13: Alexus Dreyar Vargas

19.7K 927 305
                                    

| Alexus Dreyar Vargas |

LUNA'S P. O. V

NASA bahay pa rin kami ni Alexus dahil ayaw niya kaming pauwiin ni Ced. Pumayag ako dahil mahihirapan din akong asikasuhin si Ced at nakakahiya naman kung pati Sunday iaasa ko pa si Ced kina Ate Jo.

"I'll pass the requirements now," sabi ni Alexus na tumayo na saka uminom ng tubig. "I'm going home early so I-"

"Alexus, ayos lang kami rito. Alam kong busy ka. Tulungan mo si Tito. Sobra-sobra na nga ang ginagawa mo para sa amin, e." I cut him off.

"It's my responsibility."

Responsibility?

"You're still one of us, Luna." Dugtong niya kaya nagbaba ako ng tingin. "But I left the gang."

"I'm not talking about that," mabilis niyang sabi.

Nag-angat ako ng tingin. "Ahhh.. We're friends that's why?"

Tumango siya at nag-iwas ng tingin. "Yeah, friends."

NANG makaalis si Alexus, iginiya kami ng personal nurse nila sa pansamantalang kwarto namin ni Ced.

"Ma'am, lilinisin ko lang po ang mga sugat ninyo." Imporma niya sa akin.

"Sige po. Where's Ced?" tanong ko habang inililibot ng paningin ko sa kabuuan ng kwarto.

"Nasa banyo po kasama si Manang Isabel."

Tumango na lang ako at itinaas hanggang dibdib ang damit ko. Dahan-dahan niyang inalis ang nakatapal sa sugat ko sa tagiliran saka nilisan. Uminom na rin ako ng gamot na inireseta ng doktor.

Nag-ingay ang phone ko kaya agad ko itong sinagot nang hindi tinitingnan ang caller ID.

"Hello?"

Kumunot ang noo ko nang walang sumasagot sa kabilang linya kaya tiningnan ko na ang caller ID. Hindi nakasave ang number sa contacts ko kaya pinatay ko na.

Tumunog ulit ang phone ko kaya naiiritang sinagot ko na. "Ikaw na hinayupak ka! Kung wala kang balak magsalita, huwag kang tatawag. Baka gu-"

[Hey! Hey! Calm down, Luna.] Boses ni Alexus.

Tiningnan ko ang caller ID at si Alexus nga. "Ano 'yun, Alexus?"

[Sinong tumawag sa'yo na hindi nagsasalita at galit na galit ka?]

"Unknown. Hindi nagsasalita," naiinis kong sabi.

[Give me his number.]

"Okay, itext ko nalang," sabi ko. Baka kasi magkaproblema sa safety namin ni Ced. Mas mabuti nang alam ni Alexus ang tungkol dito.

[Tinawagan kita kasi nakalimutan kong tanungin kung saan nakalagay ang birth certificate ni Ced at magbilin na rin. Don't move and just lay on your bed. If you want something, there's a telcom near your bed. Use it to call Manang Isabel or anyone. Naka-direct 'yan sa kitchen kaya may makakarinig sa'yo sakaling may gusto kang ipaakyat.]

Marahas akong napabuntong-hininga sa mga bilin niya. "Kaya ko naman."

[Ang tigas talaga ng ulo mo. Kapag nalaman kong tumayo ka sa kama mo, ipapadala kita sa Blackwing gang at hahayaang mabugbog do'n tutal gusto mo naman 'yon, hindi ba?]

Kumunot ang noo ko. "Are you for real?!"

[Yes. If you don't want that to happen, rest and don't use your energy too much.]

Hinilot ko ang sintido ko dahil ramdam kong seryoso siya sa sinasabi niya. "Yung birth certificate nasa kwarto nina Mommy. Alam mo na
'yun, hindi ba?"

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon