10: Plan

20.3K 893 202
                                    

|Plan |

LUNA'S P. O. V

Kausap ko si Raiven sa phone ko dahil nakausap niya na raw si Tito sa pagtatrabaho ko sa isa sa mga restaurant nila at natuwa naman daw ito. I'm still minor pero magagawan daw naman ni Tito ng paraan dahil sa pangangailangan ko ng pera. Mahihirapan kasi talaga akong maghanap ng trabaho lalo na't fifteen years old pa lang ako tapos wala pang karanasan sa kahit anong trabaho.

[Tomorrow, Luna. I'll help you out sa first day mo dahil alam kong mangangapa ka pa. Nakausap mo na ba ang adviser mo tungkol dito?]

"Hindi pa. Mamaya pa lang."

Ayon sa form na nabasa ko bago pumasok dito, pinapayagan kaming mag half-day ng pasok para sa trabaho kung meron man basta iimporma lang ang guro at ipaparating naman ito sa principal.

[Okay, sige. Papayagan ka naman niyan. Sige na, baka may klase pa kayo.]

"Thank you ulit, Raiven."

[You're always welcome, Luna. Ako na muna ang bahala kay Ced,] sabi niya kaya napangiti ako. Nasa bahay kasi siya at kasama si Ced.

"Thank you ulit."

Pinatay ko na ang tawag saka pumasok sa loob at mukhang may kailangan ang kambing at masama ang tingin sa akin. "May kailangan ka?"

"Ano'ng nangyari sa pisngi mo?" seryosong tanong niya kaya inirapan ko lang siya at naupo.

"Ano'ng nangyari sa pisngi mo?" ulit niyang tanong kaya marahas akong napabuntong-hininga at nilingon siya. "Nasuntok. Ayos na ba 'yun? Oo o hindi lang. Huwag ka ng magtanong kung bakit dahil baka gawan ko rin ng pasa ang mukha mo."

Itinagilid niya ang ulo niya. "Bakit ka nagpasuntok?"

Aba! Tinuloy pa talaga at ang tanong niya- parang nang-iinsulto! Dapat 'Bakit ka nakipag-away?' 'yun e.

"Dehado ako, e," wala sa sarili kong sabi. Tumayo siya. Weirdo!

Hindi raw makakapasok si Chaos. Inimporma niya ako kanina nang bigla na lang itong tumawag sa phone ko. At kung paano niya nakuha ang phone number ko? Hindi ko alam.

"Luna!" sigaw ni Tev mula sa likod na mukhang kararating lang. Nilingon ko naman siya. Naupo siya sa upuan na nasa likod ko. Mukhang pinaninindigan niya na talaga na rito siya nakaupo. Sa bagay, bakante naman 'to.

Mahina akong natawa. "Tindi ah! Pagtapos ng recess pumasok."

"Bakit? May pumasok bang teacher?" pabiro niyang tanong. Tumayo siya at naupo sa bintana na nasa gilid ko lang.

Oo nga naman. Wala rin namang teacher na pumasok kaya hindi nakakapanghinayang pumasok ng late.

"What the-" sigaw niya saka napatalon at mabilis na lumapit sa akin. Akma niyang hahawakan ang mukha ko pero tumayo ako. "Ano'ng gagawin mo?!"

"Bakit may pasa 'yung pisngi mo?" Nag-aalalang tanong niya.

Dahil sa'yo? "Nasubsob ako sa mesa kagabi."

"Ay tanga!" Humagalpak siya ng tawa pero pinigilan ko ang sarili ko na batukan siya dahil katangahan naman talaga ang sinabi ko. Buti na lang at naniwala siya.

Tumayo ako at tinalikuran siya saka naglakad papalabas.

Hinabol ako ni Tev at hinarangan ang daanan ko. "Where are you going?"

"Office," sabi ko saka siya nilagpasan.

Pagdating ko sa office, agad kong hinanap si Miss Jean, ang adviser namin hanggang sa nakita ko ito na busy sa pagtipa sa keyboard. Nilabas ko ang panyo ko saka itinakip sa bandang may pasa ako. Mahirap na at baka makita.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon