Bata pa lang ako, alam ko na kung gaano ka-impluwensiya ang pamilya ko.
My father is a successful and respected politician, a business tycoon, and a lawyer. While my mother was a former beauty queen, the eldest and the successor of their family clan's businesses. Parehong mula sa mayayamang angkan ang mga magulang ko at noong magpakasal ang mga ito, mas lalong lumakas ang impluwensiya ng mga Flores - Sarmiento sa lugar namin.
Everything was perfect for me not until my mom got diagnosed of having a cancer, leukemia. She fought really hard. My dad did everything to cure her illness. The treatment was a little bit hard for her, but my mom endured everything and the day before my fifteenth birthday, she died. Namatay pa rin ito kahit na halos ubusin na ni daddy ang lahat na mayroon kami. Leukemia killed my mom, and my dad, well... I never saw him cried. He was strong, the exact opposite of me.
My almost perfect life started to change.
The lively Aurora Sarmiento is gone. I don't want to talk to anyone, not even to my dad. I just wanted to be alone, inside my dark and dull room, and it took me a few months before talking to my family and friends again. And dad, being the strong man he is, he moved on from the death of my mother. And when my father met her, Eleanor Villegas, I started to loss my father, too. Slowly.
"Malalate ako mamaya sa dinner, anak." Natigilan ako sa pagbabasa ng libro at napatingin ako kay daddy noong naupo ito sa tabi ko. "May meeting ako mamaya sa board members ng kompanya natin. At pagkatapos ko roon, dederetso naman ako sa isang event kung saan imbitado ako bilang isa sa guest speakers nila."
"Okay, dad. Take care of yourself," halos walang emosyong turan ko sa ama at ibinalik sa librong hawak ang atensiyon.
"Ayos ka lang ba talaga rito sa mansiyon, Aurora? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" tanong nito na siyang marahang ikinatango ko. Muli kong isinara ang hawak na libro at binalingan itong muli.
"Daddy, sa academy man o dito sa mansiyon, walang magbabago sa akin. At isa pa, mas panatag ako dito. Homeschooling is the best decision for me right now. Nakakapagod na sa labas. Maliban sa mga taong kakilala natin, nagkalat rin ang media sa lugar natin. I don't want to deal with them right now. Isang taon lang naman ang hinihiling ko. After the election, let's talk about this again, dad."
"Aurora, we have your personal guards. Hindi ka nila maaabala sa labas, lalo na sa academy. Iba pa rin kung nasa academy ka nag-aaral, anak. Mas masaya roon kaysa dito sa mansiyon natin. At isa pa, paano ang mga kaibigan mo?" tanong nito at hinawakan ang kamay ko. "I know it's difficult, Aurora, but you're stronger than this. Tiyak kong hindi matutuwa ang mommy mo kapag makitang nagkakaganito ka. Stop thinking about anything, lalo na ang seguridad mo. That's my job darling. Daddy will handle it. No need to worry."
"But dad-"
"You still have time to think, Aurora. Hindi ko pa napapaalam sa academy ang tungkol sa binabalak mo. Just think about it, okay?"
Hindi na lang ako nagsalita at tumango na lamang sa ama. He needs to leave at kung sasagot pa ako sa kanya, baka mapunta pa sa kung saan ang usapan namin. He's a busy man and I know and respect it. Ayaw ko rin namang maabala ito sa trabaho niya.
"Think about it again, okay?" muling turan nito at mabilis na hinalikan ako sa noo ko.
Noong tuluyang makaalis si daddy sa mansiyon ng mga Sarmiento, napagdesisyonan ko nang bumalik na sa kuwarto ko. Dinampot ko ang tatlong librong nasa ibabaw ng mesa at maingat na pumanhik patungo sa pangalawang palapag ng mansiyon kung saan naroon ang silid ko.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko at hinayaan ang sariling makapagpahinga.
Isang linggo na rin kasi ang lumipas simula noong dineklara ni daddy na tatakbo siya bilang gobernador ng lalawigan namin. He's a good man, a good leader, and now that he announced that he will run for a higher government position, everyone is eyeing him and our family, lalo na ako.
BINABASA MO ANG
The Beauty's Trap
ActionFairy Tale Series #3 Aurora Miracle Ynerez Acuesta's story. Started: December 01, 2021