KABANATA CXCIX

5.2K 20 4
                                    

Yakap yakap ang shoebox na naglalaman ng Worship of Crystal, nanginig si Yvonne at naramdaman na maayos ang lahat kapag nasa tabi si Darryl. Nagmistulang Worship of Crystal ang nararamdaman ni Yvonne para kay Darryl-as clear as crystal.

Nagpigil ito na yakapin at bigyan ng halik si Darryl dahil nandoon ang kaniyang ama. Nagsalita ito ng mahina, "Darryl, dahil binigay mo saakin ito, hayaan mo akong bilhan kita ng dinner! Wala namang pinagkaiba ang dalawa, hindi ka naman hihindi saakin diba?" Tama siya, ang sapatos ay nagkakahalagang one hundred million, magkano ba ang dinner?

Pero ang main purpose ng panlilibre nito ay dahil sa gusto niyang makasama si Darryl kaysa pasalamatan ito. Kahit na isang oras lamang na kasama si Darryl ay masaya na ito.

Nag-isip si Darryl habang natatawa at tumango, "Okay!"

Okay lang sa kaniya na magkaroon ng kasama dahil wala rin naman siyang gagawin.

Nang paalis na sila, biglang nagbring ang cellphone ni Darryl.

Sino naman itong killjoy?

Naiinis na nilabas nito ang cellphone-si Megan.

"What's up Officer Castello?" Patanong na sagot nito sa telepono.

"My good brother, puwede ka ba ngayon? Kailangan ko ng agarang tulong mo." Mahinahong sagot ni Megan.

Tinawag siya nitong good brother? Kinilabutan si Darryl. Anong nangyayare? Noon ay hirap ito na tawagin si Darryl na good brother, bakit napakadali niya itong nasabi ngayon?

Mapang-asar na sumagot si Darryl, "My good sister, anong agarang tulong ang kailangan mo?"

Namula ang pisngi nito at napakagat ng labi nang marinig ang sinabi ni Darryl. Bakit niya kaya tinawag na good brother si Darryl? Isa siyang high ranking officer pero bakit nag-aasta itong bata sa harap ni Darryl?

Kinalma ni Megan ang sarili at mabilis na sumagot, "Importante, aantayin kita sa café saka natin pag-uusapan." Binaba na nito ang telepono.

Makaraan ang ilang segundo, sinend ni Megan ang kaniyang lokasyon kay Darryl.

Napabuntong hininga si Darryl, "Hindi manlang ako magkaroon ng kapayapaan. May manlilibre ng kape, puntahan natin."

Kinagat ni Yvonne ang labi at nag-aalangang nagtanong, "Sino yun?"

Mukhang close si Darryl at ang kausap nito dahil sa tawagang good brother at good sister, pero walang ideya si Yvonne kung sino ito, ang alam lang niya ay hindi yun si Lily. Medyo na-disappoint siya.

Gustong sabihin ni Darryl na si Megan iyon pero nasense nito na nag-iba ang mood ni Yvonne kaya ngumiti at nagsalita siya, "Kaibigan lang."

Sa isip-isip nito, 'Bakit bigla akong nagka-pake sa iniisip niya?'

Sumagot si Yvonne, "Hindi na kita guguluhin, mukhang urgent ang kaibigan mo."

"Okay, ihahatid na kita." Sabi ni Darryl.

Sino kaya ang napakaswerte na makakapangasawa sa maalalahaninh si Yvonne?

Pero kinakakabahan siya, kinagat niya ang labi at napa-isip, 'Bakit niya ako ihahatid! Nagbibiro lang naman ako! Gusto kong makita kung sino ang kaibigan mo na close sayo! Hindi mo ba alam na double meaninh madalas ang sinasabi ng mga babae?'

Nagnessage si Megan habang nagmamaneho si Darryl, "My good brother, pakibilisan sobrang urgent nito."

...

Sa mansion ng mga Darby.

Sa secret chamber ay nakangiting nakaupo si Master Darby.



Itutuloy.....

Lastrillaromel ito po ung book2

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now