Episode 10 : The wanderer took a week off

72 6 0
                                    

Episode 10 : The wanderer took a week off

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 10 : The wanderer took a week off

Astra









A week has already passed.

Sa buong linggo na 'yon, walang bukambibig si Elle kung hindi itanong sa akin kung kailan babalik si Linn at David. Pero tingin ko napagod na lang din siya kakatanong kaya hindi na niya ako tinatanong ngayon, thankfully.

I went on my life, everything went back to normal. As if nothing out of this world happened last week.

For 7 days, kung saan-saan kami napadpad ni Elle. Elle loves traveling at dahil magkaibigan kami, kasama niya ako sa lahat ng lakad niya na apara bang siya ang inang bibe at ako ang baby duck na kailangang nakasunod sa kaniya kahit saan man siya magpunta. That's partly true dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya nagpapahatak na lang ako sa kaniya kahit saan man niya gustong pumunta.

We went to Tagaytay just to buy a coffee, which in fact made Elle surprised. Alam kasi niya na hindi naman ako umiinom ng kape, pero no'ng nando'n na kami sa isang cafe shop, bigla na lang akong um-order ng kape.

"Cafe shop, malamang oorder ako ng kape," sabi ko sa kaniya noon kaya napa-iling na lang siya.

We stayed for one day and two nights in Tagaytay, before traveling to Laguna. Matagal na naming balak mag-spend ng time with each other sa Enchanted Kingdom. And since it's semestral break for almost one month, there's no reason para hindi namin matupad ang plano na 'yon.

The best ride for me was the carousel---no kidding. All those rides made me vomit kaya hindi rin halos na-enjoy ni Elle lahat ng rides na gusto niyang sakyan. Ayaw niyang sumakay mag-isa sa rides dahil nakokonsensya siya na siya lang ang sumisigaw habang ako nasa baba at pinapanood ang paghiyaw niya.

If there's one thing I enjoyed the most, that's Rialto. Dahil galit na galit si Elle nang mabasa kami ng effects.

Hindi naman rides kung tutuusin ang rialto dahil para siyang theater, pero mas nahilo pa raw si Elle do'n dahil gumagalaw ang upuan, at may suot kaming special glasses para makita ang simulation sa loob.

In the end, inis na inis siyang lumabas sa rialto dahil basa na raw ang damit niya.

Right after we spend time sa EK, tinawagan ako ni tita Tessa. Ang sabi niya, ma-cecelebrate raw ng anniversary si Elmond at ang girlfriend nito sa bahay.

Gustong sabihin ni Elle na huwag na kami umuwi at hayaan na lang sila Elmond na mag-celebrate tutal malaki naman na raw sila at kasama naman si tita Tessa. Gusto ni Elle na dumiretso kami sa beach resort dahil nakaplano talaga na pagkatapos namin sa Enchanted Kingdom, didiretso naman kami sa Puerto Galera.

But plans aren't for me.

Gusto kong iparamdam kay Elmond na sa mga mahahalagang okasyon para sa kaniya, nando'n ako para maki-celebrate. Besides, we only have each other's back since we were kids.

Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon