan. Matitiis mo ba na maghintay?"

Hindi! Gusto ko ng pumasok at maupo!

"Excuse me!" sigaw ko habang isa-isang hinihila ang mga lalaking nakaharang na galit na galit ang mga matang nakatingin sa akin hanggang makarating ako sa gitna kung saan may dalawang lalaki na magkapatong. Ang lalaki ay nakaamba ng suntok sa lalaking nakahiga. Parehas silang natigilan sa pagpasok ko. Hindi ko sila kaklase o baka kaklase ko sila pero sa kabilang room sila.

"Who the hell are you?!" tanong ng lalaki na hindi naman nakasuot ng uniform.

"None of your business." Pagtataray ko. Akmang lalagpasan ko na sana sila nang biglang umubo ng dugo ang lalaking nakahiga.

"Rance!" sigaw ng ilan. Tumayo ang lalaki na nakapangibabaw do;n sa tinawag nilang Rance at parang walang nangyari na umalis na lang! What the fuck is that?!

Nanlaki ang mga mata ko sa dugong lumalabas sa bibig ng lalaki kaya dali-dali kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at lumuhod sa harap niya. Hinawakan ko ang ulo niya at ipinatong sa hita ko. Nag-aalalang pinunasan ko ang bibig niya gamit ng panyo ko.

"Tumawag kayo ng nurse!" Sigaw ko. Naramdaman kong walang kumikilos sa paligid ko kaya nag-angat ako ng tingin.

Tangina! Walang kumilos sa mga gago at nakatingin lang sa akin!

"Mga gunggong magsipag kilos kayo o baka gusto niyong hindi lang tambakan ng basura itong room kung hindi tambakan ng nanlalamig na bangkay!" sigaw ko na ikinabalik nila sa kasalukuyan at isa-isang umalis sa harap ko. Ang iba ay inayos ang upuan at nagsiupo.

Mga gagong gunggong talaga!

Ang iba ay lumabas ng room at doon ipinagpatuloy ang ginagawa nila at may iilang lumabas at lumiko na palagay ko magtatawag naman na ng tutulong sa gunggong na nakipagsuntukan pero plakda naman pala.

"Ikaw naman Chaos! Galaw-galaw baka mastroke!" sigaw ko sa kaniya na nakahamba pa rin sa pintuan. Iiling-iling siyang lumapit sa akin. "Bakit ka ba kasi nakisali ha?"

Anong klaseng president 'to?! Ang sarap sungalngalin!

"Ano naman?! Nakikita mo 'yung dugo, hindi-Fuck!" sigaw ko nang umubo na naman ito ulit.

"Papunta na ang nurse!" sigaw ng lalaki saka pumasok at hinila ang upuan at naupo.

"H-hey," Pagkuha sa atensyon ko ng lalaking nakapatong ang ulo sa hita ko. "Ganda mo."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon