Chapter 18

1.2K 81 53
                                    

Chapter 18

"Hi, Sister Asia! Crush ka nga pala nitong kaibigan ko. Puwede raw bang makipag... ka-ibigan?"

Nagkantiyawan ang grupo ng mga lalaking estudyante sa isang mesa rito sa cafeteria. Parang nagsisisi tuloy akong lumabas pa para bumili ng pagkain. Wala pa naman si Eden dahil may meeting ang mga class president ngayon.

"Miss Asia, puwede bang makuha ang phone number mo? Papasahan lang kita ng load."

"Sister Asia, mangungumpisal na talaga ako para sa 'yo. Puwede bang samahan mo ako?"

Umirap ako at tumigil sa tapat ng nagsalita. "Mangumpisal ka para sa mga kasalanan mo. Idadamay mo pa yata ako sa kasalanan mo, e. Mag-isa ka, uy."

Nagtawanan sila habang ako naman ay nilagpasan na sila. I still have no idea who spread that nickname inside the school but I do know how these students from different year levels and sections got my name.

It happened nearly a month ago yet these people still couldn't leave me alone. Some boys were even delivering foods and stuffs in our room for me. Karamihan pa naman sa kanila ay mga Grade 10. Seryoso ba sila sa pagpapahiya sa akin sa ganoong bagay?

Pati sa practice namin sa gym, may pumupunta pa talaga para mag-cheer. Ayos lang naman 'yong nagpapakita ng suporta sa pamamagitan ng pag-cheer, pero nahihiya talaga ako lalo na't gumawa pa sila ng chant para sa akin lang. Sana gumawa na lang sila ng para sa buong team para naman ma-appreciate ng lahat. Matutuwa pa ako.

"Lakas ng tama sa 'yo ng mga higher year, Asia!" sabi ni Ate Elay isang beses nang matapos ang practice namin.

Tumawa naman si Eden habang ako ay nagpupunas lang ng mukha. 

"Pang-higher year pala talaga ang alindog nitong kaibigan ko! Baka mamaya kalimutan mo na si Mr. Dimples niyan, ah?"

Sinamaan ko ng tingin si Eden.

"May mga nanghihingi na nga sa amin ng number mo," sabi naman ni Ate Chelsea. "But of course, we won't give it away just like that! Wala nga kaming number mo, ibigay pa kaya sa kanila?"

Nagtawanan sila at tinukso pa ako tungkol sa mga pumuporma raw sa akin. It was disturbing for me because I never wanted to gain much attention from many people, specifically from boys I don't even know.

Nakakatakot ang mga ipinakikita nilang kilos sa harap ko. Paano pa kaya kung may kababalaghan na pala silang ipinakakalat tungkol sa akin? Ayoko ng ganoon. Paano kapag nalaman pa ni Papa na may ganitong nangyayari sa akin sa loob ng school? Anong iisipin niya?

Habang naglalakad kami ni Eden palabas ng gym kasama ang ibang kasama sa varsity ay natigilan ako. Nagtatawanan sila kaya medyo matagal nang napansin ni Eden na wala na ako sa kanyang tabi.

"Asia?" tawag niya habang nakalingon sa akin at nakatigil.

Napakamot ako sa ulo. "May report pala ako sa Monday sa Science. Manghihiram ako ng libro sa library."

Tumigil na rin ang ibang kasamahan namin at lumingon sa akin.

"Library? Pasara na 'yon ng ganitong oras, ah," ani Diesa at tumingin sa relos.

"You can search on the internet, Asia," sabi ng isa pa.

Eden chuckled. "Mas gusto ni Asia sa libro naghahanap ng source. Madalang lang naghahanap 'yan sa internet."

"Mauna na lang kayo. Bibilisan ko na lang din..." sabi ko.

Ngumuso si Eden. "Hntayin na lang kita malapit sa gate. Akin na muna 'yang bag mo para hindi ka na mabigatan. Bilisan mo, ah?"

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon