19. Noche

448 57 5
                                    


Farrah

"Noona!"

Napalingon ako sa pinto nang marinig ang boses ng kambal.

"Noona! Kumusta?" Pag-salubong nila sa'kin. Lumapit sila at niyakap ako.

Narito pa rin kami sa silid-kumperensya, nababagot na nga ako at halos makatulog na sa kinauupuan ko.

"Eto humihinga pa." Biro ko. Matakot ka na girl kapag 'di ka na makahinga.

Umupo sila sa tabi ko at nag-patuloy sa pag-kwento at pag-daldal.

"Noona! Kailan ka papasok sa paaralan?" Tanong ng isa sa kambal, si Gabreel.

"Gabreel, kumain na muna kayo at 'wag n'yo muna istorbohin ang mahal na prinsesa." Seryosong sambit ng dukesa na si Thana, napakaganda n'ya talaga. Yumuko ako sa kanya bilang paggalang.

"Opo." Malungkot silang napa-nguso at nag-patuloy sa pag-kain.

Lumapit ako kay Gadreel kasi s'ya ang katabi ko at nasa kabila naman si Gabreel.

"Sa hardin na lamang tayo mag-usap kung may oras ako." Bulong ko. Tumango si Gadreel at ibinulong din kay Gabreel ang aking sinabi.

Napawi ang kalungkutan nila at napalitan ng excitement. Ang cute talaga!

Pumasok na ang ibang mga lalaki at babae mula sa iba't ibang mga emperyo upang makisalo na sa'min. Mga taong maharlika, hindi ko alam ang mga posisyon nila sa emperyo dahil hindi naman ako pamilyar sa mga ganitong bagay. Puro kasi ako barbie.

Hanep, may kaguluhan na nga tapos eto lang kami, pakain-kain lang.

Nilingon ko naman ang katabi ko na nakatingin pala sa'kin. Nginitian ko s'ya, "kumusta naman ang pagkain?" Tanong ko.

Ngumiti rin s'ya, "masarap, kamahalan. Nagustuhan mo rin ba?" Tanong n'ya pabalik.

Tumango ako kahit gano'n pa rin ang lasa, matabang. Basta matabang, angas talaga.

Pumasok ang isang katulong at nag-salin ng inumin sa aming mga baso.

"Sandali." Pigil ko nung ang baso ko na ang sasalinan. Ayon sa kapulahan at tapang na amoy ng inumin ay sigurado akong alak ito.

"Tubig na lamang ang aking iinumin." Sabi ko.

"Tsk." Mahinang usal ni Penelope at tumayo s'ya upang itabig ang inumin na hawak ng katulong upang matapon sa'kin.

Napatayo ako nang wala sa oras.

"Penelope?!" Napataas ang boses ng kanyang utusan sa kanyang tabi.

Umirap si Penelope at nag-lakad palabas. Sumunod naman ang kanyang utusan sa kanya.

"K-Kamahalan, p-patawad." Nanginginig ang boses ng katulong bago s'ya lumuhod sa aking harapan.

Umupo ako upang magkatapat kami at sinuklay ang daliri ko sa kanyang buhok bago ko 'to hinawakan nang mahigpit.

"Theo-"

"Anong ginagawa mo sa isang hampas lupa, kamahalan?"

Pinutol ni Gadreel ang aking pag-tawag kay Theo upang paslangin ang babaeng 'to.

"Agh, sh*t..." Mahinang usal ko. Napahawak ako sa ulo ko. What am I doing?!

Marahan kong binitawan ang katulong, "dalhan mo 'ko ng tubig dito." Bulong ko.

Agad s'yang tumayo at kumaripas ng takbo palabas.

"Kamahalan..." Lumapit si Sebastian sa'kin at inabutan ako ng puting panyo. Seriously?

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon