12: Betrayed

20K 969 681
                                    

| BETRAYED |

LUNA'S P. O. V

Naramdaman ko na nasa loob ako ng isang malamig na kwarto. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko. Kumunot ang noo ko nang makaramdam ng bigat sa kamay ko kaya napatingin ako rito. Napakurap-kurap ako ng mga mata ko nang makita ang nakakabit sa kamay ko na IV at may kung anong masakit sa tagiliran ko.

"Don't move."

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ang isang lalaki na nakaupo sa sofa habang nagbabalat ng mansanas. Tumayo siya saka lumapit sa akin.

"My men found you at the back of my club. What happened? Bakit ka nandun? You're not part of the Black Panthers anymore. Don't tell me you're there because of De-"

My men...at the back of his club? Does this mean...

"Blaze?" Tawag ko sa kaniya.

"What?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa response niya. Why he is not wearing a mask? Is he insane?

"Explain now, Luna or else Wave will kill me," sabi niya sabay kagat sa mansanas.

"I was there because I was just fucking curious." Pagsisinunga-Ay, hindi! Tama naman, e! Curious lang talaga ako at pinlano ko lang sumilip. Kung hindi lang naman dahil sa Blackwing Gang, hindi ako magkakaganito.

"Okay," sabi niya saka tinalikuran ako at may kung anong kinuha saka inabot sa akin.

Nang makita ko ang bag ko, nanlaki ang mga mata ko.

"Anong oras na?" tanong ko nang maalala ko si Ced.

"H-huh?"

"I said what time is it?" ulit ko saka kinuha sa kamay niya ang bag ko.

"Five pm"

"Shit!" sigaw ko saka hinugot ang IV sa kamay ko at tumayo pero nabuwal ako at napaupo sa sahig. Napahiyaw ako sa sakit ng tagiliran ko. May humawak sa braso ko. Nag-angat ako ng tingin. Kumagat muna siya ng mansanas bago ito ibinaba sa plato at inalalayan ako.

"Ang tigas kasi ng ulo. I already told you that don't move," may inis sa boses niya saka kunot-nuong pinangko ako at inihiga sa kama.

Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan. "Yes, come in."

"I need to go. Ced is waiting for me," sabi ko. Nang patayin niya ang tawag, napahilot siya sa sintido niya. "I know. Hindi nga nakatulog kaagad ang kapatid mo e."

Kumunot ang noo ko. "W-what? Where is he?"

"Nasa kuwarto ko nagpapahinga. Ako ang nagpasundo dahil alam ko namang ganiyan ang magiging reaksyon mo paggising. Ayaw pa nga sumama sa tauhan ko dahil hindi niya raw ito kilala. Ayaw din pasamahin sa tauhan ko no'ng kapitbahay niyong nagbabantay kay Ced. Kung hindi pa ako nagpakita ng picture mo na nakaratay dito, hindi siya sasama sa akin."

Nakahinga ako nang malalim sa sinabi niya saka ako ngumiti. "Salamat, Blaze."

Mukhang natigilan siya ro'n. Oh, God. I called him by his name so casually. "Ahm...should I call you Kuya Blaze since you're older than me? Or do you have a preferred name because Blaze is just your name under the mask?"

"Just call me Blaze." He turned his back on me.

"Thank you for saving me and for bringing Ced. Mag-aalala kasi 'yon lalo kung hindi ako makakauwi..."

"I don't accept that. You owe me one."

Napangiwi ako ro'n. Bumalik siya sa upuan niya. Huminga ako nang mahaba nang magtama ulit ang mga mata namin. "Paano naman kita baba-"

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon