Chapter 132

1.5K 94 21
                                    


Marahan na inilapag ni Houstin ang mga papel sa mesa ng Opisina. Ilang araw na siyang nanatili sa Mansyon ng mga Bennet sa Rachdale upang pag-aralan ang mga ito, syempre mismong sina Caldwell at Ginoong Severin ang mga personal na nagtuturo sa kaniya ng mga dapat niyang malaman sa pamamalakad at sa kasaysayan ng angkan. Buhat na ibinalik na ang mga Bennet listahan ng mga aktibong Maharlika sa Cyan, karamihan sa mga ito ay hindi makapaniwala, maliban lang sa mga Eryndor. Naiitindihan niya kung bakit. Sino nga ba ang hindi magugulat na sa mahabang panahon na inaakalang tuluyan nang nabura ang angkan ay may naiwan pa pala? Siya at ang pinsan niyang si Masonesa Alva. Dahil sila nalang ang natitirang buhay sa mga ito ay alam niyang marami pa silang pagdadaanan pero ipinapangako niya na kakayanin niya. Hindi lang kay Rini at sa sarili niya, pati na din sa yumao niyang ama kahit na hindi na niya ito naabutan pang buhay.

Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan. Dinaluhan niya ang isa sa mga bintana ng silid kung nasaan siya ngayon, na dati ring Opisina ng mismong ama niya, ang dating duke. Inilapat niya sa bintana ang isa sa mga palad niya. Mula sa kaniyang kinalalagyan, tanaw niya ang mga tao na nasa labas. Abala ang mga ito sa pag-aayos at paglilinis. Tulad ng sabi sa kaniya nina Caldwell at Ginoong Severin, sa oras na lilipat na siya sa Mansyon at pipiliin na manatili dito ay sisimulan nang ayusin ang lahat. Ipinaalala din sa kaniya na sisimulan na din siyang ipakilala sa publiko bilang bagong duke ng Cyan.

Nang marinig niya tungkol sa bagay na 'yon, aminado siya na ginapangan siya ng kaba at takot. Iyon ang tanging nangingibabaw sa kaniya ngayon. Maraming mga negatibong bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan. Iniisip niya na baka hindi siya tuluyang matanggap ng mga parte ng maharlika at aristokrata dahil hindi maipagkaila na isa siyang bastardo ng dating duke. Sa katunayan, hindi maipagkaila na walang pag-asa ang isang tulad niya na maging parte ng grupo ng mga dugong-bughaw. Naisip din niya na sana ay mismong pinsan niya na si Alva ang sasalo sa responsibilidad tutal naman ay legal ito ngunit nang nakausap niya ito ay diretsahan siyang tinanggihan sa iminungkahi niya. Hindi niya makalimutan ang sinabi nito sa kaniya ng huli nilang pag-uusap,

"Alam kong kaya mong palakarin ng maayos ang Rachdale, Houstin. Kung hindi mo kaya, hindi ka mapapagkatiwalaan ng mga kamahalan, lalo na ang Prinsesa Styriniana."

Kusang lumitaw ang banayad na ngiti sa kaniyang mga labi. 'Marahil ay tama ka, Alva. Hinding hindi ko mababawi kung ano ang dapat sa mga Bennet kung hindi rin dahil kay Prinsesa Rini.' sa isip niya, nanatili siyang nakatingin sa labas.

Pinili niyang pigilan ang mga lumulobong negatibong bagay sa kaniyang isipan. Pilit niyang isiniksik doon ang mga postibo. Alang-alang sa mga Bennet ay sisikapin niyang maging magandang huwaran sa mga mamamayan na hindi sumuko na umaasa na muling mabubuhay ang angkan na kaniyang pinagmulan, lalo na't dala na niya ang pangalan ng kaniyang yumaong ama kaya gagawa siya ng paraan upang hindi mawala ang tiwala na ibinigay sa kaniya kahit na mahihirapan siya, kakayanin niyang tiisin 'yon.

Napalingon siya sa pinto ng Opisina nang biglang may kumakatok doon. Imbis na utusan niya itong buksan ay kusang gumalaw ang kaniyang katawan. Nilapitan niya ang pinto saka pinihit. Nang tuluyan niyang buksan 'yon ay tumambad sa kaniya ang nakangiting pinsan na si Alva---ibang iba na ito buhat una niya itong nakilala. Maganda na ang suot nitong bestida, masasabi na nabibilang nga ito sa grupo ng mga maharlika at aristokrata. Nakapusod na ang mahaba at kulay itim nitong buhok. Simple ngunti eleganteng tingnan ang babaeng nasa harap niya ngayon.

"Masonesa Alva," marahan niyang tawag sa ka harap. Mas nilakihan niya ang awang pinto. "Halika, pasok ka..."

"Ah, hindi, Duke Houstin..." iwinagayway nito ang mga kamay sa ere. "Kaya ako napaparito ay sa kadahilan na may mga taong nais kang makita."

Bahagyang ikiniling niya ang kaniyang ulo sa pagtataka. "Sinong... Mga naghahanap... Sa akin?" tanong niya sa mahinang tono.

Ngumiwi ito. "Nagpakilala silang mga basalyo daw sila ng mga Bennet. Nalaman na daw nila ang balita na nabuhay ulit ang angkan na ito kaya nais ka daw nila makilala." kahit ito ay sinadyang hininaan ang boses. "Anong sasabihin ko sa kanila, Duke Houstin...?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon