CHAPTER 11

44.3K 1.6K 2K
                                    

Maureen



It must be her. Sigaw ng isip ko habang nakatanaw kay Gail sa dalampasigan. Hawak niya ang kanyang cellphone at marahil nabasa niya ang padala kong mensahe. I already found her suspecious the moment she knew i love cakes. Funny because the truth is, I don't. Hindi ako mahilig sa matatamis. Not even once.

Si sassygalxx lang ang nakakaalam sa pekeng impormasyong yun, so paano 'to nalaman ni Gail?

Imposible ding si Maggie ang nagsabi sa kanya 'non kasi wala naman itong alam tungkol sa bagay na yan. Therefore i know that she was lying to me.

Di ako sure kung iisang tao nga sila, pero kung sakaling iisa man, ibig sabihin matagal niya ng alam na ako si iuam_star? Since when? I don't remember telling sassygalxx about my real name. How come she knew that it was me? Hindi ko naman----oh wait.

May naalala ako bigla.
Baka nalaman ni Gail 'to bilang si Dj Sassy!
Shocks i just realized na pareho sila ng pangalan. Marahil dahil 'don ay nahula niyang ako si iuam_star, she must've connected the dots!

Gosh so all this time si Gail lang pala ang internet friend ko? Bakit hindi niya sinabi? I don't know if i should be happy or not, halo-halo ang naramdaman ko. Masaya ako dahil hindi masamang tao si sassygalxx ngunit nainis din ako dahil nagsinungaling siya sa akin. She had all the time para sabihin sa'kin ang totoo pero hindi niya ginawa. What's stopping her? Is this the reason why she choose to meet with me in the night and not in the broad daylight?

Kung ano man ang trip ni sassyglaxx aka Gail ay hindi ako natutuwa.

Yung intention kong makipagkita kay sassygalxx ay purely friendly meet lang, walang halong malisya. Sinasakyan ko lang ang paghaharot nito sa akin pero wala akong balak na patulan ito. But now that i knew that she's Gail i would definitely teach this kid a lesson. She lied to me and i hate liars. Pagtripan niya na ang lahat, huwag lang ako.

I'll just pretend that i didn't know everything yet. Gusto kong si Gail mismo ang aamin sa 'kin mamaya. She better not deny it or else aawayin ko talaga siya.

I composed another text message and send it to her.

me:
Let's meet up early tonight, around 7 pm.
Okay lang ba sayo kung may kasama ako?

From: sassygal 👀
Uhm madam,
i'm not sure kung tutuloy ako mamaya

Umangat isang kilay ko.

me:
And why?

From: sassygal 👀
Di ko kasi maiwan pamangkin ko eh
hehe sorry po

Matalim ko siyang tinignan mula sa dalampasigan.
What a liar.

me:
ay sayang naman excited pa naman ako

From: sassygal 👀
pero pwede ako mamayang 10pm
okay lang ba?

I think I already know what her plan is. Pwes uunahan ko na siya, two can play at this game.

me:
Fine, i'll see you outside my cottage
at 10 pm. Don't be late.

I glance at Gail's direction to see her reaction. Mukhang nakahinga siya ng maluwag.

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon