Chapter 21

129K 3K 1.4K
                                    

Her over everything

Sinalubong kami ng usok at maingay na sigawan pagpasok pa lang namin ni Blare sa loob ng bar ni France sa BGC.

Ramdam na ramdam ko kung paano pumulupot ang braso ni Blare sa beywang ko nang madaanam namin ang grupo ng kalalakihan na ngayon ay sinusundan kami ng tingin.

"Vanny! Here!" Donna waved her hand to cath my attention.

Agad naman kaming umakyat ni Blare sa second floor kung nasaan ang VIP lounge.

Mabilis akong nilapitan ni Donna at pinaningkitan ng mga mata. "Bakit ang tagal niyo? Kanina pa namin kayo hinihintay, the other guys are wasted already."

Nag-iwas ako ng tingin kay Donna nang maalala ang dahilan kung bakit kami late, pasimple kong sinulyapan si Blare at ganoon na lamang ang pamumula ng mukha ko nang maabutan na nakatitig siya sa akin at nakangisi.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot kay Donna. Alangan namang sabihin kong, 'Blare claimed my lips endlessly that's why we're late.'

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang pamamaga ng labi ko dahil hindi niya 'to tinigilan, para siyang hayok na hayok na mahalikan ako at sinulit niya 'yon kanina.

"Puntahan ko lang si Blade kasi hinahanap na naman ako, konting layo lang tawag na agad nang tawag! Asar!" Donna ranted as she stomped her feet and left.

Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa dahil ang init na ng mukha ko habang inaalala kung paano laruin ng dila ni Blare ang loob ng bibig ko. Oh my! Why am I thinking this way?

"Here they are! Van!" nagulat pa ako nang biglang sumulpot sa harapan namin si Russ at Bricks na halatang mga lasing na.

"Stay away from Van, amoy alak na kayo," suway sa kanila ni Blare nang mas lumapit sila sa 'kin.

"Vanny, graduate ka na! Matagal na 'yang hinihintay ni Blare," sinisinok na saad ni Russ at pilyo pang ngumingisi habang sinusulyapan si Blare.

"Shut up," Blare scoffed, pilit niya akong hinihila palayo sa dalawang lasing.

Bricks giggled. "Totoo naman ah! Ayaw mong jowain kasi gusto mo agad asaw--"

"Gago! Ibubuking niyo pa," Joji cut him off.

Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, are they still talking about me?

"These assholes," halata ang inis sa boses ni Blare habang nakatingin sa tatlo. "Shut the fck up and leave us alone."

Binato niya ang mga ito ng nagbabantang tingin dahilan para  tumalikod na sila sa 'min. Hinila ni Joji ang dalawang lasing para maglakad paalis pero bago pa man sila makalayo ay bigla na lang nagtatakbo si Bricks papunta sa akin at bumulong.

"He's going to propose!" at nagtatakbo na palayo. Sunod-sunod na mura naman ni Blare ang narinig ko nang mawala na sa harapan namin ang tatlo.

Napailing na lang ako at hindi sila pinansin, sanay na ako na kung ano-ano ang sinasabi ng mga 'yon kapag nalalasing kaya imbes na isipin pa ang binulong ni Bricks ay minabuti ko na lang na magtungo papunta kay Donna.

Nakasunod lang sa 'kin si Blare na parang bodyguard kung umasta, paano ba naman kasi ay sunod nang sunod sa 'kin.

Naupo kami sa malaking bilog na lamesa, ang mag-nobyong si Blade at Donna, Kirby at Evren lang ang kaharap namin na sa palagay ko ay may tama na rin ng alak.

"The future Doctor is here!" Joji screamed on the microphone. Ang loko ay sumigaw sa mic kaya naman halos mabingi ako nang mag-echo 'yon sa mga speakers.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon