Chapter 37: Bet Game

252 39 4
                                    

Tahimik lang si Empress ang Guild Master ng Forgotten Time Guild ngayon habang naka sakay sya kay Magma.

Napansin ni Magma na biglang tumahimik ang babaeng nasa likod nya na parang may malalim na iniisip.

"Haaa...." Napa-iling nalang ang ulo ni Empress sa kanyang na alala kanina.

"Mga tanga" Sinabi ni Empress habang tinitignan nya ang grupo nila Wang Lei na apat na lalaki lang kanina ang nag-uusap at ngayon naging mahigit sa bente na ang dami at dalawa dito ay mga babaeng lider ng kanilang Guild.

Walang rank ang Guild kung sino ang pinaka malakas, mahina o ano pa man.

Pero ang kadalasan ay nakikita ang lakas ng isang Guild sa lakas ng kanilang Guild Master at masasabing ang mahigit 20 na players na ito ang ilan sa pinaka malalakas na player sa laro ngayon.

Pinag patuloy lang ni Empress ang pakikipag laban sa mga Land Gorilla habang ang kanyang mahigit isang daan na ka-miyembro sa Guild ay nag papalevel sa ibat-ibang lugar.

Masayang nakiki pag-usap si Wang Lei sa sa mga lider na ito dahil pumayag ang karamihan sa kanila sa alok na talunin at patayin si Immovable sa oras na matalo nila ang Silver Giant.

Karamihan sa kanila ay dati ng naka usap ni Ronald ang Guild Master ng Royal Bandit kaya tinawagan nila si Ronald gamit ang call system.

Pero ang inaasahan na pag-sang ayon ay hindi nila narinig sa boses ni Ronald.

Tumanggi si Ronald at sinabi sa kanila.

"Huli na para labanan sya"

Si Ronald ang pinaka sabik patayin noon si Immovable pero ngayon ay ayaw nya na kaya hindi sila makapaniwala sa narinig nila.

Ganoon pa man gusto parin nilang mag higante sa pag patay sa kanila dati ang iba naman ay gusto lang sumama dahil ito ang gusto ng karamihan at ang iba ay gustong makita kung paano mamatay ang player na Leon na siyang sinabing pinaka malakas player sa laro.

Sa mahigit na 20 na lider na nag uusap ay dalawang babaeng lider lang ang hindi sumang-ayon at umalis dahil hindi nila gusto ng gulo lalo nat binalaan sila ni Empress na delikado ang mungkahi ni Wang Lei.

Ilang oras pa ay napansin ni Empress si Magma na tumingin sa isang karwahe na papalapit sa kanila dalawang daan metro ang layo.

"Rooaaarr!"

Narining ni Empress ang malakas sigaw ni Magma at lumapit ito sa karwahe para salubungin.

Ilang saglit pa ay nakita ni Xeimei at Akomi si Magma at sinabi kala Rozen.

"Nandito na si Magma" Sabi ni Xeimei.

Narinig nila Rozen ang balita.

"Sino ang babae nasa likod ni Magma?" Tanong ni Akomi.

Nilabas ni Wei Min ang kanyang ulo at tiningnan nya si Magma at ang babaeng nasa likod ni Magma.

"Si Empress na nga yan" Sabi ni Wei Min.

"Ahhh sya pala" Sinabi ni Xeimei at binalik nya ang tingin kay Magma.

Nang malapit na sila ay tumigil si Magma at ang karwahe.

Bumaba sila Xeimei at Akomi ganoon din sila Rozen, Weyong, Wei Min at A-yeong.

Kinamusta nila si Magma sa pamamagitan ng pag himas sa leeg at noo nito habang nilalabas nito ang usok sa ilong na bilang pag ka musta sa kanila.

Bumaba narin ang babaeng nasa likod ni Magma at lumapit sa kanilang grupo.

Si Rozen ang kinilala ng kanilang grupo na lider kaya si Rozen na humarap kay Empress at sinabi.

The Immovable OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon