IASWAKS2C27

446 74 24
                                    

Author's Pov

Kasalukuyang nasa camping site na sila cody at zai nakaalalay lang sa kanila si miho habang hawak hawak nito ang bag na naglalaman ng mga tubig at t shirts nung dalawa.

Masayang nakikipagkaisa lang yung kambal sa mga kapwa nila estudyante sapagkat magaganap na ang laro ngayong hapon.

"Okay girls and boys! Fall in line and go to your respective groups because the game will start in a few minutes!" Sabi ng emcee na nasa gitna ng stage ibinigay naman na ni miho yung panyo sa kambal at saka naupo na sa may gilid dahil nandoon din yung mga parents ng ibang bata.

"Miss is it your child? In fairness they are both handsome and pretty!" Tanong kay miho nung babaeng nasa may gilid niya , napangiti nalang si miho saka nagsalita.

"Ahm no they are both my niece!" Medyo nahihiyang sabi ni miho saka nakatutok pa din ang mga mata sa dalawang bata na binabantayan niya.

Yung anak niya nga ay hindi niya na nasamahan sapagkat kaya naman niya na mag isa habang sila cody at zai ay hindi at masyadong delikado.

"I find them familiar , i think they have a look a like! Hmp yeah the famous business owner here in japan! It's Coleen Trinidad! Is that her child?" Napalunok naman si miho sa sobrang pagkabigla nang mabanggit ang pangalan ni coleen sa usapan.

Nagtataka siya na how come na namukhaan pa nitong mga babae si coleen na hawig na hawig nga ni cody.

"I don't know who's Coleen Trinidad is but all I can say is that I don't know her , Is she that famous here?" Nag mamaang maangan na sabi ni miho napatango naman ang lahat dahil sa tinanong niya.

"Yeah she is a super famous here in japan as a multi millionaire as well as a very promising CEOs but she already has a family and a cute son!" pagmamayabang pa nung babae napatango na lamang si miho at pinakinggan ang mga ito na magkwento.

Napapaisip siya na habang nakatingin sa mga pamangkin niya na what if nakasama din nila si coleen? Na what if  kahit makilala lang naman nila iyun?

Masakit at alam na alam niya na yung feeling at pinagdaanan ni amy sa loob ng ilang taon dahil lang sa pag iwan ni coleen sa kanya ngunit hindi niya din naman maitatanggi na sobrang pinasaya din ni coleen si amy nung mga time na sobrang solid pa ng relasyon nila.

Halos maluha naman siya nang makita niya ang mga ngiti sa mga labi ng dalawang bata habang nagbabatuhan ng malambot na bola.

"Maybe tama din naman si amy na masaya naman na kayo kahit kayo kayo lang , napalaki niya naman kayo ng tama at sana hindi dumating sa point na magalit kayo sa mommy niyo dahil ayaw niyang ipakilala sa inyo si coleen , I hope na maintindihan niyo yun cody at zai" mahinang bulong niya saka napahawak nalang sa may bandang noo niya at pinipigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

Sa kabilang dako naman ay masayang naglalaro lang sila cody ng Hit out na laro , ito nga ay ginagamitan ng bola at once na matamaan ka nun ay out kana.

Girls and boys ang magkalaban kaya sobrang exciting ng laro na iyun , masayang umiilag lang ang mga girls habang yung boys ay siyang naka opensa at panay lang bato sa iba.

Nagsunod sunod ang pagtama ng team ni cody sa mga girls hanggang sa tatlo na lang ang natira.

Kabilang doon ay si Zai , Trisha at Kim na medyo hinihingal na nga sa kakailag sa bola na pinapatama nung mga batang lalaki.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now