Chapter 17

1.4K 65 51
                                    

Chapter 17

"Ano 'yang dino-drawing mo?" tanong ko kay Eden habang nakaupo kami sa gitna ng court.

Katatapos lang ng tryout namin sa basketball tulad nang napag-usapan. Suot niya ang jersey ng kapatid habang naka-white shirt naman ako at shorts na malapit na sa taas ng tuhod ang haba.

Iaanunsiyo na ngayon ang mga nakapasok sa team. Medyo natuyo na ang pawis naming dalawa at pagkatapos lang nito ay magpapalit na rin kami agad.

"A spade N," aniya at ipinakita sa akin ang maliit na drawing gamit ang ballpen sa ibaba ng kanyang hinlalaki.

Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan iyon. Sa gitna ng malaking titik A at N ay ang spade o suit symbol. Ngumiti ako nang maalala na ang gusto niyang tawag sa magiging tandem namin ay Aspaden. At ngayon, gumawa pa talaga siya ng sign naming dalawa.

"Tattoo-an din kita nito, dali!" excited niyang sinabi.

"Do you know that only an ace can hold both the highest and lowest value in playing cards?" sabi ko habang sinusulatan niya ang aking kamay.

"Oo. Sugarol kaya ako." She giggled. 

I smirked. "Ace of spades is also considered the most valued playing card. We will be each other's ace, Eden. Ito ang simbolo natin..."

I don't like counting my chickens before they hatch but I was expecting a higher possibility of joining the girls' basketball team. Siyempre, nag-practice naman kami ni Eden paminsan-minsan kapag may libreng oras at tapos na ang mga gawain sa school. Minsan ay kasama rin namin sina Easton, Wayden, at Ryan para makagamit kami roon sa gymnasium.

Eden and I made it to the team that day.

The following week, Wayden colored his hair rainbow while Ryan shaved his. Meanwhile, Easton got silver ear piercings, and Eden cut her hair above her shoulders. 

Inaasar tuloy na pony si Wayden at itlog si Ryan. Feel na feel naman ni Easton maging rakista kuno dahil sa hikaw na suot. Pero ayun at bagsak din sina Wayden at Easton sa ODA dahil bawal ang may kulay ang buhok at hikaw sa mga lalaki kahit pa private school ito.

"Buti na lang nagpaka-itlog lang ako," ani Ryan pagkalabas ng dalawa, umiiling pa na kunwa'y nadismaya.

"Ayos 'yan, Ry. Ang importante, tatlo na itlog mo."

Tawa nang tawa ang mga kaklase namin at pilit na hinahawakan ang ulo niya. Oval pa naman ang hugis ng mukha niya. Ginagawa pang crystal ball kung makahimas ang iba.

Nilingon ko si Eden sa tabi ko na abala sa kanyang phone. Kanina pa siya diyan, ah? Naaadik na yata sa paggamit nito. Kagat pa niya ang kuko at nakakunot ang noong nakaharap sa screen.

"Hoy!" panggugulat ko.

Napaigtad siya at napahawak pa sa dibdib dahil sa gulat. Humagikgik ako kaya naman agad niyang kinurot ang braso ko.

"Parang tanga naman 'to! Kita mong may ginagawa 'yong tao, nanggugulat pa, e."

"Ano ba kasi 'yan? Adik ka na sa phone, e! Wala ka nang panahon sa akin. Ayoko na sa 'yo."

She made a face and rolled her eyes but she put her phone down on my desk. Ngumisi ako at sinilip naman ang phone niya.

"Meron ka na bang account dito sa Heart? Pinag-aaralan ko nga, e. Dami kasing tabs at tools."

Kumunot ang noo ko. Heart? Iyon ba 'yong STH application na sinasabi ng batang Rain na nakausap ko noon? 

"Kailan ka pa nagkaroon nito?"

Tiningnan niya ako. "Noong nakaraang buwan pa yata? May s-in-end sa akin na link si Axe para diyan, e. Pero kahapon lang ako nakagawa. Gawa ka nga rin tapos ikaw na maunang mag-aral kung paano gamitin. Send ko sa 'yo ang link."

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon