16: Brother's Dispute

19.8K 918 147
                                    

| Brothers' dispute |

LUNA'S P. O. V

PABALIK na kami sa school kasama si Tev na gusto na raw pumasok at hanggang ngayon, hindi pa rin nagsisink-in sa akin na tinulungan ako ni kamatayan mabuhay.

Ang weird pakinggan.

"Anong meron sa battle bukas?" Pagtatakang tanong ko dahil bigla ko lang naalala.

"H-huh?" Gulat na sigaw ni Tev kaya napalingon ako sa kaniya na katabi ko lang. "Bakit?"

"Ang aga magsimula ng bloody battle," sabi naman ni Leo na nakaupo sa passenger seat.

"H-huh? Pinagsasabi niyo?" Naguguluhang tanong ko. Anong sinasabi nila?

"Every Friday is bloody battle... Well, minsan hindi 'to nasusunod. Ang tamang sabihin ay depende sa mood ni Sarmiento. Ito 'yung magbubunutan ng makakalaban but again, hindi rin nasusunod minsan. Minsan tayo tayong magkakaklase o 'di kaya'y ang South Star ang magkakalaban." Paliwanag ni Tev.

"The SSHS, South Star High School. May lowest section din sila at tinatawag itong D-Section. We only have three minutes para patumbahin ang kalaban sa bloody battle."

"What the hell?!" sigaw ko. Anong klaseng paaralan ba itong pinasok ko-No, anong klaseng section ang kinabibilangan ko at bakit ganito?

Natahimik lang silang dalawa. "E-eh kung ayaw kong patumbahin?" Tanong ko.

"Masasaktan ka lang ng kalaban mo kaya mas mabuti na ring lumaban ka. Kapag natalo, lashes ang kahahantungan mo and it will affect your standing." Paliwanag ni Tev na ikinatanga ko.

Wala akong pake sa standing na 'yan!

Saglit akong nilingon ni Leo at ngumisi. "Kaya ipagdasal mong isa kina Eunice at Stella ang makakalaban mo, Luna. 'Yun ay kung pupunta ka."

"Baka nakakalimutan mong marunong makipaglaban si Luna." Sabad ni Tev.

Sabi ko mag-aaral ako nang mabuti hindi makikipaglaban, na tulad ng gawain ko nung nasa gang pa ako.

Biglang huminto ang sasakyan namin, 'yun pala ay nasa school na kami. Naunang bumaba si Tev. Akmang bababa na rin sana ako nang biglang magsalita si Leo.

"You are still unaware of how hell is the section you belong with, Luna. If I were you, I'll leave habang may pag-asa ka pa."

Marahas akong bumuntong-hininga. "Nakapasok na ako. Ang hassle kung lilipat pa ako. Tsaka curious din ako."

"Your curiosity will kill you."

Hindi kaya napag-utusan ito ni Deth na takutin ako dahil nagfail siya sa plano niyang mapaalis ako sa section niya? At siguro gawa-gawa niya lang 'yung announcement niyang battle para matakot ako at magtagumpay siya sa plano niya.

"Labas na at naghihintay na si Steven sa labas," sabi niya pero bago ako tuluyang makalabas, may narinig akong sinabi niya na nakapagpatayo ng balahibo ko.

"Hindi siya ang tunay na principal. Dito pa lang, may mali na sa pagpasok mo sa section namin."

Napatulala ako sa narinig ko at unti-unting isinara ang pinto.

"Hey, Luna. Are you alright?" tanong ni Tev nang magtama ang mga mata namin. Tumango naman ako. "Oo, may iniisip lang ako."

Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko at hinarap ako sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Masakit pa ba ang sugat mo? Bukod sa tagiliran, may masakit pa ba sa'yo? Hindi na ako nakadalaw sa'yo ulit sa club dahil wala kana raw, e."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon