Chapter 61

344 17 0
                                    

Maaga akong nagising. Pagkatapos ko maligo ay agad akong bumaba para hanapin si Kurly pero di ko nakita. Baka na kay Calixian siya. At dahil wala naman akong magawa at ma bo-bored din ako sa kwarto ay napag pasiyahan ko na tumungo nalang sa labas. Isang napaka preskong hangin agad ang sumalubong sa akin pagkalabas ko. Tinignan ko ang paligid at kitang kita ko ang napakaraming mga pananim. Karamihan talaga sa mga tanim na nandito ay hindi ko kilala. I'm not fond of plants kasi pero nalilibang ako pag tinitignan ko sila lalo na pag stress ako.

"Kailan ba to matatapos? Tsk. Si Lolo talaga oh. Ang gwapo ko naman para gawin to!"

Napalingon ako nang may narinig akong nagsasalita sa may gawing kanan. Muntik na akong matawa nang makita ko ang isang lalaki na nagdidilig ng mga halaman. Pero halatang di siya sanay dahil minsan di niya nahahawakan ng mabuti ang hose kaya ang nangyari ay sarili niya ang napaliligo-an niya. 

"Damn! Gustong gusto ako ng tubig ah? Ganun na ba ako ka gwapo at pati ang hose nato lumilingon pa sakin?"

Para siyang tangang kinakausap ang sarili niya habang basang basa na dahil sa kapalpakan na ginagawa niya. Napailing nalang ako at nilapitan siya.

"Hi! Trabahador po kayo dito?" Tanong ko.

Lumingon naman siya sa akin at natulala sandali saka tumawa nang malakas.

"HAHAHAHAHAHA!! GRABE TO! SOBRANG MALAS KO NAMAN NGAYONG ARAW HAHAHAH"

Ang weirdo naman ng lalaking to. Tutulala tapos tatawa? Baliw na.

Tinignan ko lang siya at binigyan ng nagtatakang tingin hanggang sa nagpipigil siya ng tawa at kinausap ako.

"Bago ka dito? Ba't hindi mo yata ako kilala?" Aniya.

"Duhh! Makikilala ba kita kung taga rito ako? Where's you're brain?" Napairap nalang ako.

Bakit ko nga ba to kinakausap? Tumawa lang ito saka ngumiti.

"I'm Nathan. At hindi ako trabahador dito. Ang gwapo ko naman para maging trabahador diba?" Mahanging aniya.

Okay? Bakit napapaligiran ako ng mahangin?

"Ahh okay" sagot ko nalang at tinignan ang kawawang tanim na mukhang mamamatay na ata dahil naka steady lang ang hose doon na nagpapalabas ng malakas na daloy ng tubig.

"Okay lang? Di ka magpapakilala? Ang unfair naman nun" pagmamaktol niya pa.

Napairap muna ako bago sumagot. "Felishia Ellison" pakilala ko.

"Wow, Ellison ka? Halatang mayaman ah. Swerte parin pala ako hehe. May na meet akong mayaman na maganda" aniya at ang lapad ng ngiti.

Jusko mababaliw na yata ako. Kanina mahangin ngayon childish! Parang pinag combine lang na Calixian at Sarchzani. Kung nagtataka kayo kung sinong childish sa kanila? Then it's Sarchzani. Yung lalaking yun. Napakapormal sa umpisa yun pala may pagka baliw rin minsan. Which is yun ang naging way kaya naging close kami.

"Argh! I'm gonna stop this. Gutom na ako! Siguro naman wala nang ipag uutos si lolo" Nathan.

"Wait! Lolo? Sinong lolo ang tinutukoy mo?" Tanong ko.

"Yung matandang lalaki diyan sa bahay na yan. Lolo ko yan. Pero mas gwapo ako sa kanya hehe"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon